Chapter 4: Ferris Wheel

823 22 17
                                    


Chapter 4




"Diyos ko! Anong ginawa mo sa apo ko?"


Mabilis akong hinatak ni Mamila palabas at itinago sa likuran niya.


"Wala po akong ginagawang masama."


"Eh tingnan mo nga nakahubad ka pa." Hinampas siya ng lola ko ng damit.


"Mamila, tama na po. Totoo po ang sinasabi niya, wala po siyang ginagawang masama," awat ko sa kaniya.


"Eh bakit ka sumisigaw kanina?"


"May gagamba po kasi."


"Totoo ba 'yan?" naninigurado niyang tanong at sabay pa kaming tumango-tango ni Miro.


"Akala niya raw po kasi kung anong nangyayari sa loob dahil sumisigaw ako kaya iyon... nabuksan niya."


"Eh ano naman ba kasi ang ginagawa mo rito, hijo, nang ganitong oras?"


Humakbang siya nang ilang hakbang at dinampot ang sako.


"Pinapabigay po ni Itay."


"Eh bakit wala kang damit?"


"Nagsisibak po kasi ako ng kahoy nang utusan niya na idaan ko muna rito."


"Naku, pasensya ka na, hijo, ah. Protective lang talaga ako rito sa apo ko. Oh siya, sa loob na tayo dahil malamig dito. Tuloy ka, Miro. Ikaw naman, magbihis ka na rin."


"Opo, Mamila." Nauna na ako sa kanila sa loob.


Dumiretso kaagad ako sa kuwarto upang makapagpalit ng damit. Napatigil ako sa pagbibihis nang maalala iyong kanina. Grabe iyong pag-aalala sa mukha niya. Mabilis kong sinampal ang sarili nang mapangiti ako sa alaalang iyon.


"Walang nakakakilig doon, Hope," pagkausap ko sa sarili sa salamin.


Tinapos ko lang ang pagbibihis at sinuklay ang aking buhok, tapos ay sumunod na ako sa kanila. Nadatnan ko sila sa kusina na nagkukuwentuhan. Kung mag-usap sila ay hindi maipagkakaila na close talaga sila. Siguro kasi rito lumaki si Miro at nanay na niya kung ituring si Mamila.


"Nand'yan ka na pala, apo. Pinag-uusapan namin ni Miro iyong nalalapit na Fiesta rito sa atin. Ang Itay niya kasi ang Kapitan ngayon kaya naman nakikibalita ako sa mga magiging ganap."


"Pinaganda mo pa, Mamila. Nakikibalita, baka nakikichismis."


Tinawanan niya lamang ako. "Maupo ka na rito nang makakain na tayo. Miro, sabayan mo na kami ng apo ko."


Kaming tatlo lang dito dahil nasa Manila si Kuya Pipoy dahil sa trabaho niya. May sarili na rin kasi itong pamilya kaya sa ibang bahay umuuwi, hindi rito. Although, malapit lang naman here iyong bahay nila ng asawa niya kaya nakakabisita siya.


Piniritong talong at tilapia ang ulam namin na may sawsawang toyo't kalamansi na may sili. Bagong huli raw kaya sariwa. Nagkamay ako dahil mas masarap kumain nang ganito, lalo kapag ganito ang ulam. Napansin ko na nakatingin sa akin si Miro.


Magkaharapan lang kasi kami sa lamesa, habang si Mamila naman ay nasa dulo niyon. Sa tuwing titingnan ko siya ay nag-iiwas lang siya ng tingin. Sobrang daldal ni Mamila. Akala mo kaedad lang namin siya.


"May pa-beau-con ba ulit ngayong taon?"


"Mayroon po, Inay," magalang nitong sagot.


Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon