Chapter 10

339 25 35
                                    

"Hindi naman kayo nakikinig sakin eh!"

Tiningnan ko si Rochelle na nagkakanda haba na ang nguso dahil sa amin ni Kelly. May kinukwento kasi sya na hindi ko maintindihan dahil nasa ibang lugar yata ang isip ko.

"Will you please be quiet for a moment,Rochelle? Ang sakit talaga ng ulo ko dahil ang dami naming nainom kagabi." Tinaas ni Kelly ang ulo nya mula sa desk na pinag yuyukuan nya.

"Eh bakit kasi pumapasok pasok kapa? Nakakadiri ka alam mo yon? Amoy alak ka! Eww." Maarteng asar ni Rochelle kay Kelly na inirapan lang naman sya ng huli saka ulit yumuko.

Hindi narin kasi umuwi si Kelly sa condo kagabi. Mabuti nalang. Dumiretso na sya dito sa University dahil muntik na syang malate kaninang umaga. Ewan ko rin kung saang bar  ito nagpunta dahil di parin naman sya nagkukwento dahil nga may Hang over ang bruha.

"Andreees, ano baaa. Bakit hindi ka nakikinig sakin?"

Di ko maiwasang matawa nang hawakan ako ni Rochelle sa braso at parang naiiyak na. Si Rochelle talaga ang parang baby ng barkada.

"Ano ba yon." Natatawang tanong ko sa kanya.

"Anong ano ba yon? Kanina pako nagsasalita dito eh. Di ka naman nakikinig. Tingin ka ng tingin dyan sa pinto ng classroom. May inaabangan ka ba?"

Bigla akong natigilan at unti unting nawala ang ngiti ko sa labi. Ganon ba ko ka obvious na inaantay ko si Eri?

"W-wala akong inaabangan. T-tinitingnan ko lang kung dadating na ba si Prof Gia. Siya last subject natin diba.."

Mabilis akong yumuko at kuwari ay may binabasa sa notebook ko. Ang totoo kasi nyan.. mag hapon kong iniintay si Eri. Pero ni anino nya hindi ko nakita. Kaninang umaga din na pag gising ko wala na sya sa tabi ko. Ni walang paalam o ano. Natulog ako na magkayakap kami pero nagising ako na wala na sya sa tabi ko. Tapos ngayon naman mukang di na talaga sya papasok. Alas singko narin ng hapon kaya malamang wala ng pag asa na pumasok pa yon.

Sakto naman pag-angat ko ng mukha ay dumating narin si Prof Gia. Pinaayos nya lang kami ng seating arrangement namin at saka nag umpisa narin syang mag lesson. Parang may tumutusok sa dibdib ko nang tingnan ko ang upuan ni Eri na walang laman.

Hindi ko maiwasang mag isip. Bakit hindi siya pumasok ngayon? Bakit hindi manlang sya nag paalam kaninang umaga? May nagawa bakong mali? Humihilik bako habang natutulog? Nakanganga kaya ako? Nasipa ko ba sya? Pano ko masasagot ang mga tanong na yan kung wala naman sya dito?!

Naiinis na napayuko nalang ako sa desk. Pakiramdam ko tutulo ang luha ko dahil sobrang naffrustrate nako at mas lalong naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Bakit bako umabot sa ganito.

Nakakainis ka Eri.

__________

"Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan? Anong problema Luv?" Umupo sa tabi ko si Kelly dito sa sofa at sumandal sya sa balikat ko.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga na ikinaangat nya ng ulo at pinaningkitan ako ng mata.
"Anong problema? Nung friday ka pa ganyan." Tanong nya sakin.

Tiningnan ko si Kelly. Seryoso. Gusto ko nang malaman ang sagot sa nararamdaman kong to. At alam kong pwedeng makatulong si Kelly dahil marami naman na syang experience pagdating sa ganito. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang dalawang kamay nya.

"Kelly." Seryosong tawag ko sa kanya.

Saglit syang natigilan at parang napalunok pa yata nang makita nyang seryoso na ako.

"A-ano?" Nauutal na tanong nya. Natatakot ba sya? Parang tanga.

"Nainlove kana ba?"



Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon