Svetlana
MAAGA akong nagising ngayon bandang alas-kwatro ng umaga. Nakapag-igib na din ako ng tubig pero hindi pa nakakapagluto. My first class today is 7:30AM, sakto dahil nagising ako ng maaga. Though medyo inaantok pa ako, I gathered all my courage to stay awake. Alam ko kasi sa sarili ko na kapag natulog na naman ako, I will miss the track of time and it will end the other way around.
I decided to make a coffee, pampa-gising ba. After that, I sit down while stirring it. I was in the middle of scrolling my phone when one notification popped na nakapagpa-agaw sa atensyon ko. It was a facebook notification.
Eve Marasigan sent you a friend request
Sino si Eve Marasigan? That was the first question that popped on my mind. Sino ba siya? I tried all my best to recall all the people that I encounter pero wala talaga akong kilala. Imposible namang kaibigan ko because I only have very few close of friends.
There's only one thing to know. I clicked on the notification and it immediately bring me to the facebook profile of one familiar girl. She was on her bathing suit while her background seems to be in a beach, clearly summer pa nung last niyang in-update ang profile niya. Her pose definitely suits her, showing her curves.
I suddenly feel concious. If only I have this kind of body like hers. Nakakainggit naman siya. I'm sure maraming lalaking nahuhumaling sa kaniya. I try my best to remember kung saan ko nga ba siya nakita. Then it hit me!
"Ito 'yung Viola na kasama kahapon ni Zabdiel." mahinang bulong ko. Pero bakit Eve ang pangalan niya? Akala ko ba Viola?
Nanliit ang mga mata ko. Pasimple akong umirap sa hangin. Binabawi ko na pala mga sinabi ko kanina. Hindi naman ganun ka-curve katawan niya, noh.
I scroll and click for the photos but there was none. Pati friend list niya ay wala din, nakaprivate siguro. Tanging profile niya lang ang makikita dahil nakapublic ito. Seems like she's a private person. Pero curious ako sa facebook feed niya and the only way I can do is to accept her friend request para makita ko ang mga posts niyang naka for friend lang.
I make face. Sus, akala mo naman maganda. I rolled my eyes. Bakit naman siya sa akin mag fi-friend request? Inutusan ba siya ni Zabdiel? Ano? Para ipamukha sa akin na siya gusto ni Zabdiel at hindi ako?
"Psst, Uy!"
Nagulat ako sa biglang boses na sumitsit sa akin dito sa kusina. Umangat ako ng tingin only to find Amen, 'saka ko lang din napagtanto na medyo maliwanag na sa paligid. Tinignan niya ako ng natatawa.
"Sino na namang kaaway mo d'yan? Kanina ka pa nguso ng nguso d'yan." tanong niya. "'di ba, maaga pasok mo ngayon? quarter to seven na."
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata. Hindi ko siya pinansin. I just closed the app at pinatay ang cellphone ko. Inubos ko ang kape ko 'saka ako tumayo at naglakad papunta sa kwarto. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na parang nagtataka si Amen sa kinikilos ko.
Nagbihis na ako at naghanda na papasok sa University. Tulad kanina, hindi ko pinansin si Amen o maski sinong kumakausap sa akin. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.
Pumasok na ako sa first class ko na sana pala hindi ko na lang ginawa. Hindi naman kasi pumasok ang proff namin pero nagpa-attendance at may iniwan na activity at project na sa susunod na tatlong araw pa ang deadline. Wala tuloy akong ibang nagawa, nagayos-ayos pa ako.
BINABASA MO ANG
👤Albay Series 1: Perfect Strangers
Fiksi RemajaWe're all taught from an early age not to talk to strangers but talking to them is actually a good thing. That's what Svetlana though after her boyfriend dump her. She burst out her feelings to a stranger and it actually make her feel good. _______...