Chapter 22

1.9K 144 93
                                    

Revelations
━─━────༺༻────━─━







◤─────•~❈𓈀❈~•─────◥
HANIKA
◣─────•~❈ꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋꞌ❈~•─────◢

Naisipan namin ni Sk na tumambay muna sa 7/11 bago umuwi ng mansion. Hindi ako nag dinner bago pumunta sa lungga ng Vipers kaya medyo gutom na rin ako.

It was already 3:04 am so me and Sk were the only costumers around. Habang namimili ng bibilhin ay di ko maiwasang mapatingin kay Sk. I'm sure marami siyang gustong itanong pero hindi siya umiimik. We ended up buying a pair of noodles and siopao to go with it. After paying, we positioned ourselves on the side tables and from there, I decided to take the initiative to talk to him.

"Buti nalang may 7/11 dito 'no." I started. I hope he doesn't ignore me though.

"Oo nga eh. Sayang, wala na silang Honey Butter." Dismayadong sabi nito.

Pasikreto kong sinilip yung tinago kong Honey Butter sa likod ng mga pancit canton at dahan-dahang siyang tinanguan. "Oo nga eh, sayang." Pag sabay ko.

"Alam mo bang si Jezro ang dumukot sayo?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hindi ko kilala kung sino ang mga dumukot sa akin pero alam kong hindi grupo ni Jezro 'yon." Sagot niya habang hinahalo yung noodles niya.

"What do you mean it wasn't the Vipers? Ano 'yon, nag magic na mapunta ka sa quarters nila?" Nalilitong tanong ko at kumagat sa siopao ko.

"Hindi sa ganon. Pwede ba huwag mo muna ako englishin ngayon? Kasi yung utak ko hindi pa rin tanggap na sinampal mo'ko imbes na ikiss nung ginaya ko si Snow White at Sleeping Beauty eh." Reklamo nito sa nangyari kanina.

"Oo, dinukot nila ako pero hindi sila ang nauna. Natagpuan lang daw nila ako sa kalagitnaan ng night hunt pagkatapos ako itapon sa gilid ng kalsada nung mga kumag na doctor." Kwento niya habang tuloy pa rin sa pag kain

"Doctor? Bakit ka naman dudukutin ng doctor?"

"Malay ko. Kumukha ni Reihan eh, edi doctor." He deducted. So pag kamukha ni Reihan doctor agad?

Nevertheless, ibig sabihin lang nito ay may iba pang kumuha kay Sk. The difference is hindi ako ang pakay nila dahil pinakawalan din nila ito kaya siya napunta sa Vipers.

I stirred my noodles and planned to take a forkful but a strange feeling immediately sent shivers down my spine.

Napatingin kami ni Sk sa isa't isa. "Demon hour." Sabay naming sabi.

"No players near the area. Naka-conceal silang lahat." I informed Sk. "I think we should run." I suggested.

"Tinatamad ako. Maglakad nalang tayo." Tanggi niya. I only looked at him with disbelief.

"Sk, we are in a middle of a demon hour. Ibig sabihin, there are players out there that could cause us trouble. Kaya ka nga napunta sa Vipers hindi ba?" Paliwanag ko pero base sa reaksyon ni Sk ay nagdadalawang isip pa ito.

"Boring tumakbo." Walang gana nitong sabi at nagsimula maglakad papalabas ng 7/11. "Mas exciting maglakad habang nagtatago, para tayong ninja." He said and acted like a ninja with all those snake gestures and 'watah' sound effect.

"We don't have time for your jokes--"

"Hindi rin ako nag bibiro!" Biglang sigaw niya sa akin. "I'm sorry. I can't run," humina ang boses nito. "not anymore."

Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad, leaving me dumbfounded. I wasn't able to respond proactively. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Running has been his specialty for years and now he's suddenly telling me he can't do it anymore? Sinong hindi magugulat lalo pa't speed ang trait niya?

Game Of Death : After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon