Chapter 25

4.2K 71 3
                                    

Kinakabahan at natatakot, yan ang nararamdaman ko ngayon dito sa labas ng bahay namin habang hinihintay ko si Tristan. Natatakot ako na baka kapag sumama ako sa kaniya ay saktan niya ako at mapahamak kami ng mga anak ko. Iniisip ko rin ang kalagayan ni Justin ngayon, okay lang kaya siya?

Habang naka tayo ako dito ay narinig ko na ang sasakyan ni Tristan na papalapit sa akin. Agad siyang lumabas sa kotse niya at nakangising lumapit sa akin.

“Aww my baby looks beautiful as always.” aniya niya nang makalapit siya sa akin at niyakap niya ako. Maingat niya ding hinimas ang aking tiyan bago niya hinalikan ito.

“Na miss niyo ba ako mga anak ko?” tanong niya sa tiyan ko na para bang kinakausap niya ito.

“N—Nasaan si Justin?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Nabigla ako nang makita kong naging seryoso ang emosyon niya bago siya nag salita.

“Don't mentioned another man's name Keisha.” malamig na saad niya bago niya binuksan yung pinto ng kotse. Sinenyasan niyang pumasok ako doon pero hindi ko siya sinunod. Kailangan niya munang sagutin ang tanong ko bago ako sumunod sa kaniya.

“Sagutin mo muna ang tanong ko Tristan, nasaan si Justin?” muling pag tatanong ko sa kaniya. Kinabahan ako ng inis siyang nakipag titigan sa akin habang umiintig ang mga panga niya. Akala ko naman ay sasaktan na niya ako ng igalaw niya ang kamay niya pero kinuha niya lang pala ang cellphone niya bago siya may tinawagan.

“Hello Christian? Release him now, I'm with Keisha now.” he said coldly before ending the call.

“Pinakawalan ko na siya. At dahil tinupad ko na ang pinagkasunduan natin, it's your turn.” aniya niya sa akin kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse niya. Hindi pa ako sigurado kung naka uwi na nga ba si Justin pero sumunod na ako sa utos niya at pumasok sa loob ng kotse.

Tahimik lang ako habang siya naman ay nakahawak sa tiyan ko. Naririnig ko ang pag tawa niya kapag nararamdaman niyang sumisipa ang anak namin. Habang nag mamaneho siya ay nabigla ako nang mapansin kong hindi na pamilyar sa akin yung lugar kung saan kami papunta.

“S—Saan tayo pupunta?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Saan niya ako dadalhin?

“In my new mansion, i trashed my mansion when you're not responding to my calls last week. Sira sira na yung mga gamit doon kaya bumili na ako ng bago.” aniya niya habang nakatingin pa rin sa daan habang nag mamaneho. Ano? Bumili siya ng bagong mansion dahil lang dun? Pwede pa namang linisin yun diba?

“Ibig sabihin totoo yung sinabi sa akin ni Ate Tanya na nag wawala ka?” tanong ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya iyon.

“She told you that?! Well it's true because i can't help it. I miss you too much that i can't even control myself from missing you. I regret that i agree to our 5 days agreement. I don't want to lose you Keisha.” malungkot na wika niya.

“Please tell me you can still forgive me Keisha. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin.” he said sincerely before kissing my hands. Hindi ako makapag salita dahil sa mga sinabi niya.

“I am willing to do anything, just come back to me Keisha. Hindi ko hahayaang mag mahal ka ng iba. Ako lang dapat ang lalaking mamahalin mo.”saad niya bago tumigil sa pag mamaneho. Tumigil ito sa isang napaka gandang mansion. Pinag buksan niya ako ng pinto kaya bumaba na din ako kaagad. May apat na gwardiya dito sa may labas na agad tumungo nang makita nila si Tristan.

“Let's go inside baby.” pag aaya niya sa akin bago niya hinawakan ang kamay ko.

“Baby? Magkaka anak na ako Tristan.” nakangusong aniya ko but he just chuckled.

Loving Mr. Snobbish [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon