Chapter 4

307 29 3
                                    

"Sayo talaga yan?"

Saglit na natigilan ang babaeng katabi ko at parang ina-analyze nya pa ang sinasabi ko.

"Ang alin?" Mababang tanong nya.

"Yung mata mo. Sayo ba talaga yan?" namamanghang tanong ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang kulay na mata.

Umayos sya ng upo at sumandal sa upuan nya saka sya tumingin sakin na para akong isang Alien. Bahagyang nakakunot ang makapal nyang kilay.

"You don't remember me do you?"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Kilala ko ba sya? Parang ngayon ko lang naman sya nakita. At kung kilala ko sya, malamang di ko makakalimutan ang kulay ng mga mata nya.

"Anong--"

"How's your cat?"

Natigilan ako. Pakiramdam ko unti unting nawala ang dugo sa buong mukha ko sa sinabi nya. Titig na titig sya sakin.

"Did she survive or not? Tama ako hindi ba? Na mamamatay din naman sya."

Ang kaninang namamangha kong hitsura ay napalitan ng pagkatulala. Parang unti unting nanumbalik ang nangyari kahapon.

"I-ikaw yun.." Bulong ko. Tama lang para marinig nya.

Blangko lang syang tumingin sa akin. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Hindi ko alam pero para akong naestatwa sa pwesto ko at hindi makagalaw.

"Dapat sakin ka nalang naniwala.. Alam mo rin na mamamatay na sya hindi ba? You should've trust me." Pakiramdam ko nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi nyang yun.

Doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig at mabilis na tumayo. Kaya lahat ng atensyon ay napunta sa akin. Tumamihik din ang buong paligid pero nakatingin lang ako sa babaeng katabi ko na hanggang ngayon ay di inaalis ang tingin sa akin. Parang wala din syang pakialam kahit na nakatingin na sa amin ang mga kaklase namin. Wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nya.

"Miss Samson, what's the problem?" Baling na tanong sakin ni Prof Gia. Pero hindi ko sya pinansin. Nakakuyom lang ang kamao ko at ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala naka igting ang mga panga ko sa galit.

"Ikaw ang babaeng yon." Ulit na sambit ko sa babaeng ito.

Unang akala ko, ang naglibing kay Luna ay hindi student dito sa Univesity. Akala ko nakapasok lang yun na wala sa pag iisip. Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nandito sa tabi ko ang babaeng ito.

Hindi ko alam pero ang kaba na nararamdaman ko kanina ay unti unting napalitan ng galit.Wala syang karapatan na umupo sa silyang yan habang si Luna ay nahihirapan sa Clinic at putol na ang isang paa.

"Dahil sayo kaya nahihirapan si Luna ngayon." Muntik pakong pumiyok nang sabihin yun.
Nakita ko na bahagyang gumalaw ang isang kilay nya.

Napalunok ako nang tumayo din ito. Anak ng bakulaw din palang tong babaeng to. Literal na nakatingala ako sa kanya sa tangkad nya.

"Hey! Ano bang kaguluhan nyo dyan?!"

"So she's still alive huh? Poor cat. Dapat namatay nalang sya. This world is too cruel for her to live--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nya. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid sa amin. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang dalawang humahangos kong kaibigan na papalapit sakin.

"Ang sama mo." Gigil na sambit ko sa kanya. Galit ako. Sobrang galit ako sa sinabi nya. Wala syang karapatan na sabihin iyon!

"Ano bang problema mo sa Pusa ko?! Bakit gustong gusto mo syang mamatay?! Kung ikaw gusto mong mamatay, wag kang mandamay ng iba! Magbigti ka kung gusto mo!" Singhal ko sa kanya at tuloy tuloy na nagsipag landas ang mga luha ko na kanina ko pa pala pinipigilan. Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. Ang gusto ko lang ay mailabas itong galit ko.

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon