Chapter 10

3.3K 75 2
                                    

Wala siyang ginawa kung hindi tadtadin ako ng chat kaya napag pasyahan kong lumabas na. Nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto ay nabigla ako nang makita ko siyang lumuluha. Nagulat ako nang mahigpit niya akong niyakap. Napa buntong hininga na lang ako at niyakap ko siya pabalik.

“Inaantok na ako, let's sleep.” pag aaya ko sa kaniya bago ko sinara yung pinto ng kwarto ko dahil alam kong sa kwarto niya kami matutulog. Isinarado niya yung pinto nang makapasok kami at naupo sa may kama. Hihiga na din sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napansin kong tumatawag si Sir Cyrus. Ano kayang kailangan niya?

“Hello Sir?” bati ko sa kaniya nang sagutin ko yung tawag. Biglang napatigil si Tristan at agad siyang lumapit sa akin.

“Hi Keisha, mabuti naman gising ka pa. Kaka luto lang nung chicken curry. Diba favorite mo yun? Gusto mo bang dalhan kita jan sa kwarto mo?” tanong ni Sir Cyrus habang ako naman ay kinakabahang nakatayo dito dahil napindot ko pala yung loud speaker at narinig ito ni Tristan. Masama itong nakatingin sa akin. Sh*ta anong gagawin ko? Oo favorite ko yung chicken curry pero maililigtas ba ako niyang kapag kinain nanaman ako ni Tristan?

Sinenyasan niya ako na iabot ko sa kaniya yung cellphone kaya agad ko naman siyang sinunod.

“Oh nah hindi na kailangan. Busog pa si Keisha at matutulog na kami kaya huwag kang istorbo. Kaya kung okay lang sayo pwede ba huwag mo kaming istorbohin? Patulog na kami bigla bigla ka naman tumatawag.” inis na aniya niya bago niya pinatay yung tawag. Madiin niya akong tinitigan bago siya nag salita.

“Bagong teacher lang natin siya diba? Bakit nasa kaniya yung number mo?” malamig na tanong niya. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko dahil feeling ko galit siya. Hiningi kase sa akin ni Sir Cyrus yung number ko kaya agad ko namang binigay kahapon.

“A—Ano kase, yung kase ano.” hindi ko masabi sa kaniya yung mga salita na dapat kong sabihin dahil natatakot ako.

“Kase ano?!” inis na tanong niya.

“Hiningi niya kase kaya binigay ko.” finally, nasabi ko na. He just look at me coldly bago niya ako binuhat at ihiniga sa kama.

“Don't give your cellphone number sa mga walang kwentang tao Keisha. Patawag tawag pa siya, akala niya siguro tulog na ako.” saad niya bago pumatong sa akin.

“I—I'm sorry, akala ko pwedeng ibigay yun kahit kanino.” pag hingi ko ng sorry. Akala ko magagalit pa rin siya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit bago siya humiga sa tabi ko.

“Next time don't give your cellphone number to a stranger.” pag papaalala niya. Tumango tango na lang ako bago niya ako niyakap muli. Ngayon ko lang naisip kung dito ako matutulog, saan matutulog si Sevy? Kanina ko pa napansin, bakit parang wala siya? May pinuntahan ba siya?

“Keisha?” napatigil ako sa pag iisip nang tawagin niya ang panagalan ko.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Why did you always make me jealous?” tanong niya. Ano? Pinagseselos ko daw siya? Huh? Hindi ko naman siya pinag seselos ah? Pero wait? Nag seselos siya?

“What do you mean Tristan? Pinag seselos ba kita?” nag tatakang tanong ko sa kaniya.

“Yes, you always make me jealous. Like when you sleep in Jiro's shoulder and you sleep in the same room as him. You also make me jealous when you sit besides Cyrus. I don't like it when you talk or smile to another guy.” he said while pouting. Ha? Nag seselos siya kapag nakikipag usap ako sa ibang lalaki. At yung sa sasakyan? Ibig sabihin hindi ako namamalik mata nung makita ko siyang matalim na naka tingin sa akin?

“Why did you get jealous Tristan? Hindi ka naman siguro mag seselos nang walang dahilan diba?” tanong ko sa kaniya. Kailangan kong maka sigurado. May gusto ba siya sa akin? Gusto kong malaman pero baka masaktan lang ako kapag sinabi niyang hindi. Malay mo normal lang sa kaniya yun at wala siyang gusto sa akin.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon