Simula: College Graduation

2.8K 43 9
                                    


Conzego Series 4: Navigating the Sea Waves⛵

Written by: ©Azureriel

_________________________________________







Simula





"Miracle Hope, ano pa ba ang ginagawa mo d'yang bata ka?"




"Pababa na po, Mamala," sagot ko habang naglalagay ng mascara.




"Bilis-bilisan mo d'yan dahil baka mahuli ka na sa graduation mo."




"Opo, Mamala, susunod na po."




Hindi ko na siya narinig, mukhang umalis na. I set my face with a setting spray so my make up would not be messed up later. Naabutan ko silang lahat sa baba na nakagayak na. Mukhang ako na lang ang hinihintay.




"Aww, you're so pretty." Sinalubong ako ng yakap ni Mommy.




"Gosh! I can't believe na ga-graduate ka na. Congrats, sissy."




Nagyakapan kaming mag-ate, parehong natutuwa sa achievements ko.




"Let's go na. Baka mahuli tayo," sabi ni Kuya Travis kaya pumunta na kami sa sasakyan.




I took out my face mirror for the last time nang section na namin ang nakapila para umakyat sa stage. I need to make sure na maganda akong aakyat doon. Of course, I worked hard and waited for this moment for eighteen fucking years. Hindi naman ako papayag na panget ako sa picture taking.




"Conzego, Miracle Hope D., Cum Laude!"




Puno ako ng kagalakan na nag-marcha sa ibabaw ng entablado, ngunit napalitan iyon ng lungkot nang mapagtanto ang isang bagay...




Kinder, Junior High, at Senior High.




Sa lahat ng graduation, kasama ko siya. Inaabangan naming umakyat ng entablado ang isa't isa. Pero ngayon wala siya... wala rito si Mikaella.






—Azureriel

Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon