Kabanata 6

45 1 0
                                    

Hindi ako agad nakapagsalita. I stopped what I was doing to sit. Hindi ko inalis ang tingin sakanya habang pinoproseso sa isip ko ang narinig. I was just looking at him. Siya naman, sa pagkain sa harap. It wasn't until a minute after that I was fully able to understand it.

He was fired. Not suspended. Not demoted. But fired.

"Ano?" tanong ko ulit, mas mahina ang boses.

I leaned down. Ang dalawang kamay ko ay ipinatong ko sa magkabilang hita ko habang ang mata ay nakapokus pa rin sakanya. Nanghina na ako noon. Parang nalula iyong puso ko na gusto ko na lamang maniwala na pakulo lamang iyon.

I held on to that hope I built myself to suppress my emotion. It probably reflected my eyes as I looked at him trying to find evidence that he was really bluffing. Because how was he fired when he said it was just a suspension? Hindi ba't parang ang bilis? Hindi ba't hindi naman kapani-paniwala dahil noong nakaraan lang ay na-promote siya sa trabaho?

I get that what he did was wrong. Isang batas sakanila ang pag-inom habang duty. But firing him from work when all he did the past years was to work passionately and diligently...

Napahugot ako nang malalim na paghinga nang hindi siya sumagot. My heart contorted. Hindi ko alam kung iiyak ako, o kung aalamin ko ang buong nangyari, o kung icocomfort ko ba muna siya dahil alam kong masakit din sakanya ang mawalan ng trabaho. I wanted to do something, but my head was clouded with thoughts.

At hindi iyon tungkol sa akin, o sa kanya. Kung hindi sa responsibilidad at bayarin namin. We needed his work to live. Noong buntis ako, iyon ang nagtaguyod sa amin. Nang manganak ako, nang lumipat ng bahay, hanggang ngayon. Without it, we'll go back to square one.

Napalunok na lamang ako. Napatuwid ako nang upo roon, sabay hilamos sa mukha. My chest felt heavy, but ironically, I also felt empty inside. Parang hinahalukay iyong tiyan ko. Para akong maiiyak. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"I'm sorry..." He apologized in a low tone. Hindi pa rin humaharap sa akin. "Hindi ko alam na hahantong sa ganito. Mali ako."

"Dencio..." I gasped after I called his name. "Dencio, paano?"

Bagsak ang mga balikat ko. Kahit pa gustuhin kong maging positibo, pinangunahan na ako ng takot. We were just starting. Kakasimula pa lang naming mag-ipon. Kakasimula pa lang namin sa mas malaki pang plano. Kakasimula pa lang naming huminga nang maayos pagkatapos ng tatlong taong pagkakalugmok.

How are we going to survive without his job?

"Mag-a-apply ako nang panibago."

"Ganoon na lang?" Hindi ko napigilan ang disgusto sa tono ng boses ko. I was anxious. "Hindi mo ba susubukang kausapin ang boss mo?"

"It has been decided."

"Kahit na," sabi ko. "Dencio, mahigit tatlong taon ka roon. Wala 'man lang bang konsiderasyon iyon?"

Kahit pa hotel iyon, at pribado para sa mayayaman, he should at least be pardon for one mistake! Kung nagkaroon ng issue, the management should take care from it. Why were they removing Dencio instead of the root? Tamang may kasalanan si Dencio sa pag-iinom niya habang nasa duty, but if the issue wasn't really because of them, then that would be unfair.

"Desidido na ang HR, Grace," sagot niya. "Wala na akong magagawa roon."

"Iyon na iyon?" Kumunot ang noo ko. "Hahayaan mo na lang na mawala ang trabahong iyon sa'yo?"

He finally looked at me. "Grace, hindi ko desisyon iyon. Sinubukan kong magpaliwanag para linisin ang sarili ko, pero iyon ang pasya ng management."

"You should force them to..." sabi ko pa, hindi pumapayag. "You should talk to me and cut a deal. Kahit demoted, Dencio."

Wife Series : Downside of MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon