Chapter 9: Fall Falls

886 20 6
                                    



Chapter 9





Hindi ako makapaniwalang natawag niya akong tanga sa kabila ng sitwasyon ko. Mamamatay na ako tapos nagawa pa niyang sabihan ng ganoon. Nakakainis ngunit pinili kong isantabi ang pagkabwis*t dahil baka mamaya kapag napikon ito bigla na lang akong bitawan.


"Aren't you going to pull me?" umiiyak kong tanong dahil mukhang nalilibang pa siya sa panunuod ng paghihirap ko.


Hinikit niya ako paangat at bumagsak kami pareho sa damuhan. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Alam kong wala pa iyong tatlong minuto pero parang sobrang tagal. Sinikap kong tumayo at pinagpagan ang aking sarili.


"Ano bang ginagawa mo roon? Nagpupunta ka sa kakahuyan nang mag-isa? Paano kung hindi ako sumunod? Paano kung may nangyari sa 'yong masama? SOCO na susundo sa 'yo rito, Hope. Baka nga nilalangaw ka na bago ka pa magtagpuan," sermon ni Miro sa akin.


Imbes na mainis ako dahil sinisermunan niya ako sa kabila ng nangyari, natagpuan ko ang mga paa kong humakbang palapit sa kaniya at niyakap siya. Isinandal ko ang gilid ng mukha ko sa kaniyang dibdib at doon umiyak. Bigla siyang natahimik at naging kalmado. Wala siyang sinabi pero pagkaraan ng ilang segundo'y naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa buhok ko, pababa sa aking likod.


"Akala ko mamamatay na 'ko."


Iyak lang ako nang iyak dahil tuluyan nang kumalat sa sistema ko ang takot. Paano kung hindi siya sumunod? Kung tuluyan akong nahulog? I couldn't imagine myself falling to that rocky river. Paniguradong basag ang bungo ko kapag nagkataon. His hug gave me comfort.


"Sa susunod huwag ka ng magpupunta rito nang mag-isa," kalmado nitong pagkausap sa akin habang yakap pa rin ako.


We just stayed there until I calmed down. Nang makakalma ay naupo kami sa damuhan at pinanuod ang pagbagsak ng tubig mula sa talon. The sound of gushing water gave me tranquility. It was a good place to relax and breathe. But after what happened, I don't think I could see this place the same anymore.


"Huwag mong ayawan ang lugar na ito dahil lang sa nangyari. Hindi niya kasalanan kung patanga-tanga ka."


Nilingon ko ang katabi ko at tinaasan siya ng kilay. "Nagsisimba ka ba talaga?"


Nilingon niya rin ako at doon nagtama ang mga mata namin. Sh*t, those eyes.


"Oo, kaya mo nga ako na-crush-an, 'di ba? Kasi sakristan ng simbahan."


Tumayo ako at nameywang sa harapan niya upang depensahan ang sarili.


"FYI, hindi kita nagustuhan, okay?"


Tumayo siya kaya napatingala ako. Ano 'to? Dinadaan niya sa height? Bwis*t!


"Kaya pala hindi ka nakapag-focus sa misa ni Father." Humakbang siya palapit at yumuko sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa distansya ng mga mukha namin. "Ano ulit iyon? Akin?"


Buong misa ay nakatingin lang ako sa isa sa mga sakristan ni Father Rances. Nakatayo lang ito sa gilid at taimtim na nakikinig ng sermon. Sobrang seryoso ng mukha niya pero mararamdaman mo iyong presence ni Lord sa kaniya.


"Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng espirito, santo, Amen. Panginoong Diyos..."


Nakapikit na ang lahat para sa panalangin pero ako ay dilat pa rin at pinapakatitigan ang sakristan. Ang gwapo na niya sa rest face niya kanina pero mas naging attractive siya ngayong nagdarasal. Dahil sa sitwasyon ay malaya ko siyang napagmasdan. Hindi ko na nga napansin na iba na pala ang dinarasal ko sa karamihan.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Navigating the Sea Waves (Conzego Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon