Prologue

1.2K 44 6
                                    


"Move closer to me, my love."

Kahit nahihirapan sa paglalakad ay marahas nya kong hinila palapit sa kanya.Hindi ko maiwasang mapadaing nang maramdaman ko ang malamig na kadena na nakakabit sa mga paa ko nang tumama ito sa sariwa kong sugat.

Tuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hinawakan nya ko sa beywang at ang isang kamay nya ay may hawak na kutsilyo na nakatutok sa leeg ko.

"Dance with me."

Sa saliw ng musika ay dahan-dahan nyang ginalaw ang katawan nya, at dahil may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko ay nagpatianod nalang din ako sa ginagawa nya. Para kaming baliw sa ginagawa namin. Hindi. Siya lamang pala ang baliw sa amin.

Tumutunog ang kadena sa paa ko bawat hakbang na ginagawa ko. At ramdam ko ang hapdi sa mga sugat ko. Ilang beses na akong nagmura sa utak ko dahil sa nangyayari.

Hindi ganitong slow dance ang gusto kong maranasan.

Tiningnan ko ang mapanlinlang nyang kabuuan. Sa unang tingin ay aakalain mong isa syang anghel na bumaba sa lupa dahil sa sobrang ganda at maamo nyang mukha. Palaging nakangiti at mabait sya sa lahat ng tao.

Pero sa likod niyon ay isang halimaw. Demonyo

Maling mali na kinausap ko sya nung araw na iyon. Isang maling pagkakamali na nakipag kaibigan ako sa kanya. Dahil hindi ko namamalayan, unti unti na pala akong nahuhulog sa patibong nya.

"Please.. l-let me go..a-ayoko na ng ganito.."

Mula sa pagod kong boses dahil sa kakasigaw ay nabitawan ko pa ang mga salitang iyon.

Nakita kong nag iba ang kislap ng mga mata nya.Ang kaninang nakangiti nyang labi ay nakatikom na. Huminto rin sya sa pagsasayaw. Nakatitig lang ang walang buhay nyang mga mata sa akin. Parang gusto kong mapaluhod sa sobrang takot na baka kung ano na naman ang gawin nya sa akin dahil sumalungat na naman ako sa sinabi nya.

"You don't want to dance with me,Luna?"

Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking bibig.

"Maawa ka.."

"Why?! Dahil ba kay Maximo?! That fcking dog?! Kaya ba ayaw mo na akong makasama at gusto mo nakong iwan dahil sa lalaking yon?!"

Gusto kong umatras nang makita ko kung pano manlisik ang mga mata nya sa akin. At mas lalo akong natatakot dahil may hawak syang kutsilyo. Kaya nyang itarak sa leeg ko yun ng walang alinlangan lalo na't nagalit ko sya.

"Please.. h-hindi--"

"Enough! Lahat ng meron ako binigay ko para sayo Luna! Tapos ganito ang igaganti mo sa akin?! Ang saktan ang nararamdaman ko?!"

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong binato nya sa kung saan ang kutsilyo. Hinawakan nya ng mahigpit ang magkabilang braso ko at ramdam ko agad ang matulis nyang kuko na bumaon sa balat ko.

"Ang dapat sayo ay pinaparusahan."

Napasinghap ako nang walang habas nya akong tinulak papunta sa sulok ng silid na ito. Ramdam ko ang malamig na semento na tumama sa likod ko dahil sa para lamang akong papel na tinapon nya.

Mabilis na nagsipag unahan ang mga luha ko dahil sa sakit, pagod at takot ko sa babaeng ito. Kusa akong napaluhod dahil di ko na kinakaya ang panghihina. Bukod kase sa isang linggo nakong walang halos kain, hindi rin ako makatulog ng maayos dahil maya't maya ang pananakit nya sa akin.

Napasigaw ako ng malakas nang hatakin nya ang buhok ko. Pilit kong hinahawakan ang kamay nya na nakahawak sa buhok ko.

"A-aray masakit.." Lumuluhang sambit ko.

"Ganyan din ang nararamdaman ko ngayon Luna! Why do you have to hurt me?! You know it's killing me seeing you like this but I can't let that fcking dog have you!"

Ilang beses na akong umiyak sa harap nya kahit na alam kong hinding hindi sya maaawa sakin. Pero pilit parin akong nakikiusap sa kanya.

Hanggang kailan ko titiisin ang pananakit nya? Bakit ba hindi sumusuko ang katawan ko sa pananakit na ginagawa nya? Bakit ba hindi nalang ako mamatay para matapos na ang paghihirap ko?!

"I love you Luna..Mahal na mahal kita"

Lalo ako napahagulgol sa ngiting binibigay nya sa akin ngayon. Nilagay nya ang palad nya sa pisngi ko na parang ingat na ingat sya sa akin. Hindi ganitong pagmamahal ang gusto ko. Hindi to pagmamahal.

"Shh.. please don't cry..I love you.."

Nakakapanghina ang yakap nya. Paulit ulit nyang sinasabi na mahal nya ako at marahan nyang hinahaplos ang buhok ko na kanina lang ay sinabunutan nya.

Hindi nako nakapalag pa nang maramdaman ko ang labi nya na nasa labi ko na. Sa una ay marahan lamang ang pagdampi nito hanggang sa unti-unting naging marahas at mapaghanap. Pilit nyang binubuka ang mga bibig ko. At dahil sa nanghihina na ako ay nagawa nya ang gusto niya. Narinig kong nagpakawala sya ng mahinang ungol.

Parang papel nya kong binuhat at dinala sa kama na hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Umibabaw sya sa akin at alam ko na ang kasunod na mangyayari. Ilang beses na ba nya itong ginawa? At ilang beses narin ba akong pumalag pero sa huli ay bugbog lang ang natamo ko at nakuha nya rin naman ang gusto nya.

Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Please.. kahit sino man.. tulungan nyo ako..

______________

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon