Chapter 24

2.2K 164 60
                                    

First Event's Aroma
━─━────༺༻────━─━






◤─────•~❈𓈀❈~•─────◥
HANIKA
◣─────•~❈ꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋꞌ❈~•─────◢

"Kailangan mo akong patayin ija, nagmamakaawa ako." She pleaded.

"P-po?" Nalilitong tanong ko dahil sa biglaang sabi ng mama ni Trio. Mapait niya akong nginitian at kasunod lamang non ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nito.

Pinag masdan ko lamang siya habang dahan-dahan na tumayo. Bahagya siyang yumuko at binuksan ang drawer sa tabi ng hospital bed. Laking gulat ko ng may kinuha siyang kutsilyo mula rito.

Tinuwid niya ang tayo at madiin na napapikit. "Ina ako ija, nararamdaman ko ang lagay ng anak ko. Hindi ko man sigurado kung ano, alam kong may hindi mabuting ginagawa ang anak ko para lang mairaos ang sitwasyon ko." Pansin sa tono nito ang lungkot habang hinihilot ang palad. "Di rin mag tatagal ay mahahanap nila ako."

"Nila? Sino po sila?" I confusedly asked. Nothing was sinking into my mind. Imbes na sagutin ako ay naglakad siya papunta sa akin habang hawak ang kutsilyo. Nablablanko ako, hindi ako alam ang gagawin ko.

Napaatras ako nang nasa harap ko na siya. She didn't give a single motive on attacking me. She gently took my hand and placed the knife on top of my palm. She smiled at me. "Kung magiging totoo ako sa sarili ko, gusto ko pang mabuhay." Nanginginig ang labi nito habang sinasambit ang bawat salita. "Gusto ko pang maging nanay sa anak ko, nag iisang prinsipe ko 'yon eh. Gusto ko pa siyang ipagluto, alagaan kapag may sakit siya, pakinggan kapag may problema siya, at yakapin pag pakiramdam niya mag isa siya. Gusto ko pang iparanas sa anak ko ang pakiramdam ng may inang nag mamahal sa kaniya." Sunod-sunod niyang hinampas ang dibdib na marahil ay dahil sa sakit. "Natatakot akong mamatay, pero mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin at sa anak ko pag nanatili akong buhay." Isinara niya ang aking palad na ngayon ay hawak na ang kutsilyo. "Parang-awa mo na ija, patayin mo ako, iligtas mo kami ng anak ko."

Marahas akong napalunok dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang tingin na binigay sa akin ni mommy pagkatapos niyang mamatay dahil sa akin. Gagawin ko ba? Nanaisin ko bang maranasan ni Trio ang sakit at pagluluksang naranasan ko noon? Naglalaban ang isip kong isinasaalang-alang ang sakripisyo ng isang ina at ang puso kong nangungulila bilang isang anak. Kahit anong piliin ko, meron at merong masasaktan.

Mahigpit kong hinawakan ang kutsilyo. Wala pa man din akong ginagawa ay para na akong nauna masaksak. Nanghihina kong tinignan ang mama ni Trio habang umiiling subalit sinuklian ako nito ng pag tango. "Ayos lang." She mouthed.

Huminga ako ng malalim bago umakma ng saksak pero hindi pa man din ito nakakadapo ay bigla ko itong nabitawan. "Hindi ko po kaya." Hirap kong sabi. Napaluhod ako dahil sa panghihina ng tuhod ko at kasabay ng pagbagsak ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Sorry tita, sorry mommy, hindi ko po kaya. Ayaw kong saktan si Trio." Tuluyan na akong nilamon ng pag iyak.

I slowly felt warm pair of arms around me. It was Trio's mo. "Patawad 'nak, masyado kitang nilagay sa mabigat na posisyon." Hinigpitan niya ang pag yakap sa akin bago inabot ang nahulog ko kaninang kutsilyo.

"Mukhang ako lang talaga ang makakapag ligpit sa gulong pinasok ko." Malungkot nitong bigkas bago bumuelo upang saksakin ang sarili subalit bigla nalang siyang hindi gumalaw.

It wasn't because she didn't want to, it was because she can't. She wasn't moving that's why I realized it was another "Demon hour." Kasabay ng bigkas ko ang pag basag ng bintana sa kwarto. A rock caused it to shatter and what's endearing is that there was something written there. "Don't seek for the truth or else you'll end up hiding from it."

Game Of Death : After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon