Chapter 7

3 0 0
                                    


"Woah! Anong pangyayari ang meron dito?! Aba! Aba!" Sigaw ni mira galing sa malayo.

Napatalon ako lalo nang napatingin ang iba pa naming kaklase. Mabagal na umalis si Jules sa pagsandal sa akin.

Ngumisi si kira at lumapit din sa amin. Inirapan ko siya and pretended unaffected dahil wala naman kaming ginagawang masama. I also don't think na bago lang 'to sa kanila? I mean, we've been very close with Jules ever since. Kung tutuusin, normal lang naman ang paghilig niya sa akin ng ganito.

"Istorbo," bulong bulong ni Jules sabay tayo para lumabas at siguro ay magpapahangin kahit malamig naman sa loob ng room.

Umayos ako ng upo at nagtaas ng kilay sa kanila. Mukha tuloy na may ginawa kaming masama ni Jules kahit wala naman.

"Anong pinag uusapan niyo, huh? Nilalait niyo kami 'no?" Pabirong sabi ni mira. Tumawa ang kapatid niya sa likod niya sabay krus ng kanyang braso.

I sighed heavily.

"Ang cheap namin naman kung ganoon ang ginawa namin, Mira." Sabi ko sa pabirong boses.

Umirap siya.

"Kanina pa kasi kayo nagbubulungan diyan! May balak yata kayong lumabas mamaya ng hindi kami kasama!" Nanliit ang mata niya.

Humalakhak ako at umiling.

"Wala na tayong oras sa ganyan! Malapit na kaya ang graduation natin..." Ani kira.

"Atsaka, eighteenth birthday mo na next month, flores! Anong balak mo? May escort ka na ba? Mag de-debut ka ba?" Sunod sunod na tanong nila.

Ngumuso ako.

"Hindi yata. Hindi kasi napag usapan nina mama, and mukhang busy sila so i understand kung ipagpaliban muna."

Malaki ang iling ang ginawa ng kambal. Natawa ako sa reaksyon nila.

"Hindi pwede! Minsan lang 'yon tapos..." Ngumuso ang kaibigan ko na si kira.

Lumapit naman sa akin si mira sabay nguso.

"Pilitin mo kasi ang parents mo. O, baka naman may balak sila? Baka i su-surprise ka?" Sabay ngiti niya.

Napatingin ako sa labas ng bintana. I don't think so. Parang wala lang naman sa parents ko kahit na ilang beses akong nagpaparinig sa kanila tungkol sa paparating kong debut.

"Ayokong i-surprise, kung sakali. At ayaw kong mamilit sa kanila dahil busy sila sa business namin," sabi ko tungkol sa mga katanungan nila.

Pumasok si Jules at agad nagtagpo ang mga mata namin. He looked away first. Ngumuso siya.

Napairap ang dalawa sa akin. Pabiro akong sinampal ni mira sa braso kaya napunta ulit sa kanya ang mata ko.

"Ang gara!" She groaned.

Humalakhak ako dahil sila pa itong mukhang problemado sa paparating kong birthday. To be honest, hindi naman ako gaano nag iisip tungkol doon. Ayos na sa akin ang umuwi sila ng ligtas at kasama ko ang mga kaibigan ko sa araw na 'yon.

Kahit wala ng caters, big celebration at eighteen roses.

"Aha!" Si kira at tinapik si mira. "Sabihan natin si mommy, ate! May hotel naman tayo—"

"What?! Huwag na sabi! Labas nalang tayo!" Pinigilan ko siya sa sasabihin niya sana.

Tumayo naman bigla ang kapatid niya at malaki ang ngisi sa labi. May ideya na naman siguro 'to.

"Oo nga 'no? Tapos si Jules ang kunin mong escort. Huwag na 'yong lalaking 'yon. May girlfriend yata, " she shrugged.

I know she's talking about rigor. Ngumiti lamang ako habang pinapakinggan silang magkapatid.

Naramdaman ko ang pag upo ni Jules sa tabi ko. Nakinig na din siya sa dalawa at sumabay minsan sa usapan.

"Minsan lang kasi 'yon flores. Once in a lifetime lang, sige na!" Pangungumbinsi nila sa akin.

I appreciate them so much but i also don't want to take their offers. Nakakahiya at totoo naman na hindi ako ganoon ka excited at interesado sa paparating kong kaarawan.

"Why guys? What's going on?" Nagtatakang tanong ni Jules. Kadarating niya lang kasi.

"Mukha kasing walang balak ang parents niya sa paparating niyang debut birthday. So we suggested na kami na ang bahala sa venue and foods. Mag isip nalang siya kung sino ang gusto niyang makasayaw sa araw na 'yon," kira explained.

That's a great opportunity actually. Kaya medyo, gusto kong umayaw dahil nakakahiya.

Tumango si Jules. Mukhang naintindihan.

"If there's anything that i can do, just tell me." Ani Jules.

Mira snapped her fingers. Humarap siya sa akin lalo.

"Gusto naming kumbinsihin mo itong kaibigan natin, Jules." Ani Mira sabay ngisi.

Nanlaki ang mata ko. Ayokong sumagot dahil wala naman akong masasabi. This is not their responsibility. And okay lang naman sa akin talaga kahit wala.

Ngumuso si Jules tila'y may iniisip.

"I don't want her to do things unwillingly but..." He trailed off. Ngumisi ang dalawa sa sinabi ng aming kaibigan. Napairap ako kahit medyo nanginginig ang kamay ko sa sinabi niya.

Lumapit siya sa tenga ko para bumulong.

“are you sure you don't want to accept the offers?" Sabi niya sa mahinang boses. Ngumiti ako. Nag pray sign naman ang dalawa.

I don't want to say no today. Matagal pa naman and we don't need to rush. May panahon pa para mag isip. But it doesn't mean i will take their offers. Of course, this is my parents responsibility not theirs.

Napaahon si mira nang nakita ang reaksyon ko.

"I'm not sure... Jules," nanginig ang boses ko.

He pulled away. Tumingin siya sa akin sa ganong lapit. Mas lalo akong nanginig at hindi mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib. Damn it.

What's happening to me? Really? It's only Jules!

"let's not ask her again. You're pressuring her," umatras siya at sinermonan ang kambal.

Napakurap ang dalawa at umirap.

"Hmmp! Ewan ko sa inyo!" Iwan ni kira sa amin.

Kinakalma ko ang sarili. Hindi kasi ako mapakali dahil totoo si Jules, na pe-pressure nila ako ngayon. Ayaw kong nag decide sa ngayon. Kung may panhanda sa birthday ko, edi mabuti. Pero kung wala ay ayos lang talaga.

Umahon si Mira at ganoon din ang ginawa.

"Basta, ah? Tanungin mo ang parents mo. Hindi naman kayo naghihirap, right?" Nanliit ang mata ko.

Umiling ako at sinabayan ng tawa. I mean, hindi naman kami ganoon kayaman, alam ko 'yon. Kahit ang tingin ng iba sa amin ay ganoon dahil sa mga gamit at pananamit ni mama tingin nila ay mayaman kami.

But they don't know something. Ngumuso ako at tinantanan din naman. Naiwan ulit kami ni Jules ngayon na parehong tahimik.

Tinitigan niya ako.

"I'm sorry about that. Alam kong pressured ka na," Aniya.

Bakit ba lahat parang alam niya? Bakit kilalang kilala niya ako? Why do you need to say sorry? Tumango ako sa kanya.

"Ayos lang." Sabi ko at tumayo para lumabas at huminga dahil kanina pa akong nagpipigil.

Damn it. I'm so fucked. This is not good.

Flores SundayWhere stories live. Discover now