Matapos ang ilang araw na halos walang pansinan, nalusaw na rin sa wakas ang yelo sa pagitan namin ni Dencio. Nagsimula siyang bumawi sa akin kinaumagahan noon. Doon ay nagkaroon na ako ng pagkakataong i-kwento sakanya ang nangyari noong araw na mag-away kami. He was shocked to hear about my father, so he insisted to visit them the same day. Linggo rin naman noon, at wala kaming ibang gagawin kaya pumayag ako.
Buong maghapon ay naroon kami sa bahay nina Mama. Doon na rin kami naghapunan, kaya pag-uwi ay diretsong pahinga lang kaming dalawa. Days continued to pass by. Martes ng linggong iyon ay bumalik kami sa Hospital para sa check up ni Papa. Kinailangan na namang bumili ng gamot, kaya naman nabawasan ang budget ko para sa expenses ko sa pamasahe at pagkain kapag pumapasok. Ayaw ko namang mangutang na dahil marami na kaming hinuhulugan ngayon, kaya bumawas na lang ako sa natitira sa separation pay ni Dencio.
Pero mas nasaid pa iyon sa mga sumunod na araw. Kinailangan na naman naming magbayad sa appliances na kinuha namin. Tapos diaper, wipes, at tubig ni Stella. Kung nagtitipid na ako noong mga nakaraan ay mas dumoble pa iyon. Minsan, hindi na ako kumakain ng lunch time at tumatambay na lang sa C.R. Madalas na rin akong nalilipasan ng gutom.
Muling bumalik sa akin iyong kagustuhan na magsabi kay Dencio. Nahihirapan na kasi ako sa ganoong sitwasyon, at kung magtatagal pa iyon ay baka mawalan na kami ng choice kung hindi ang mangutang, o tuluyang bumawas na sa pera ni Stella.
It was one way or another. Kaya nagsimula na akong maghanap ng tiyempo. But then Dencio started applying for a job again. Mula Biyernes, hanggang Linggo. He used what was left on his separation pay. Pinagpaalam niya naman sa akin iyon Lunes pa lang, na siyang pinayagan ko naman dahil alam kong gusto na rin niyang magkatrabaho ulit.
Isang libo't apat na raan na lamang ang hawak ko noon. Pagkakasyahin ko pa iyon sa halos dalawang linggo pa. Pero hindi ko lamang budget iyon sa pagpasok, kung hindi pati sa pangkain namin sa araw araw. Mayroon pa kaming bigas sa balde dahil bumili si Dencio. Pero ulam, wala na.
Iyon ang pino-problema ko ngayon.
Napatigil lamang ako sa pag-iisip nang makarinig ng malakas na kalampag galing sa labas. Sinilip ko muna si Stella na halos patulog na habang dumedede sa bote bago ko tinignan kung sino iyon.
I wasn't expecting Dencio because it was still early. Ang naisip ko noon, baka isa sa mga kaibigan ko na naisipan palang bumisita. But when I opened the door, it was a tall blonde woman. Brown ang nakadrawing na kilay, habang mapula ang labi. She was taller than me, in height and in size. Kumunot agad ang noo ko, nang hindi siya mamukhaan.
"Sino po sila?"
"Si Dencio, nariyan ba?" tanong nito pabalik sa akin. "Asawa ka ba niya?"
Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tono niyang iyon. Matapang iyon, parang galit. Pakiramdam ko tuloy ay may atraso ang asawa ko sakanya.
"Opo. Ano pong pangalan nila?" tanong ko, mas maingat ngayon.
"Manager ako sa COSMIC. Bar malapit sa Chang Li Hotel and Restaurant. Ilang buwan na kasi siyang hindi nagpapakita roon. Tinatawagan ko naman iyong binigay niyang number, palaging hindi sinasagot." Yumuko ito saglit para buklatin ang dalang bag, parang may hinahanap. "Hindi pa kasi siya nagbabayad ng utang sa amin. Ang sabi niya noong nakaraan, babayaran niya na lahat pagkasahod niya, pero bigla na lang hindi nagparamdam."
Kumunot ang noo ko roon. Hindi ko naman agad nagawang sumagot dahil nag-abot na siya sa akin ng ilang resibo, at listahan. It was receipts of his bill, may pirma niya. Iyong iba lukot-lukot na. The last one was two months ago, a week before he was suspended. May isang libo't anim na raan. May apat na libo. May dalawa. Halos hindi ako nakapagsalita habang iniisa-isa iyon. I found it implausible, because there was no way Dencio would have drink this often, and not tell me about it. Impossible na magkaroon siya nang ganito kalaking utang nang hindi sinasabi sa akin...
BINABASA MO ANG
Wife Series : Downside of Marriage
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Maagang nabuntis si Grace. Kaya naman kahit wala pa sa plano ay napwersa siyang pakasalan ang kanyang nobyo. Mabuti na lang, willing din si Dencio na panagutan siya. Pero breadwinner si Grace sa kanilang pamil...