Chapter 6

3K 73 1
                                    

Sa totoo lang, naguguluhan ako sa ikinikilos ni Tristan.  Minsan sweet, minsan cold. Aaminin ko masaya ako kapag sweet siya sa akin pero natatakot ako na baka kapag bumalik na kami sa Manila ay mag bago na rin yung pakikitungo niya sa akin.

Kanina nag halikan kami pero pagka tapos noon ay agad ko siyang itinulak at lumayo ako sa kaniya. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya sa akin. Sinabihan niya ako ng malandi tapos siya nga itong nakikipag landian. Hindi sa lahat ng pag kakataon papatawarin ko siya. Mahal ko siya pero minsan nakakasakit na kase yung sinasabi niya.

Kasalukuyan akong naka upo dito sa may buhangin nang may tumabi sa aking lalaki. Nagulat ako dahil bigla bigla siyang lumitaw mula sa kung saan.

“Hello” bati niya sa akin. Medyo nagulat ako nang kausapin niya ako pero ayaw ko namang maging snob kaya binati ko siya pabalik.

“Hi” maikling pag bati ko sa kaniya bago ko ibinalik sa dagat ang tingin ko.

“Bakit ka nag iisa dito? Malapit nang mag gabi ah, hindi ka ba natatakot?” tanong nung lalaki. Oo nga noh, malapit nang mag gabi. Kanina pa kase ako nandito dahil hindi ko alam kung papaano ako babalik sa kwarto namin. Hindi ko siya kayang kausapin dahil galit pa din ako.

“Gusto ko lang mag pahangin, ikaw ba?” tanong ko rito. Ngayon ko lang napansin pero ang gwapo pala nitong lalaking ito. Mahaba ang pilik mata niya at may hazel brown eyes siya. Matangos ang ilong at sobrang gwapo niya tuwing ngumingiti siya dahil lumalabas yung dimple niya.

“Wala lang, gusto ko lang libutin tong resort. Napansin ko kaseng nag iisa ka kaya agad kitang nilapitan. My name is Raven, how about you?” tanong niya. Raven? Pangalan pa lang gwapo na.

“Keisha ang pangalan ko.” pag papakilala ko sa kaniya. Nabigla ako nang bigla siyang ngumiti dahilan para lumabas yung dimple niya. Ackkk! Ang gwapo naman nitong nilalang na ito.

We started talking at nalaman ko na may pagkakapareho pala kami. May mga bagay na parehas naming gusto at sobrang saya niya kausap. Mabait, gentle man at mauunawain siya. Inabot na ata kami ng dalawang oras habang nag uusap. Hindi ko na napansin yung oras at nabigla ako nang makita kong mag aalas siyete na pala.

Medyo nalungkot ako nang maalala ko si Tristan. Hindi niya man lang ako sinundan o hinanap? Akala ko pa naman susuyuin niya ako pero kagaya ng dati, wala siyang paki sa akin.

“Gabi na Raven, kailangan ko nang bumalik dun sa hotel room ko. Saka medyo nagugutom na din ako.” aniya ko kay Raven. Medyo kumakalam na din kase yung tiyan ko at lumalamig na din kase yung hangin.

“Babalik ka na? Halika sabay na tayo, babalik na din ako sa room ko.” aniya niya bago tumayo at nag lahad siya ng kamay sa akin. Agad ko itong hinawakan para makatayo na ako. Nag simula na kaming mag lakad habang nag kwekwentuhan pa rin kami.

Habang nag lalakad kami ay napatigil ako sa pag lalakad nang makita ko si Tristan habang may kausap nanaman siyang panibagong babae. Bigla akong nasaktan dahil mukang nakikipag flirt siya dun sa babae.

Kaya ba hindi niya ako sinundan dahil sa nakikipag landian siya? Mas inuna niya pa yun kaysa sa akin.

Napansin ni Raven na napatigil ako at tumingin siya sa gawi nila Tristan.

“Sa ibang direksyon na lang tayo dumaan.” saad ko bago ko hinigit si Raven.

“Siya ba yung lalaking tinutukoy mo? Bakit pa siya nag hahanap ng iba, ang ganda mo naman Keisha.” aniya nito. Medyo malakas ang boses niya kaya bago pa man kami naka alis ay napatingin na sa amin sila Tristan. Biglang nag bago ang emosyon ng muka niya nang makita niyang nakahawak ako sa kamay ni Raven. Pero hindi ko siya pinansin at tumingin kay Raven.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon