"I love you, Marciella Grace Solares?"
Kunot-noong tinignan ako ni Wendy na para bang nababaduyan siya sa nabasa. She handed me the card, tapos ay pabirong umirap sa hangin. Kinuha ko iyon sakanya sabay basa ulit sa mga salitang nakasulat kahit pa kanina ko pa kabisado pati ang punctuation doon. There was no doubt about it. Hand writing ito ni Dencio.
Mas lalong tumamis ang ngiti sa mga labi ko.
Inilipat ko ang tingin sa bulaklak, 'saka muling inamoy doon. Today was nothing special. Hindi ako bagong pasok sa trabaho. Hindi ko birthday. Wala akong promotion. Higit sa lahat, hindi kami magkaaway ni Dencio. Pero siguro'y iyon pa ang mas nagpakilig sa akin. The fact that there was nothing to celebrate for, but I still received flowers was very thoughtful and sweet.
O siguro'y nanunuyo si Dencio dahil sa sinabi ko noong isang araw na hindi ako papakasal sakanya hangga't hindi siya ulit nagpo-propose. Iyon, o assuming lang talaga ako.
"Alam mo, dapat talaga hiwalay ang post ng mga may asawa sa single." Wendy grimaced. "Manligaw ba naman sa trabaho?"
Lumaki ang ngisi ko. "Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin ang manliligaw mo? Mukha naman siyang mabait."
"Kailan pa naging hitsura ang ugali?" tanong niya pabalik. Mas maasim na ang mukha ngayon. "May standard naman ako, Grace."
Sa sinabi niyang iyon ay natawa pati iyong isang babae na nag-i-inquire kay Dominique. Humagikgik ako, sabay baba ng hawak na bulaklak sa table sa ilalim ng desk. It was almost lunch, kaya naman bihira ang mga taong pumapasok para mag-inquire o magpasok ng pera sa bangko. Ilang minuto na lang din ay magkakaroon kami ng short break para kumain.
Wendy and I talked more, until it was exact twelve and we were given permission to leave our desk. Umalis na kami noon dala ang mga gamit para lumabas at humanap ng makakainan. Today was our payday. Siguro'y mamayang hapon o gabi lang ay papasok na ang sahod namin sa card kaya naman paniguradong sa masarap na kainan kami magtutungo ngayon. It was to treat ourselves. Bukas kasi ay linggo, kaya hindi na namin magagawa iyon.
Sa Lunes naman ay paniguradong sapat na pera na lang ang nakatira kaya hindi na kami pwedeng gumatos. It had been our routine. Kapag payday, saka kami bibili o kakain ng gusto namin.
"Saan ba tayo ngayon?" tanong ni Rika na nakatayo sa gilid ni Wendy. "Chicken wings? Samgyeop? Restaurant?"
"Huwag naman chicken wings." Reklamo ni Dominique. "Buong linggo, puro manok na tayo."
"Ikaw, Grace? Wendy? Anong bet niyo?" Pagtatanong ni Rika sa opinyon namin.
Kaming walong bankteller sa bangkong pinagtatrabahuhan ang laging magkakasama. Sa lunch, sa meryenda, o uwian. Madalas ay nagkakaroon pa kami ng pagkikita kapag linggo. Iyon nga lang, ako ang madalas na wala dahil sa mga araw na walang pasok ay may anak akong dapat na bigyan ng oras at atensyon.
"Kaunti lang naman ang time natin. Exact 1, dapat nakabalik na rin tayo. Kumain na lang tayo sa karinderya, tapos ay dinner na lang tayo mag samgyeop." Suhestiyon ni Wendy. "Magpaalam na rin kayo sa mga asawa niyo. Iinom tayo ngayong gabi."
"Iyon!" Ngumiti si Domonique. "Maganda iyan. Sige, ganyan na lang."
Naiilang akong ngumiti. "Pass muna ako, Wendy."
"Anong pass? Minsan lang ito!" Nilingon ako ni Wendy, nakakunot ang noo. "Bakit, naunahan na ba kami ni Dencio sa'yo? May date kayo mamaya?"
Umiling ako. "Wala naman, Wendy. Pero kasi—"
"Iyon naman pala." Humarap sa akin si Wendy, tapos ay inakbayan ako. "Kahit tatlong oras lang, Grace. Sumama ka na."
Gusto ko sanang umuwi ng maaga para maikain sa labas sina Dencio at Mama. But I guess I could do that tomorrow, since wala namang pasok.
BINABASA MO ANG
Wife Series : Downside of Marriage
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Maagang nabuntis si Grace. Kaya naman kahit wala pa sa plano ay napwersa siyang pakasalan ang kanyang nobyo. Mabuti na lang, willing din si Dencio na panagutan siya. Pero breadwinner si Grace sa kanilang pamil...