Month had passed, i forgot about rigor anyone. Kung hindi lang pinaalala sa akin ni mama ang tungkol sa kanya, ay baka wala na talaga.I'm excited to go to the school. Dahilan siguro na may plano kami ngayon ng mga kaibigan ko.
Jules:
Mali-late yata ako. Nasaan ka?
Agad akong nagtipa. Hindi ko mapigilan ang hindi masiyahan habang nasa loob ako ng kotse.
Florence:
On the way na.
Kinakausap ako ni mama. Nagkasabay kasi kami. Si papa naman ang nagmamaneho.
"He's still young, anak." Saad ni mama tungkol kay rigor.
Tumango lamang ako. To be honest, wala naman talaga akong pakealam sa kanya. Mas masaya ako tuwing papasok ng school.
Suminghap si papa. Natahimik na din sila kalaunan kaya malaki ang pasasalamat ko.
Jules' was still texting me. Nalilibang ako sa usapan namin hanggang sa nakarating kami sa school.
I waive at my parents. Ganoon din ang ginawa nila bago umandar paalis ang aming kotse.
Agad akong sinalubong ng aking mga kaibigan. They looked blooming together.
"Naku! Nasaan na si Jules? May picnic tayo mamaya!" Si kira habang naglalakad kami sa loob ng campus.
Kahapon kasi ay napag desisyonan naming mag picnic apat. Masaya tuloy ako dahil matagal tagal narin nang may nasulyapan akong dagat.
"Late daw yata siya. May pupuntahan kasi daw muna." ako na ang sumagot sa tanong ni kira.
Mira was texting someone. Tuwing tumitingin ako, iniilag niya ang kanyang cellphone. Inirapan ko siya. Alam naman namin na boyfriend niya ang ka text niya.
Nakarating kami sa room. I peeked at my phone to see if Jules has a message. Nasiyahan kaagad ako nang nakitang meron.
Jules:
I bought brownies. Favorite mo, diba?
Napanguso ako at lumayo kaunti sa kaibigan. He knows i love brownies and cookies a lot. Hindi ko alam na...
Good thing my bestfriend was talking with my other classmates. Malaya tuloy akong nakikipag usap kay Jules.
Florence:
Wow! Yum Yum!
Jules:
I'm at the gate. Nakakapagod maglakad :(
Humalakhak ako. Mabilis ang paglingon ni mira sabay bato sa akin ng kanyang notebook.
"Ano ba?! Masakit kaya!" Singhal ko sa kanya at bahagyang tumayo para lumayo sa kanya.
Nagulat yata siya dahil sa malakas na tawa ko kanina. Her fault because she was occupied with her boyfriend.
Inirapan niya ako. Ngumisi naman ang kapatid niya habang kausap si Adrian. Bigla kong natandaan na crush pala ni kira ang isang classmate namin.
Namilog ang mata ko nang nakitang may sinusulat siyang numero sa isang maliit na papel bago ibinigay sa tumatawang si Adrian dahil nakikipagbiruan sa iba naming kaklase.
She pouted when she caught me watching her doings. I smirked. Ang galing talaga ng kaibigan ko.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. I almost forgot that we're exchanging message with Jules.
Baka matapilok siya dahil sa pagtitipa ng mensahe habang naglalakad. Ngumuso ako at lumabas.
Nakatingin ako sa baba since nasa third floor kami ng building. Nakita ko kaagad siyang naglalakad sa field at ang mata ay nasa kanyang cellphone.