Kabanata 14

156 2 0
                                    


Dencio even tried to touch me. Pero iwinaksi ko ang kamay nito. He attempted to caged me in his arms, but I was determined to not let him. Tumayo na ako agad, sabay dampot ng cellphone. Hindi ko na siya muling tinawagan noon. Kahit late ay gumayak ako para sa pagpasok. Hindi ko na nabilang kung ilang beses pa akong sinubukang kausapin ni Dencio noon. Ginusto pa niyang mag-usap kami bago ako umalis, pero mas nanaig ang kagustuhan kong huwag itong pansinin.

Sa trabaho, iyon lamang ang tumatakbo sa isip ko. Mabuti na lang, madalang ang mga taong nag-i-inquire. I was so out of it. Balisa ako. Masakit ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi at kanina. Ang tiyan ko, walang laman. But it was the least of my concern. Ang hinihintay ko noon ay ang lunchbreak para makausap si Wendy tungkol sa trabaho na inaalok niya sa akin noong nakaraan. Buo na ang desisyon ko noon. I'd take part time. Kahit wala na akong maging ganoong tulog. Basta mayroon, para magkaroon ako ng pera pangdagdag sa mga gastusin.

"Sigurado ka ba riyan?" tanong sa akin ni Wendy, nakakunot ang noo. "Mas mapapagod ka roon. Mawawalan ka ng tulog."

"I have bills to pay," sabi ko. "May kailangan din akong bayaran."

"Ano?" Pag-uusisa niya. "Magkaano? Pauutangin kita."

"Huwag na." Umiling ako sakanya. "Hindi ko rin mababayaran."

Napakamot ito sa ulo.

Papunta kami sa Casino ngayon kung saan nagtatrabaho iyong kaibigan niyang si Carol. Dala ko iyong copy ng mga kailangang ipasa. I will also start today. Ako ang naki-usap na agad-agad dahil kailangan ko na ng pera. Nakalista na ang mga kailangan kong bayaran at bilhin. Idagdag pa iyong utang ni Dencio na urgent din. I had no other choice. Kaya kahit pagod pa mula sa maghapong duty, pumayag akong sumalang agad bilang server.

Seven hours ang usapang duty ko sa Casino. Mula alas otso ng gabi, hanggang alas tres ng umaga. Nahirapan ako noong unang gabi dahil hindi naman ako sanay sa ganoong puyatan. Sa jeep pa lang pauwi, bagsak na ako. Halos hindi na ako nakapagpalit pagkauwi, at diretsong nakatulog. Ilang oras lamang ang tulog ko noon, kaya nahirapan akong gumising sa umaga. Uminom lamang ako ng kape, tapos ay energy drink noong tanghali para hindi ako antukin.

Sa pangalawang araw, parang gusto ko nang huminto. Antok na antok ako. Ang katawan ko, pagod. Pakiramdam ko babagsak ako ano 'mang oras. Kung hindi pa ako naka-ilang kape noon ay baka nakatulog ako sa duty. Kahit noong pangatlo, walang pinagbago. Akala ko makakapag-adjust agad ako, pero mas lalo lamang akong nahihirapan bawat araw na lumilipas.

It was exhausting, and draining. Kahit noong magpayday sa bangko at Casino, hindi ko na maramdaman iyong sigla. Though it helped a lot, it still wasn't enough. I still had to earn mre. Part timer lang kasi ako sa Casino, kaya hindi masyadong malaki ang sahod. May expenses pa ako sa araw-araw na pagpapasok, iba pa iyong pagkain sa bahay. There was no way I would be able to pay Dencio's debt. Hindi kakayanin kahit dagdagan ko ang working hours ko. Kaya naman noong pangatlong linggo ng buwan na iyon ay nagdesisyon na ako. Para mabayaran ang utang ni Dencio ay babawas ako sa pera ni Stella. It would take almost half of it, but again, I was left with no choice. Bukod sa wala kaming other souce of income, hindi ko na kayang mangutang.

Kaya lang, noong wiwithdrawin ko na iyong pera sa bangko, insufficient balance ang nakalagay. I thought there was an error. So I inquired in the bank and asked for a bank statement. Pero wala na talagang laman iyon.

All were withdrawn by my husband, Dencio.

Kahit lunchbreak lang iyon at sumaglit lamang ako, umuwi ako sa bahay. My head was clouded with thoughts. Nabulag na rin ako sa galit. Kahit pa gising si Stella nang maabutan ko pagkauwi ay hindi ko na nagawang magpigil. I threw my bag at Dencio. May galit sa matang tinignan ko siya, habang ang magkabilang balikat ay nanginginig.

It was my last straw.

"Kinuha mo iyong pera ni Stella?" Kumabog nang malakas ang dibdib ko pagkatanong noon. "Without my consent?"

Lumapit ako sakanya. My chest was burning with rage. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong magwala. Galit na galit ako. Sa araw-araw na pagod ako sa trabaho, na siya nandito lang sa bahay imbis na tumulong sa akin, mas pinili pa niyang palakihin ang pader sa pagitan namin?

Ganitong klaseng aksiyon ang gagawin niya matapos kong sabihin sakanya kung gaano na ako kapagod sa ganitong klase ng buhay? Hindi na ba talaga niya ako iniisip?

"Dencio, hindi ka ba naaawa sa akin?" May pagdadamdam na tanong ko sakanya. Halos pumiyok pa ako nang i-tanong iyon. "Halos hindi na ako natutulog para kumita ng pera-"

"That's why I did it..." Pinulot niya ang bag na tinapon ko sakanya, 'saka siya lumapit sa akin.. Sinubukan niya akong hawakan, pero nagpumiglas ako. I punched him on his chest. "I wanted to open a business on my own to help you. You didn't have the resolve to decide so-"

"Where is the money?"

"Pagkatiwalaan mo ako, Grace. For the last time, just trust me." Sinubukan niyang hulihin ang mga kamay ko, pero iwinawaksi ko lamang iyon. "Grace, just please listen!"

"Listen? You ignored me when I said I wanted you to take on any job! Mas pinili mo iyang pride mo kaysa sa amin!" Malalim ang paghinga ako. Nag-iinit ang buong katawan ko sa sobra-sobrang emosyon. "Hinayaan mo akong malunod habang ikaw, naghihintay ng opportunity. You chose your passion over Stella and me! Alam mong nahihirapan na ako..."

"Don't project it on me, Grace." Lumunok ito. He tried to held my hand for the ninth time, but I didn't let him. "Galit ka lang. Please, listen to me."

"Saan mo dinala ang pera?"

"Grace-"

"Nasaan, Dencio?"

He looked at me with difficulty. May pangungusap at lungkot doon, pero masyado akong galit at pagod para madala pa roon. I couldn't even look at him the same right now. All I see was a man with pride and endless love for passion. Hindi na iyong Dencio na nakilala ko noon.

"I handed it to Andrew."

Bumagsak ang balikat ko roon. I felt disheartened. Tumama ang mata ko sa ilang make-up ko na kumalat sa sahig nang itapon ko ang bag sakanya. Para akong nanghina roon.

He entrusted our daughter's money on a man who couldn't even take care of him when he was drunk.

"You trusted that Andrew that much?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Eighty-thousand iyon, Dencio. How could you entrust that money to him?"

"He's willing to help me. Siya ang tumutulong sa akin mula nang mawalan ako ng trabaho. Grace, please. Maibabalik ko naman iyong pera-"

"Kapag hindi..." Lumunok ako. "Kapag hindi... this marriage is over, Dencio."

Wife Series : Downside of MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon