Chapter 16

2.2K 172 31
                                    

Changes
━─━────༺༻────━─━




◤─────•~❈𓈀❈~•─────◥
HANIKA
◣─────•~❈ꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋꞌ❈~•─────◢

"Ba't ngayon ka lang tumawag?" Reklamo ni Hajj sa kabilang linya.

"Missed me much?" I teased.

"Kapal ng mukha mo sis. Ang saya ko nga kasi walang pangit na tumatawag sa akin eh." Depensa nito kaya naman natawa nalang ako.

"Hoy, kung pangit ako, pangit ka rin. Kapatid kita eh."

"Siguro sa inudoro ka lumabas kaya ganyan mukha mo ate."

"Minsan na nga lang tayo mag usap, nang aaway ka pa." Inis na tugon ko.

"Minsan na nga lang tayo mag usap, di ka man lang nagpaganda."

Huminga nalang ako ng malalim. Kalma Hanika, kapatid mo 'yan.

"I missed you." I said in a sweet tone.

"Eww." Grabeng pandidiring arte ni Hajj sa tono.

"Grabe 'to, bye na nga." Pagtatampo ko.

"Ate wait!"

"Oh ano? May sasabihin ka pa? Mang aasar ka?" Sabi ko na may halong pagtatampo pa rin sa tono.

"Call me often ate...I missed you, I always do." Nahihiyang sabi ni Hajj at pinatay bigla ang tawag.

Matamis akong napangiti. We may fight every single time we get to talk, but I can't deny that I really love my brother.

Ever since mom died, hindi ko na alam kung anong nangyayari kay Hajj. Dagdag mo pa na sobrang busy ko na rin sa pag hahanda sa upcoming tournament. I don't want him to get involved.

I need to get out of this game. Magagawa ko lang 'yon if I win every event and meet the game creator.

"Live Hanika. Survive this hell"

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni mommy nung gabing mamatay siya.

"I'll survive mom. Once I'm out of this game, I'll be a parent and a sister to Hajj. I will give my brother all the love I wishied to receive from you. I will become an ate na mapag sasabihan niya pag may problema siya. Mom na maiiyakan niya pag malungkot siya. Dad na makakapag paramdam sakaniya na ligtas siya pag ako kasama niya. I will become a sister who gives the love I know you and dad wanted to give us. I'm sorry for not seeing your efforts mommy. Now, I promise na hindi ko gagawin kay dad ang ginawa ko sayo." Bulong ko sa sarili.

I felt a tear escaped from the lid of my eye. "Hala gagi, don't cry Hanika." I told myself. "Life was never on your side anyway."

"Once I'm free, I'll take care of our family." I smiled.

Huminga ako ng malalim bago nag desisyong lumabas ng kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay tumambad sakin si Reihan na mukhang balak kumatok.

"Umiyak ka?" Tanong ni Reihan at umiwas ng tingin. "Oh, wala akong panyo." Alok niya sa sleeves ng damit niya.

A light laugh escaped my lips. "Nakakaiyak kasi yung pinanuod kong anime." Palusot ko.

"Wait lang ah." I said at agad na pumasok ulit ng kwarto. I just remembered the schedule and reminders I made last night.

Game Of Death : After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon