Chapter 12

2.5K 60 3
                                    

Simula nung naging kami ni Tristan ay palagi na akong masaya. He treats me right and love me to bits.  Palagi akong nasa office niya at naka upo sa hita habang may pinipirmahan siyang mga dokumento o habang nag titipa sa laptop. Tinutulungan niya ako kapag gumagawa ng projects at PowerPoints. Palagi din akong nasa bahay niya at minsan doon pa ako natutulog.

Maayos naman ang relasyon naming dalawa pero makalipas ang ilang buwan ay medyo naging madistanysa si Tristan. Kung noon ay hinahayaan niya ako sa loob ng office niya ngayon hindi na. Hindi na din kami masyadong nag kakasama dahil palagi siyang busy sa kung ano man ang ginagawa niya. Paulit ulit na akong nag tatanong sa kaniya kung bakit palagi siyang busy pero hindi niya sinasagot ang tanong ko kaya kinalaunan, hindi na ako nag tanong.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit ko at inilalagay ko na ito sa loob nang bag ko nang ayain ako ni Jaslyn na mag milktea. Gusto ko sanang sumama pero importante ang araw na ito para sa amin ni Tristan. Ngayon kase ang ika anim na monthsary namin at balak ko siyang puntahan sa office niya. Hindi kase siya pumasok kanina kaya sa tingin ko nasa office niya lang siya.

Habang nag lalakad ako ay naka salubong ko si Sir Cyrus habang may hawak hawak itong madaming files at envelope. Kaya agad akong lumapit sa kaniya at tinulungan ko siyang dalhin ito sa principal's office.

Nang matapos na iyon ay nag lakad na ako papunta s office ni Tristan. Bigla tuloy ako nag ooverthink ngayon. Nakakapag taka kase tuwing monthsary namin ay binabati niya ako umaga pa lang tapos kapag sinusundo naman niya ako ay may dala siyang bulaklak at mga chocolates. Pero ngayon kase, wala eh. Kahit Good Morning na chat hindi niya ako binigyan. Kinakabahan ako dahil baka mamaya nakalimutan niya yung monthsary namin. May dala din akong card kung saan nakasulat ang Happy 6th Monthsary Love at yung letter na isinulat at pinag puyatan ko kagabi.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan yung pinto ng office niya. Naabutan ko siyang nag susulat habang nag titipa sa laptop niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos? May bago nanamang project na ibinigay yung principal?

“Hi love you look busy today.” bati ko sa kaniya nang makapasok ako sa office niya. He looked annoyed pero pinilit niyang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa laptop. Naistorbo ko ba siya sa ginagawa niya?

“Yes I'm busy right now Keisha. Kaya mo naman umuwi mag isa diba? Mag taxi ka na lang muna marami pa akong ginagawa.” malamig na ani niya bago ipinag patuloy ang ginagawa. Nabigla ako nang tawagin niya ako ng Keisha, dahil kahit minsan naiinis siya o busy noon ay love pa din ang tawag niya sa akin. Pero ngayon, parang may ginawa akong kasalanan at mag kaaway kami.

“Kaya ko naman umuwi mag isa love pero, alam mo ba kung anong araw ngayon?” masayang ani ko sa kaniya. Akala ko pa naman ay maaalala niya pero naiirita niya lang akong tinitigan.

“Today is September 19, tuesday. Bakit mo pa itinanong sa akin yan? Pwede mo namang tingnan sa cellphone mo diba? Iniistorbo mo lang ako.” inis na saad niya. Hindi ko alam kung lungkot o inis yung mararamdaman ko sa kaniya. Monthsary namin ngayon tapos nakalimutan niya? Hindi niya naman nakakalimutan yun noon ah? Ano bang meron sa kaniya? Galit ba siya? Prank ba ito? Kase hindi na nakakatuwa.

Ang saya saya ko kanina tapos malalaman kong nakalimutan niya yung monthsary namin? Hindi na nga kami masyadong nag kakasama nitong nakaraan  dahil palagi siyang busy.

“May problema ba Tristan? Bakit ganiyan ang kinikilos mo? Hindi ka naman ganiyan noon ah? Galit ka ba?” hindi ko na napigilan ang sarili ko at inis ko siyang sinigawan.

“Pwede mo naman kaseng tingnan sa cellphone mo kung anong araw ngayon tapos itatanong mo pa sa akin. Naiistorbo mo kase ako at madami akong ginagawa. ” wika niya bago napahilot ng sentido. Habang nag sasalita siya ay bumaling ang mata ko sa papel na nasa lamesa at may pangalan iyon ni Sevy. Teka ito yung tungkol sa research ah? Bakit na sa kaniya ito? Hindi kaya mga research project ni Sevy ang pinagkaka busyhan niya?

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon