Chapter 2

425 29 0
                                    

"How is she?" Iniangat ko ang ulo ko nang may magsalita sa gilid ko. Si Kelly, bakas ang pag alala at ang paghabol ng paghinga nya. Siguro ay nagmadali din sya magpunta rito nang matawagan ko sya.

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa malaking glass window kung saan nandun si Luna kasama ang mga Veterinarian na gumagamot sa kanya.

"Kailangan daw na ma-orperahan ang kagat ng aso sa likurang paa nya. B-baka daw putulin ang paa nya dahil sa grabe ang natamo nyang sugat.." Halos di na lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.

"Shit...How did this happen? Kaninong Aso yon? Nakita mo kung anong hitsura ng aso, Andres? Ano bang nangyari?" Sunod sunod na tanong ni Kelly.

Alam kong nagaalala din sya para kay Luna dahil pareho naming alaga si Luna.

"K-kung kinuha nalang sana natin sya.. h-hindi sana mangayayari sa kanya to.." basag ang boses na bulong ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang takot at pagkataranta. Natuyo narin sa kamay ko ang dugo na nanggaling sa sugat ni Luna kanina.

Naramdaman ko na tumabi sa akin si Kelly at agad akong niyakap. Mas lalo akong naiyak sa ginawa nya.

"We both know na hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya, Luv. Please don't cry.. Magiging maayos din sya okay?" Pag aalo nya sakin. Marahan nyang hinahaplos ang buhok ko na kahit papano ay nakakatulong para kumalma ako.

"P-paano na sya kung puputulan sya ng paa.. p-paano na sya.. sinong mag aalaga sa kanya.." Iniisip ko palang na mahihirapan na si Luna pag naputulan na sya ng paa ay nasasaktan nako.

"Tayo ang mag aalaga sa kanya Luv.. you don't have to worry about that anymore."

Natigilan ako at agad na tiningnan sya sa mga mata. Bakas ang sinseridad sa mga mata nya.

"P-pero bawal ang hayop sa condo mo.. kaya nga hindi natin sya ma adopt Kelly.." Pag papaalala ko sa kanya. Mahigpit kasi na pinagbabawal ang anumang hayop sa condo na tinitirhan namin ngayon ni Kelly.

Ngumiti sya sa akin at inayos nya ang buhok ko na nakaharang na pala sa mukha ko.
"We'll find a new home. I'll talk to Dad. Hahanap tayo ng condo or house na pwede nating maiuwi si Luna.."

Parang sasabog ang puso ko sa tuwa dahil sa sinabi nya. Wala narin akong masabi kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Pero ang iyak na to ay alam kong dahil sa tuwa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya at ang mahinang pagtapik nya sa likod ko. Agad naman akong humiwalay at pinunasan ang mga luha ko maging ang sipon ko na muntik pa ngang lumabas.

Nakita ko ang pandidiri nya kaya natawa nalang din ako habang umiiyak. "So, don't cry na okay? Aalagaan natin  sya at hindi na sya magiging palaboy."

Tumango naman ako at di ko ulit mapigilan na yakapin si Kelly. Narinig ko ang mahinang tawa nya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Sabihan nyo na akong OA pero napamahal na sakin ng sobra si Luna. Mabait at napakalambing nyang pusa kaya ganito nalang ako kung magreact.

Isa pa.. hindi rin naman nalalayo ang pagmamahal natin sa hayop kung may mahal din tayong tao hindi ba? Hindi mo rin naman gugustuhing masaktan o makitang nasasaktan ang taong mahal mo.

"By the way.. Ano ba talagang nangyari? Paanong nagkaroon ng Aso sa University?"

Nilayo ako ni Kelly sa kanya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa mga mata. Suminghap ako ng malalim at saka kinuwento sa kanya ang nangyari. Maging ang babaeng muntik nang maglibing kay Luna ay kinuwento ko rin.

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon