Chapter 21

3K 58 2
                                    

Kasalukuyan akong nakain ngayon dito sa restaurant habang kasama ko si Cyrus at Ate Kelly. Kumakain ako habang silang dalawa naman ay hindi maka tingin sa isa't isa dahil sa kahihiyan na ginawa nila. Hindi pala napansin nila na maraming tao na ang nanonood sa kanila habang nag sisigawan sila kanina. Dumating na nga sa punto na may lumapit na gwardiya sa kanila.

*FLASHBACK*

"Kung ako sayong lalaki ka mananahimik na lang ako. At saka anong lalamasin mo itong d*de ko? Bakit wala ka bang d*de! Kadiri ka! Napaka manyak mo!" sigaw ni Ate Kelly habang hinahampas niya si Cyrus ng jacket. Nakita kong may papalapit na gwardiya na sa kanila kaya agad akong nag lakad papalapit sa kanila para pigilan sila. Baka ma banned pa kami dito sa mall dahil sa pag aaway nilang dalawa.

"Anong nangyayari dito?" tanong nung mga gwardiya bago nila pinag hiwalay si Cyrus at Ate Kelly.

"Yan kaseng manyak na iyan, sinabihan ba naman ako na maliit yung d*de ko. Ang kapal ng muka, kasing liit lang naman ng Tender juicy hotdog yung alaga niya." inis na pagpapaliwanag ni Ate Kelly habang si Cyrus naman ay pikon na pikon na.

"Itigil niyo na yang pag aaway niyong dalawa." sigaw ko sa kanilang dalawa dahilan para mapatahimik silang dalawa.

"Ma'am, Sir, alam ko pong break na kayo pero huwag naman po sana kayong gumawa ng gulo dito sa mall. Ma'am wala na po kayong magagawa kung may nabuntis na iba si Sir. Marami pa naman po kayong mahahanap na iba." aniya nung gwardiya bago tumingin sa akin. Nabigla ako dahil ako ba yung buntis na tinutukoy niya?

Teka?! Ang pag aakala ata nung gwardiya ay nag break si Ate Kelly at Cyrus dahil nabuntis ako nito? Yun ba ang akala niya sa amin? Yun ba ang akala niya kung bakit mag kaaway si Ate Kelly at Cyrus?

"Teka lang Manong Guard, first of all hindi niya ako nabuntis dahil may asawa ako. Oo mag ex silang dalawa kaya grabe na lang sila kung makapag laitan." pag sisinungaling ko bago ako tumingin sa kanila at ngumisi. Parusa yan sa kanila dahil pinag hintay nila ako at nag away pa sila dito.

"Pero wala naman kaming relas-" hindi na natapos ni Ate Kelly yung sasabihin niya nang mag salita yung gwardiya.

"Sa susunod ho kung may problema kayo ay sa inyo inyo na lang po, madami na po kaseng tao ang nakatingin sa inyo kanina dahil sa lakas ng boses niyo. Huwag na po kayo mag away, hindi naman po masama kung maliit yung d*de ni Ma'am at kasing liit lang ng Tender juicy hotdog yung alaga ni Sir. Lalaki din po yan huwag kayong mag alala." aniya nung gwardiya habang pulang pula na yung muka nung dalawa dahil sa hiya. Habang halos malunod na sila sa kahihiyan ay ako naman ay nag pipigil ng tawa dahil maraming tao ang nakarinig nung sinabi ni Manong Guard.

*END OF FLASHBACK*

"Ano bakit hindi pa kayo kumakain? Anong feeling ng masabihan ng maliit and d*de at kasing laki lang ng Tender juicy hotdog yung alaga sa harap ng maraming tao? Puro kase kayo kalokohan!" panenermon ko dun sa dalawa habang nakain ako ng mga pag kain. Nagutom ako sa kakaaway nila kanina.

"That was so embarrassing. It was all your fault flat chested!" inis na asik ni Cyrus kay Ate Kelly dahilan para mamula ito lalo sa galit.

"Kung maka flat chested ka parang hindi maliit yang alaga mo. Sigurado ako hindi ka makakabuntis dahil sa liit ng alaga mo! Feeling daks hindi naman." aniya ni Ate Kelly bago niya inirapan si Cyrus.

"Anong hindi! Baka kapag nakita mo ito ay magulat ka kapag nakita mo kung gaano ito kalaki. 7 inches kaya itong alaga ko!" pag mamalaki ni Cyrus bago uminom ng tubig.

7 inches? Malaki din pala yung kaniya. Pero sa pagkaka alala ko mas malaki yung kay Tristan.

"7 inches mo muka mo. Alam kong jutay ka kaya manahimik ka na lang. Feeling ko 2 inches lang yang alaga mo!" pang aasar ni Ate Kelly dahilan para mainis si Cyrus.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon