👤Chapter Fifteen

7 1 0
                                    

Svetlana

"Akala ko bukas pa balik mo?" tanong agad ni Amen nang makalapit na ako sa kanila.

Ramdam ko ang mga titig ni Zab but I remain firm at deretsyo lang ang tingin ki Amen na ngayon ay kausap ko. What seems to be his problem?

"Hindi, hinatid na ako ngayon ni daddy since hassle kung bukas pa ako babalik and may gagawin din kasi siya bukas." pagpapaliwanag ko. "You know, monday, busy day." dagdag ko pa.

Napatango tango naman siya sa sinabi ko.

"Kumain ka na ba?" she asked.

I just shrug.

"Nope. Busog pa ako. Excuse me, papahinga lang ako, napagod ako sa byahe." I excused.

Actually that excuse was half true. Totoong napagod ako sa byahe and the other half, gusto ko na umalis because I'm not comfortable already. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng tingin sa akin ni Zab.

Bakit kasi sa dinami-daming tao sa mundo, ay si Zab pa ang naging kaklase nila Drake and worst ka-group pa nila.

Pagad akong bumagsak sa kama nang makapasok ako sa loob ng kwarto. Ibinaba ko ang mga gamit ko at napapikit sa sobrang pagod. Makakatulog na sana ako nang maramdaman kong kumalam ang sikmura ko. That made me open my eyes. Naalala ko, hindi pala ako nakapag lunch.

I stood up and grab my wallet, bibili na lang ako ng pagkain sa labas.

"San ka punta?" tanong sa akin ni Amen nang makalabas ako.

"Bibili ako pagkain. Nagugutom ako." sagot ko.

"Baka mawala ka." sabi naman ni Drake.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ano akala mo sa akin, bata?" natatawa kong tanong sa kaniya. "Kaya ko na sarili ko." dagdag ko pa.

"Okay, erase that part. I mean, baka mapahamak ka. Maraming tarantado d'yan sa labas."

That made me think. Pero ilang beses na ako bumibili at nakalabas pero wala naman nangyayari sa akin. Bakit ngayon lang niya sinasabi?

Napatingin ako ki Amen. Tumango lang siya nang tumango na parang sumasang-ayon sa sinabi ni Drake.

"Eh-" hindi na niya ako pinatapos magsalita at agad na sumabat.

"Isama mo na lang si Zabdiel." sabi niya sabay palo sa likod nito. "Bibili din naman siya ng miryenda namin, eh."

Palihim akong napangiwi sa sinabing iyon ni Drake. Tinignan ko si Zabdiel na agad din namang ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko naiwasang hindi iikot ang mga mata ko.

Magsasalita pa sana ako pero tumayo na ang mokong kaya wala na ako nagawa. Binilisan ko ang paglakad ko at nauna ko. Hindi ko siya hinintay at wala akonh balak na hintayin siya. Kasalanan niya na 'yun kung makupad siya maglakad.

"Wait, Lana!"

Nakalabas na ako and I can hear him calling me pero hindi ako huminto sa paglalakad. Nagkunwari nalang ako na wala akong narinig at nahdire-diretsyo lang sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa 7/11 na pupuntahan ko naman talaga. Eto lang naman kasi ang convinient store na alam ko at palagi kong binibilhan.

Agad akong dumeretsyo kung saan nakalagay ang mga cup noodles. Pumipili lang ako nang may maramdaman akong huminto sa likod ko and I think I have the idea kung sino siya.

"Cup noodles na naman?"

Boses pa lang niya naiirita na ako, what more kapag nakita ko na siya. I rolled my eyes and once again, I ignored him.

👤Albay Series 1: Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon