Ilang araw ang dumaan pa at ganoon parin naman ang mga gawain ko. School, friends and family. Today nag out of town sina mama at papa. Wala tuloy akong kasama kaya madalas ang pagbisita ko sa aking mga kaibigan.Nasa bahay ako ngayon ni Jules. Nag uusap kaming dalawa sa kwarto niya like a normal friends then watched a movie together. Busy kasi ang dalawa kaya kami lang dalawa ang nandito. I yawned then i fall asleep.
Nagising akong nakayakap kay Jules. Nanlaki ang mata ko at agad lumayo. He was sleeping peacefully dahil nakatalikod siya sa akin.
Tanging ingay lamang ng aircon ang maririnig sa kwarto. Then later on my cellphone rang and i saw it was my mother.
I answered it immediately. Inaantok pa ako. Gumalaw ang kaibigan ko at hinilamos ang kamay sa mukha.
Tinalikuran ko siya. I suddenly feel the awkwardness between us pero sinawalang bahala ko na 'yon since this isn't the first that we slept together.
The next day, nasa bahay lamang ako mag isa. Tuwing may klase at uwian, diretso ko agad sa bahay. Madalas ang pagtawag ni mama sa akin at nalilibang ko rin ang sarili sa pagbabasa ng libro.
"Bakit kaya nagagalit ang nanay natin sa atin kapag sinusuway natin sila?" Si kira kinaumagahan.
Nakanguso ako. I can't believe that she said that. Tinampal tuloy siya ng kapatid niya.
"Gaga! Ang tigas kasi ng ulo mo!" Ani ng kapatid niya at tuluyang naibaba ang kanyang cellphone para sermonan ang kapatid dahil tanong niyang iyon.
Kaya pala mukhang stress ang kaibigan ko. Tahimik lamang si Jules sa pagsagot ng aming assignment. Tapos na ako kaya malaya akong makipag asaran sa magkapatid sa harap ko.
Kumunot ang noo ni kira at padarag na tumayo. She looked at her sister, irritated.
"Bakit ba niya kasi ako uutusan na maghugas ng plato? I don't know how to do that, ate!" Pagrereklamo niya.
Hindi na bago sa akin ang pag aaway nilang ganito. They argue most of the time pero nagkakaayos din naman kalaunan.
Nakangisi ako habang nakikinig sa kwentuhan nila. Masyado kasing spoiled itong si kira kaya walang masyadong alam. Siguro din ay tinuturuan lamang siya ng mama niya sa mga gawaing bahay dahil kung tutuusin, wala silang problema tungkol doon dahil marami silang kasambahay sa kanila.
Humagalpak si mira at tinuro turo ang sariling kapatid. Then she looked at me like she was expecting me to laugh with her para pagtawanan lalo ang kapatid. Ngumisi ako.
"Ang dami mo kasing nabasag na baso kagabi, bwesit ka!" Tawa parin ng tawa si mira.
Nanlaki ang mata ko at hindi narin mapigilan ang hindi matawa sa asaran nila. Sumimangot si kira at tinalikuran kami.
"ikaw nga walang ginagawa. May favoritism yata sa pamilyang 'to!" Iritang sabi niya bago lumabas ng room.
Umiling iling si jules sabay ngisi. Mas lalo naman tumawa si mira sa sinabi ng kapatid at ang pag w-walk out nito.
"Haynaku! Can't believe na nakapasa ka ng elementary!" Sinadya niyang lakasan 'yon para marinig ng kapatid niya.
Kira raised her middle finger. Napailing ako. Magkapatid talaga. Tapos maya maya magkakasundo na naman ulit. Minura siya pabalik ni Mira.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Jules sa balikat ko. Nilingon ko siya at naabutan kong nag uunat siya, mukhang tapos na sa pagsagot.
"Can i see your paper?" He asked sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
Kumunot ang noo ko pero sinunod naman ang utos niya. Tiningnan ko siya.
"Bakit?" Tanong ko sabay bigay ng aking papel na nakalahad niyang palad.