Simula

164 4 0
                                    

“Alam mong hindi kita kayang pabayaan,” aniya sabay dikit ng kaniyang noo sa akin.

Pakiramdam ko’y may humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko’y natigil ang kaguluhan sa isip ko nang marinig sakanya ang mga katagang iyon. Hindi ko napigilang mapaluha, sabay tango at pikit ng mga mata.

I could’ve told him I wasn’t ready. Sa likod ng utak ko’y naibulong ko na kaya kong tapusin lahat ngayon, pero maniniwala ako sakanya dahil sa dalawang taong pagiging magkasintahan namin ay wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin.

It was then I decided to put my trust on Dencio. Kahit pa isang malaking sugal iyon.

“Anong sinabi mo?” Matapang na tanong ni Mama sa akin. “Ulitin mo, Grace.”

Lumunok ako habang ang dalawang kamay ay magkasalop sa gitna ng mga hita. Hindi ko siya nagawang tignan sa mata sa takot na makita ang pagkabigo at galit sa mga mata nito. I knew it disappointed her. Ako ang panganay niya na siyang inaasahan niya na magtataguyod sa amin. Kaya’t ngayong buntis ako ay paniguradong masamang-masama ang loob nito.

I felt the same when I found out. May mga pangarap ako. May mga pangako ako sakanilang dalawa ni Papa na paniguradong mahahadlangan sa pagkakamaling ito.

Pero pagkatapos naming pag-usapan ni Dencio ang bagay na iyon ay nabuo na nang tuluyan ang desisyon ko. I would have this baby. Bubuhayin ko, kasama ni Dencio.

“I’m sorry, Ma—”

“Diyos ko naman, Grace!” Tumayo si Mama. “Alam mong kailangan ka pa ng mga kapatid mo!”

Halos mapigil ko ang paghinga ko. I stayed silent, and lent my ears to my mom. Hindi madaling saluhin ang galit at masasakit na salita nito, pero kahit sa ganoong paraan ay gusto kong palubagin ang loob nito. I wanted her to release it, and somehow feel at ease by letting it all out.

Mabigat na mabigat ang dibdib ko noon. Natakot ako, na baka pagkatapos noon ay itakwil niya ako at pabayaan. Ayaw kong pagkatapos kong panindigan ang bata ay sila naman ang mawawala sa akin. It scared me.

But Dencio put an end to it. Hinarap niya ang mga magulang ko, kasama ng pamilya niya, at doon ay sinabi niyang handa siyang panindigan ako. My parents then resorted to a marriage. Tatanggapin niya lamang daw ang desisyon namin kung pakakasalan ako ni Dencio, at kahit pa hindi iyon kasama sa pinag-usapan namin ay hindi naduwag si Dencio.

He married me.

But the life we had afterwards was difficult. Dahil pareho kaming fresh graduate at wala pang magandang trabaho ay hindi naging madali ang pagsasama naming dalawa. We had to save money for our baby. Kailangan ko ring magpatuloy sa pagtatrabaho dahil nag-aaral ang dalawang kapatid ko. It wasn’t until I was six months pregnant that I had to stop working.

Si Dencio ang sumalo sa akin noon. He worked for the two of us, dahil ang natitirang sahod ko noon ay nakalaan na para sa pamilya ko. It was the hardest. Para kaming isang kayod, at isang tuka. Hindi na namin kayang gumatos para sa ibang pangangailangan namin dahil kailangang mag-ipon para sa panganganak ko. Nagbabayad pa siya ng tubig at kuryente sa bahay nila Mama kung saan kami pansamantalang tumutuloy.

Nagkaroon pa ng pagkakatong humihiram kami ng pera sa kakilala. Sa ka-trabaho. Sa sharkloans.

I’ve met all kinds of dark shades during those times. Hanggang sa nakapanganak ako, tapos ay may kumuha kay Dencio na hotel kung saan mas maganda ang sahod. Doon ay kahit papaano, nabawasan ang mga utang sa amin. And perhaps it was true that next to the shadow, there would always be light. Dahil ilang buwan lang pagkatapos kong isilang si Stella ay nakakuha ako ulit ng trabaho.

Doon kami nagsimulang bumawi. Sa unang buwan ko sa bangko ay bumawi ako kila Mama. Then, Dencio and I started tracking our finances. Unti-unti, hanggang sa mabayaran na halos lahat ng mga utang ay nag-ipon kami para bumukod. Una’y sa isang apartment pa lamang, dahil mas priority pa namin noon ang makapag-ipon para sa future ni Stella. We were making progress one step at a time, and we chose to be contented at that pace.

“I want to marry you again…” Bulong sa akin ni Dencio habang ang dalawang braso ay nakagapos sa akin. “Sa simbahan, Grace…”

Lumitaw ang maliit na ngiti sa mga labi ko. A church wedding? Sa nakaraang mga taon ay hindi kahit minsan pumasok sa isip ko iyon. We were already married, civil nga lang. Though when I was college, I promised I wouldn’t marry kung hindi church wedding, bumaon na iyon sa isip ko kalaunan dahil sa mga nangyari.

Siguro’y kapag sinubok ka talaga ng buhay, darating sa punto na mababago ang mga pangarap mo. Iyong mga plano, tapos mga mithiin.

“Kaya na ba natin?” Tumingala ako sakanya. “Hindi ba, nag-iipon pa tayo para kay Stella?”

Dencio looked down on me. Ang kabilang kamay ay umangat para humaplos sa kaliwang pisngi ko. He leaned down his head to kiss on my forehead.

“I have been promoted, Grace.”

My brows sloped inward. Bahagyang inangat ko ang dulo ko para mas matignan siya nang mas maayos. A smile was already starting to occupy my lips, but I had to hear it again. “What?”

“I have been promoted.” he said in a low tone. “Station chef na, Mrs…”

My lips parted in overwhelming joy. Halos hindi ako makapagsalita agad. After three years, he was finally promoted!

Napayakap ako sakanya ulit. My heart raced in happiness. Hindi ko pa rin alam kung papaano siya babatiin noon. I was speechless, and impressed! He was now a Station chef! Isa lang dati iyon sa kinukwento niyang gusto niyang maging posisyon sa kusina! Ngayon, heto na.

“Congratulations…” My lips trembled in delight. “Oh my god…”

“Is that a yes?” He asked with a chuckle. “Papakasal ka ulit sa akin?”

Binasa ko ang ibang labi ko, bago humiwalay sa yakap para tignan siya. I was still mesmerized. Kaya naman pala malakas ang loob niyang magbanggit ng kasal!

“Propose to me and we’ll see.” Humawak ako sa pisngi nito nang may malaking ngiti. “I love you, Solares.”

Wife Series : Downside of MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon