Umiyak ako pagkauwi ko sa bahay. Nagkabuhol buhol na ang utak ko. Halos isang linggo ay wala ako sa tamang pagiisip.Puro ang lalaking 'yon ang pumapasok sa isipan ko at ang mga sinabi niya sa akin nang araw na 'yon.
"Nililigawan na ako ni Adrian!"
Sa sabado ay new year na at nag uusap kami kung ano ang plano namin pero nagising ang diwa ko sa mensahe ng aking kaibigan na si kira.
Tumalon talon si mira sabay palakpak. Nagyakapan pa sila ng kapatid niya na para bang nanalo sila sa lotto.
Jules did only sighed then he began to write again. Ngumiti lamang ako, masaya para sa kaibigan.
"Good for you," Walang ganang sinabi ni Jules kay kira.
Pabiro siyang pinalo ni kira sa braso. He chuckled at nag peace sign sa kambal dahil halatang na offend sila sa reaction ni Jules.
I smiled. Halos tatlong buwan bago siya niligawan ni Adrian. I just hope they'll be good to each other.
"Ikaw kaya? Mukhang wala kang nililigawan, ah? Bakla ka ba?" Mira crossed her arms sabay harap kay jules na prenteng nakaupo at may notebook sa harap.
Nanlaki ang mata ni Jules at nahihiyang tumingin sa akin bago mabilis na nag iwas. Humalakhak ako. Niyakap naman siya ni kira kaya pabiro niya itong tinulak.
"Okay lang 'yan pareng Jules. Ramdam kita, ganyan din ako noon, mahirap magkagusto sa tao." Ani kira at tinapik tapik si Jules sa likod.
Hinayaan na siya ni Jules sa pagyakap. Sumabay naman si mira at ganoon din ang ginawa ko.
Nagtagpo kaagad ang mata namin ni Jules nang yumakap ako sa grupo. He coughed like he was in pain. Tunawa kaming tatlo.
"Anong pangarap mo paglaki?" Narinig namin kaagad si kira kinaumagahan nang pumasok kami at magkasabay pa kami ni Jules.
With her was Adrian. Nasa middle field sila at nakaupo sa bench habang may pagkain sa kandungan ni Adrian.
Ganito ba yata ang panliligaw. Ang cute nilang tingnan, medyo nagkakahiyaan mabuti nalang ay walang hiya si kira.
"She's asking some random question." Ani Jules bago kaming magkasabay umakyat ng hagdanan.
I shrugged.
Today is Friday. Medyo umaambon, siguro uulan mamayang hapon dahil sa sobrang init ng panahon.
Mama:
Uwi ka ng maaga. May bagyo. Ingat ka, nak.
Florence:
Opo, ma. <3
Sayang at may plano pa naman kami mamayang gabi ng mga kaibigan ko sa bahay ng kambal. Nagpaalam na ako kina mama at pumayag naman sila.
Hindi nga kami nagkamali. Hindi nagtagal ay bumubos ang malakas na ulan kaya na trapped kami sa loob ng Mall.
"Bili na tayo ng wine," bulong ni kira habang nasa grocery store kami.
Umiling ako. Mahigpit na pinagbabawal ni mama sa akin ang uminom. Inirapan naman siya ni Jules na siyang nagtutulak ng shopping cart.
Busy si mira sa paghahanap ng aming snacks. Padabog na lumayo si kira pero agad nagsalita si Jules. Tumalikod ako sa kanila at kinuha ang mga paborito kong chocolates.
"Bawal sabi!" Suway ni Jules.
He looked stress. Paano ba naman kasi, siya lang itong matino sa amin.
"Ang boring naman! Mabuti pa sina Carleen!" Ani kira.
Humalakhak si Mira sa pag aaway ng dalawa.
Hinayaan ko nalang sila sa kanilang pagtatalo at tumulong sa paghahanap ng makakakain namin para mamayang gabi.