Chapter 3

3.3K 77 1
                                    

Kasalukuyan akong nag luluto nang aming kakainin ngayong araw dito sa kubo ni Nay Dalia. Si Tristan ay nasa kwarto namin habang nag ce-cellphone. Pagka tapos namin kumain kanina ay pumasok na kaagad siya sa kwarto. Tila ba ayaw niya akong makita at hindi niya matanggap na makakasama niya ako ng isang linggo.

Habang nag sasaing ako biglang pumasok si Nay Dalia dito sa may kusina.

“Ija malapit ka na bang matapos? Pagkatapos kong kumain pupunta ako sa may bukid para kumuha ng mga gulay na pwede nating iulam mamayang gabi.” aniya ni Nay Dalia. Ngayon ko lang nalaman na may bukid pala si Nay Dalia dito.

“Malapit na Nay, papakuluan ko na lang po ito ng lima pang minuto pwede na po tayo kumain.” aniya ko bago isalang yung ulam sa kalan.

“Nasaan nga pala si Tristan? Kanina ko pa siya hindi nakikita, may pinuntahan ba siya?” tanong ni Nay Dalia habang nag hahanda na ng mga pinggan na aming kakainan. Medyo kinakabahan pa rin ako ngayon, paano kung hindi kainin ni Tristan yung niluto ko. Ramdam kong mainit ang ulo niya dahil makakasama niya ako ng isang linggo dito, pero ayaw niya lang ipakita dahil ayaw niyang malungkot si Nay Dalia.

“Nay okay lang po ba kung huwag niyong sabihin kay Tristan na ako ang nag luto nito. Sigurado po kase akong hindi niya ito kakainin kapag nalaman niya na ako ang nag luto nito.” malungkot na saad ko. Agad namang napatingin sa akin si Nay Dalia.

“Paano mo naman nasabi yan ija? Ganun na ba ka ayaw ni Tristan sayo? May iba na ba siyang nagugustuhan?” tanong nito. Sa totoo lang ayaw kong isipin ang tungkol doon. Masasaktan lang ako.

“Matagal ko na po siyang minamahal pero opo mayroon po siyang babaeng nagugustuhan. Sobrang ganda niya, kabaliktaran ko. Kaya sa tingin ko wala na talaga akong pag asa sa kaniya.” kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ko ang pag tulo ng aking luha. Napansin iyon ni Nay Dalia kaya agad niya akong inabutan ng panyo para ipang punas sa aking luha.

“Ilang beses ko rin yan naramdaman noon ija, kaya huwag mong pigilan ang sarili mong umiyak. Kailangan mo siyang kausapin tungkol sa bagay na yan. Umamin ka sa kaniya para masagot na ang mga tanong diyan sa puso mo.” pagbibigay ni Nay Dalia ng advice sa akin. Kailangan kong umamin? Pero natatakot ako dahil baka ireject niya lang ako? Paano kung masaktan lang ako? Paano kung may masasakit na bagay siyang sabihin sa akin? Paano kung sabihin niya na hanggang kaibigan lang kami? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Mababaliw na ako kakaisip.

Marami mang bumabagabag sa akin pero kailangan kong umamin sa kaniya. Para malaman ko na kung magkakaroon ba ako ng pag asa sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot niya pero kailangan kong pag handaan ito. Kung ano man ang magiging sagot niya kailangan kong tanggapin.

Kaya napagpasyahan kong umamin na sa kaniya mamaya. Sinabi ko kay Nay Dalia ang tungkol dito at masaya siya para sa akin. Masaya siya dahil nagkaroon na ako ng lakas ng loob para umamin kay Tristan.

Nang matapos na akong mag luto ay inilagay ko na ito sa plato at nag sandok na din ako ng kanin. Si Nay Dalia na ang tumawag kay Tristan at lumabas na din siya kaagad. Nah simula na din kaagad kaming kumain. Pinagmamasdan ko si Tristan nang tikman niya ito. Napahinga naman ako ng maluwag nang magustuhan niya ito at nag simula na din akong kumain.

Tahimik lang ako habang kumakain dahil pinag iisipan ko pa rin kung aamin ba talaga ako. Kinakabahan kase ako at hindi mapakali.

Maya maya lang ay natapos na kaming kumain at bumalik na din kaagad si Tristan sa kwarto habang ako naman ay nandito sa kusina habang nag huhugas ng pinggan.

“Keisha ikaw na muna ang bahala dito at aalis na ako. Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay mag pahinga ka na.” pag papaalala ni Nay Dalia bago ko siya tinanguan bilang pag responde. Umalis na din siya kaagad at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon