Chapter 11

270 21 6
                                    

"May naisip na ba kayong booth for this coming BSBA Week?"

"Meron na ma'am! Horror booth!"

"Ang corny! Cafe booth nalang!"

''Mas corni yan! Mag math challenge nalang tayo!"

"Mag isa ka! BSBA week tapos mag aaral ka?!"

"Tiktok booth nalang!"

"Ang papangit ng suggestions nyo!"

"Baduy!"

Kanya kanyang diskusyon ang maririnig sa buong classroom. Malapit na kasi ang BSBA week.

Para itong Intramurals na may twist. Dalawang Course lang ang maglalaban. At ang kalaban namin na Business Ad ay ang Engineering Course. Sa bawat course kasi ay may 8 Sections. Mula A to H. Sa buong week ay pakitaan ng gilas ang dalawang courses. Sa Sports, Games, at Booth. Sa huling araw ng event ay magkakaroon ng premyo ang may pinaka madaming napanalunan.

"Ano kaya kung photo booth?" Narinig kong tanong ni Rochelle sa tabi ko. Hindi kasi ako umaangat ng tingin at nakayuko lang ako sa desk.

Ayoko kasing makita o masulyapan manlang tong si Eri sa bandang likod ko. At isa pa.. hindi parin ako mapakali dun sa taong nag send sakin ng mga photo ko. Stalker yun malamang. Nakakakilabot. Lalo na yung sunod na sinend nun sakin na ginawa nya sa stuffed toy. Parang may galit yung taong yun sakin.

"Ang corny ng suggestion mo Rochelle!" Segunda naman ni Kelly.

"Lahat naman sayo corny no!"

Ano kayang ginagawa ni Eri sa likod ko ngayon? Dalawa araw na ang lumipas magmula nong mangyari yung sa Mall pero hanggang ngayon ay di parin kami nag uusap. At ayun na naman sya. Kapag oras na ni Prof Gia, hindi sya pumapasok. Anong mangyayari sa pag aaral nya. Dalawang araw rin na parang di nya ko nakikita o parang walang ugnayan samin.

"Andres. Are you okay?"

Nilingon ko ang gawi ni Kelly habang naka sandal parin ang ulo ko sa Desk. Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

"Hindi kaba nakakatulog? Nangingitim ang ilalim ng mata mo." Nag aalalang tanong sakin ni Kelly.

"Okay lang ako." Medyo paos na sagot ko.

Hindi na sya ulit nagsalita. Sa halip ay niyakap nya ko. Gusto ko na naman tuloy umiyak. Natatakot ako. Ayokong sabihin kay Kelly ang nangyayari sakin at sa stalker na umaaligid sakin dahil panigurado mag bibigay na naman sya ng bodyguard ko gaya nang ginawa nya noong first year college kami.

May isang lalaki kasi na palaging nagdadala ng bulaklak sakin at nag aabang sakin sa gate ng University. Kahit saan ay sinusundan nya ko. Hanggang sa pilit nya na kong niyayakap kahit na pumapalag ako. Mabuti nalang dumating nun si Kelly at naligtas nya ko. Simula nun ay hindi ko na ulit nakita yung lalaki. Ang balita sakin ay pinalipat na daw ng ibang School. Pero dahil nga don, nagkaroon ako ng bodyguard ng wala sa oras. Pero one month lang din naman ang tinagal nun dahil pinilit ko si Kelly na ayokong may sumusunod sakin, para kasing stalker narin ang dating nun.

"Are you sure? You don't look well to me. May sakit kaba?"

Sinapo nya ang noo ko. "Hindi ka naman mainit."

"Napuyat lang ako kagabi kakapanuod ng Kdrama." Pagsisinungaling ko. Pilit ko ring pinasisigla ang boses ko.

"Andres, two days ka nang ganyan. So two days ka naring nanunuod ng Kdrama?" Nakataas ang kilay na tanong sakin ni Kelly.

Huminga nalang ako ng malalim. Hindi talaga ako makakatakas sa babaeng to. Alam ko rin kasi na alam nya kung bakit ako ganito. At sa loob ng two days.. hindi nya ko kinuwestyon o ano. Iniintay nyang ako mismo ang magkwento.

Dancing with the Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon