simula

0 0 0
                                    


"Kaibiganin mo si rigos, anak. Alam mo naman ang ibig kong sabihin, hindi ba?" Sabay haplos ni mama sa aking pisngi.

I felt her soft hand and i love it. I smiled sweetly. Naiintindihan ko po, mama.

Tumango ako sa kanya. Naramdaman ko ang marahan na hawak ni papa sa aking ulo na tila'y proud siya sa akin. My mother's eyes widened then she also smiled at me and kissed my cheeks.

"Ikaw ang makakatulong sa amin, anak. Pagbutihin mo sana..." Paalala niya bago ako umalis ng bahay papuntang school.

Kumaway kaway ako bago sumakay ng trycicle. I was happy because i made my parents proud. Ganoon naman ang gusto ko, ang makita nilang sinusunod ko ang lahat ng iuutos nila sa akin.

Rigos... He's not familiar nor I don't even know him. Ang sinabi lang ni mama ay isa siya sa mayamang pamilya dito sa manila. Hindi ko alam kung nag aaral ba siya o hindi na.

Gusto ko siyang makilala habang maaga pa. Mabait naman daw ako at maganda sabi ni mama. Bonus pa na inosente ako kaya hindi ako iiwasan ni rigos. Masungit kaya siya?

I tried to ask my friends pero tumawa lamang sila nang sabihin kong gusto ko ang lalaki. Kailangan kong sabihin sa kanila para kapag nakita nila, tutuksuhin nila kami. Gano'n sila klaseng kaibigan at tingin ko ay makakatulong sila sa akin para mapalapit sa kanya.

May kalayuan ang school sa amin. Transferee ako at kasalukuyang nasa senior high school.

There's a lot of rich people in my school. Hindi naman ako totally na mahirap pero hindi ko lang afford ang pang araw-araw nilang recess.

My father is a businessman and my mother is a teacher. Only child lamang ako kaya spoiled ako ng parents ko. I'm loving it because i feel like my life is perfect. The reason why i can't understand when my friends would vent about their problem dahil nang lumaki ako ay tanging sa pag aaral lang ang pino problema ko.

May planta kami sa isang probinsya sa mindanao. Doon ako lumaki pero napag desisyonan ng mga magulang ko na lumipat dito dahil maraming kulang doon sa lugar ng palawan.

"Ilang taon na pala si rigo, kira?" Tanong ko sa isang kaibigan habang nasa loob kami ng van, pauwi na.

Sumabay siya sa akin dahil madaraanan din naman ang bahay nila sa amin.

She shrugged. "I'm not sure. Seryoso ka bang gusto mo siya? Bakit hindi mo alam kung ilang taon na siya?" Sagot niya sa akin.

Kanina ko pa kasi siya kinukulit tungkol sa lalaki dahil may pakiramdam ako na marami siyang alam tungkol sa lalaki. Sa halos limang buwan kong nandito, ni hindi ko man lang nakita ang anyo ng lalaki.

I searched him on the social media but there's no photos of him. Lahat ay private. I also follow him but he didn't accepted my request.

Tulad ko, seventeen din si kira. Matagal na sila dito sa manila at sabi niya ay dito narin siya lumaki.

Naging magkaibigan kami dahil mabait sila sa akin. Tinutulungan nila ako sa mga bagay na hindi ko alam at magaan din sila kasama.

Ngumisi lamang ako. I have to hide that I don't really know that guy. Pauwi na kami at sigurado akong kukulitin ako nina mama mamaya pagkauwi ko. Kailangan kong magkalap ng information tungkol sa kanya dahil wala din masyadong alam sina mama sa kanya.

Rigos... What was his last name?

Umirap siya sa akin.

"Ewan ko sayo." Suminghap siya. Ngumuso naman ako para ipakita sa kanya na interesado ako. She sighed. "Hindi ako sigurado pero matanda siya sa atin ng limang taon."

Flores SundayWhere stories live. Discover now