Chapter 3

380 30 3
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan. Gusto ko kasing dalawin muna si Luna sa clinic bago pumasok. Gumawa rin ako ng sandwich para kay Doc Cathy at para narin samin ni Kelly.

"Ang aga mo."

Tiningnan ko si Kelly na bagong gising at pupungas pungas pa na lumabas ng kwarto nya.

"Pupunta kasi akong clinic. Dadalawin ko si Luna bago pumasok." Sagot ko sa kanya. Nilagay ko na sa isang paper bag ang gawa kong sandwich.

"Sama ako. Maliligo lang ako." Pagkatapos sabihin iyon ni Kelly ay naglakad na ulit sya sa kwarto nya. Siguro ay para kunin ang susuotin nya.

__________

"Sorry na, please?"

Tiningnan ko ng masama si Kelly habang nakasandal sa upuan ng kotse nya. Hindi nya pa pinapaandar ang kotse kaya mas lalo akong naiinis.

Pano kasi ay isang oras at kalahati yata ang inintay ko para lang matapos sya sa pag aayos nya ng sarili nya. Kaya naman pala sobrang tagal nya dahil todo na naman pala ang make up at pustura nya. Bagay naman sa kanya ang ayos at suot nya pero kaya nga inagahan ko ang pag gising para sana mas matagal kong makita si Luna kaso itong babaitang to, nakipag usap pa yata sa sarili nya sa salamin kaya lahat ng oras nakain nya na. Ngayon may kalahating minuto nalang siguro ako bago ang unang klase ko ngayong umaga.

"Bakit naman kasi ang tagal mo? Sabi ko sayo dadalawin natin si Luna eh!" Pagmamaktol ko. Naiinis talaga kasi ako. Ang sarap isako nitong babaeng to.

Umayos ng upo si Kelly at nakita kong binuksan na nya ang makina ng sasakyan. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita kong napapakagat sya sa ibabang labi nya na parang pinipigilan nyang mangiti.

"Hindi kaya dahil kay Doc Cathy yan?" Paghihinala ko. Hindi  naman kasi ganun katagal ang pag aayos nya dati. Napansin ko rin parang napadami yata ang paglalagay nya ng pabango sa sarili kase grabe eh. Umiikot sa loob ng kotse ang pabangong gamit nya. Mabango naman pero parang gusto ko na ng sariwang hangin.

Mas lalo kong nakumpirma ang hinala ko nang nakita kong namumula na ang mukha nya!

"Sabi ko na eh!" Babatukan ko sana sya nang bigla syang yumuko at sinandal ang ulo nya sa manibela. Hindi ko alam kung maiinis bako o matatawa dahil narinig ko syang mahinang umiirit na parang dagang malapit nang mamatay. Ano ba yun? Kinikilig ba sya o ano?

"Kelly ano ba!" Gusto ko na talagang sabunutan ang babaeng to. Habang tumatagal ang pag stay namin dito sa parking lot ng condo,mas umiikli ang oras na pwede kong makita si Luna!

"Kasi naman eh! Kailan ka pa naging brainy?!" Eksaheradang litanya nya.

Nang gigigil kong hinila ang dulo ng buhok nya kaya napadaing na naman sya sa sakit.

"Alam mo palagi mo nalang akong sinasaktan!" Nakangusong tampo nya.

Hinilot ko ang sentido ko at sumandal nalang din sa upuan. Ang aga aga parang napapagod ako sa babaeng to.

Hindi ko sya kinibo kaya nag umpisa nalang sya magmaneho. Hay salamat naman.

_________

"Lunaaaaa! My baby! Gising kana." Nagmamadaling lumapit si Kelly sa cage ni Luna.

Agad din naman akong sumunod sa kanya at nakita ko nga ang pusa ko na nakaupo sa loob ng isang cage at nakatingin sa amin. Gusto kong maiyak dahil nakita kong nakamulat na ulit ang kanyang mga mata. Tiningnan ko ang kabuuan nya. Bukod sa benda na nakapulupot sa likurang paa nya ay mukhang wala naman na syang ibang galos.

(Meow)

Mahina lang yun pero sobrang saya ko na marinig ulit ang pag-meow nya.

"Goodmorning!"

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon