Chapter 7
"Bakit mo ako dinala rito?" nakangiti kong tanong habang naglalakad papunta sa tabing dagat.
Malakas ang hangin kaya naman hindi ko masyadong ramdam ang init. Biglang gumaan ang loob ko sa kaniya dahil sa ginawa niya kanina.
Bakit pakiramdam ko magkakasundo na kami?
"Gusto kasi kitang lunurin."
Okay binabawi ko na.
"Kung saksakin na kaya kita ngayon nang matapos na alitan natin?"
Pumihit ito paharap sa akin nang nakapamulsa. Kumunot ang noo ko nang tumaas ang isang sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin.
"Maganda ka rin naman pala."
"A-At anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman." Tinalikuran ako nito at lumupagi roon.
Tinabihan ko siya at magkasama naming pinagmasdan ang mga alon. Ang sarap sa pandinig ng bawat hampas niyon. Idagdag mo pa ang pinong puting buhangin at ang malinaw na tubig. Masasabi kong isang paraiso ang lugar na ito.
"Oh my god!"
"Problema mo?" salubong ang kilay na tanong nito sa akin.
"I'll shoot a vlog here! Gosh! I almost forgot."
"Vlog?"
"Oo, ang ganda ng dagat oh." Itinuro ko pa ang natatanaw kong katubigan.
"Okay," burno nitong sagot, halatang hindi interesado.
"Tara na!"
"Huh?"
"Ikaw magvi-video sa akin, ano ka ba?"
"Sino ka para utusan ako?"
"Sabi nila maginoo ka raw. Hmm... parang hindi naman."
I saw his jaw move aggressively before he handed the camera.
"Para namang labag sa loob mo, Miro."
"Hindi," pagtanggi nito pero taliwas naman doon ang expression ng mukha niya.
Ewan ko ba pero parang mas naingganyo akong asarin siya.
"Talaga po ba? Bawal magsinunhaling. Magagalit si Lord. Kagagaling lang din natin ng simbahan baka nakakalimutan mo."
"Hindi nga, okay? Simulan mo na. Nangangalo na ako rito."
Humanap ako ng pwesto kung saan maganda ang background at liwanag.
"Hi! It's me again, Hope." Kumaway ako sa camera. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ng lalakeng nagvi-video sa akin. "It's been a while, my angels. I really enjoyed my stay here so hindi na ako halos nakakapag-video. Alam n'yo naman, I really wanna enjoy the moment. Like right now. Can you see the dagat behind me? It's beautiful, right? Anyway, that's all for this clip. I'll just update you, guys, next time. Have a hopeful day, my angels!" Nag-flying kiss ako sa camera at kita ko naman ang pag-iwas ni Miro. Arte 'yan? "Cut mo na!"
"Iyon na iyon?"
"Um." Lumapit ako sa kaniya upang i-review ang video.
"Tss, walang kwenta."
BINABASA MO ANG
Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)
RomanceHope, a psychology graduate from Conzego College of the South decided to spend a vacation in her grandma's province during the summer. On her stay there, she needed to deal with Miro, her sacristan crush she met in a church mass when she was only si...