Dencio's lips pursed. Tapos tumingin siya sa akin na para bang napaisip siya sa sinabi ko. He probably thought it was his friends who sent him home, kasi ang mga iyon ang nakita niya bago siya nawalan ng malay. But I was a bit surprised that he didn't know.
Kahit pa lasing siya kagabi, hindi niya ba ako nakarekognisa sa amoy ko, o sa hawak ko nang gabayan ko siya hanggang sa kwarto?
"Tinawagan ka ng waitress?" tanong niya pa.
Tumango ako roon, tapos ay malumanay na tumayo. "Oo. Eight thirty na noon. Sabi'y wala ka na raw malay."
Hindi siya nakapagsalita agad. Siguro'y sinusubukang tandaan ang mga nangyari. Kung hindi ko alam ang tungkol sa pagkasuspendido niya ay baka iyon ang alalahanin ko ngayon. Pero mas matimbang ang nangyari iyon kaysa sa hindi niya pagsabi kagabi.
I made coffee for Dencio. Tapos nagluto ako. I cooked for our breakfast. Linggo noon, kaya walang pasok. Hinayaan ko munang bumaba ang tensyon, at bigyan ng oras si Dencio, bago namin pag-usapan ulit iyon. It wasn't a simple matter that we could just pass, because it was his job on the line.
Buong araw, sa bahay lamang kami. Hindi tulad noong nakaraan na aalis kami, papasyal, o kakain sa labas. Dencio probably wasn't in the mood to date because of what happened. Ako naman, naghihintay lamang sakanya.
I had more time with Stella. Siguro, mabuti na rin na kung minsan ay sa bahay lamang kami. Naibibigay ko ang buong atensyon kay Stella nang isang buong araw, pagkatapos kong magtrabaho nang maghapon tuwing Lunes hanggang Sabado.
She was growing up. Ilang linggo na lang din ay maglilimang buwan na ito. I'll probably absent, then. Maghahanda nang ilang putahe, tapos mag-I-imbita ng mga kaibigan.
Hindi naman buwan-buwan na birth month ni Stella ay lumiliban ako. Salitan kami ni Dencio. Noong first month, ako. Tapos pangalawa, siya. It was the drill we agreed on to, para hindi lubos-lubos ang absent namin sa trabaho.
But I guess it will be me again next month. After his suspension, he had to make it to to his boss para hindi siya pag-initan. His position right now wasn't easy to get. But he earned it with his hardship. If he wasn't careful, it might get stolen from him. Iyon ang dapat na hindi mangyari dahil si Dencio ang halos bumubuhay sa amin ni Stella.
"Ikaw muna ang magbabantay kay Stella buong linggo?" Malambing kong tanong kay Dencio, 'saka sumampa sa kama.
Stella just slept. Nasa kabilang kwarto. Ililipat ko na lang mamaya bago ako matulog. She had her crib here. Pero ngayon ay kakausapin ko muna si Dencio. I won't be able to do that the next several days because of work. We have to talk about it now, to settle it once and for all.
"Oo," tahimik na sagot nito.
I hugged Dencio. Ipinatong ko ang ulo sa dibdib nito, tapos ay idinantay ang isang paa sa binti niya. I wanted to make him know that I wasn't mad, and that I only wanted to talk about it. Though Dencio wasn't short-tempered, it was better to talk about it in a way that wouldn't make him get the wrong idea. Para hindi kami magkaroon ng misunderstanding. Para mas maging vocal kami sa pag-uusap.
"Sinong nagdala ng alak sa work niyo?" I asked. "Does he normally bring one?"
"Si Markus, iyong assistant chef," tugon niya, bago ko naramdaman ang paghimas nito sa buhok ko. "He used to be a bartender. Mahilig sa alak. Madalas siyang magdala. Ngayon lang nahuli."
"Madalas?" Kumunot ang noo ko. "Inaalok ka ba lagi?"
"Minsan, kapag nahuhuli ko sila."
"Tinatanggap mo?"
Hindi siya sumagot doon. Pero naramdaman ko ang paglalim ng paghinga nito. I understood it then. I felt bothered. Akala ko, ngayon lang ito nangyari, kasi sabi niya kanina, hindi niya mahindian. Kung tinatanggap niya kapag inaalok siya, ibig sabihin ba noon ay madalas siyang lumalabag sa bawal kapag nasa duty?
Paano kung malaman iyon ng boss niya? Paano kung hindi lang suspension ang makuha niya? He spent years to get to where he was now.
Nabahala ako roon. "Paano pag nalaman nila?"
Dencio used his other hand to caressed my arm. "Lahat naman kami nasuspended. Unless, they want to get demoted, they wouldn't tell and rat us out."
"Paano iyong ibang hindi kasali? Paano pag nagsumbong sila?"
"Hindi naman kami umiinom pag may ibang tao," he countered. "Nag-aalala ka?"
Tumango ako.
Hindi ko naman itatanggi. It was troubling. Regardless, I wanted to ease the uneasiness in my chest. I wanted it clear. I wanted to know the details.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo kagabi..." he said in a low tone. Naramdaman ko siyang tumingin sa akin, kaya nag-angat ako ng ulo. "Alam kong mag-aalala ka eh."
"Syempre," sabi ko. "Penalty iyon. You worked so hard to get to where you are right now. A suspension would taint it."
"I'm sorry," humimas ulit siya sa ulo. Pero mas kalmado na ang hitsura niya ngayon. His eyes looked like it was at peace. Parang naka-ahon na siya sa nangyari. "Hindi naman na mauulit. Nag-usap usap na kami kanina sa gc."
"May gc na kayo?" Ngumiti ako. "Gc ng mga suspended?"
He let out a low chuckle. Tapos tumango. "Yeah. Andrew created it."
Ngumiti ako roon. Ipinatong ko ulit ang ulo sa dibdib niya, 'saka nag-move on sa topic na iyon. I opened the topic about Stella's fifth birth month. Pagkatapos, tumayo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Inilipat ko na noon si Stella sa kwarto. I slept, caged with Dencio's arms, and then Monday came.
Sa sumunod na linggong iyon ay ako lamang ang nagtrabaho sa amin ni Dencio. Katulad ng napag-usapan ay sa bahay lamang siya at nagtitingin kay Stella. Siya ang naging tigaluto at babysitter ng anak namin sa pitong araw na iyon. He sometimes complain at night. Palibhasa, sanay sa kusina at hindi sa pagbabantay kaya nahihirapan. But he managed to pull it off.
Nang dumating ang lunes ng gabi, I was eager to hear from Dencio. Bumili ako ng ulam pauwi, and then a mango mousse for desert, nagdagdag na rin ako ng dalawa pasalubong kay Mama.
Mama Adelle was still unaware of what happened then. So while we were both waiting for Dencio, kinwentuhan ko siya roon.I told her it was the same reason why Dencio drank the last time we saw each othher. She said it made sense, since Dencio told her through text message that he'd be the one to babysit Stella for the whole week.
Kumain na siya noon. Pagdating ni Dencio, sinundo na rin siya ni Papa. Naghain ako kay Dencio noon para sabay kaming kumain. Nagsasandok pa lang ng kanin, gustong-gusto ko na agad na tanungin kung paano ang naging pag-uusap nila ng boss niya. Pero inunahan niya ako.
"Nagkaroon ng isyu sa hotel kanina..." Dencio spoke calmly. But his eyes were dark. "Mayroong customer na nagrereklamo tungkol sa pagkain na sinerve namin the last time I was at work. The hotel didn't want to take accountability, kaya napublicize iyong pagkahuli sa amin."
I stopped what I was doing. "Ano?"
"I was fired from work, Grace."
BINABASA MO ANG
Wife Series : Downside of Marriage
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Maagang nabuntis si Grace. Kaya naman kahit wala pa sa plano ay napwersa siyang pakasalan ang kanyang nobyo. Mabuti na lang, willing din si Dencio na panagutan siya. Pero breadwinner si Grace sa kanilang pamil...