Hue #8
Layshana's POV
"Hoy, Luchen!" Tawag ko kay Luchen na nakahiga sa couch habang naglalaro sa phone niya.
Ako naman ay nakaupo sa lapag, kaharap ang laptop ko na kanina pa nagha-hang. Hindi ko tuloy maayos-ayos ang paper ko imbes na natatapos na ako. Inis na inis na ako habang nagtitipa, dinadamay ko lang si Luchen kasi naka-relax siya.
Samantalang napagod ako sa event niya kanina. Ang dami niyang inutos. Ang iba ay hindi na makatarungan pero syempre hindi ko sinunod. Sinumbong ko kay Kuya Luka kaya nanahimik siya ngayon, kunwari busy siya sa phone pero baka sinusumpa na ako.
"Ang harsh mo naman tumawag, pwede naman na: hey, babe? Kumusta? Gusto mo bang kumain?" tanong niya habang naglalaro pa rin.
"Ah. Gutom ka pala?" Kunwari shock ako na may kasamang panlalaki ng mata. "Hala, baka mamatay ka sa sobrang gutom. Sigurado newsworthy 'yon."
Humalaklak ako bilang pang-asar sa kanya. Medyo nagulat ako kasi bumangon siya at umupo sa couch. Seryosong tumingin sa akin.
"Ito talagang babe ko, ganito ka ba maglambing? O, sige, ano ba? Pakikinggan ko na. Huwag ka na masungit." Pinatay niya ang phone niya tapos nilagay sa may couch.
Nagpapacute siya. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa hita niya tapos pinagdaop ang palad, closing it. All eyes on me and perhaps all ears tapos nakangiti pa.
"Akin na ang phone mo." Nilahad ko ang palad ko. "May gagawin ako."
Umangat ang kilay niya. "Hala, babe? Do you want us to exchange passwords? Ang laki naman ng trust issue mo e ikaw lang naman ang—ah, shit. Bakit nanghahampas ka?" Nainis na sabi niya pero wala rin naman siyang nagawa nang kunin ko ang phone niya.
"Password," sabi ko sa kanya tapos nag-iba ang mukha niya. "Ano? Wala naman akong gagawin. May pasasagutan lang ako."
"Ako na." Bigla niyang inagaw ang phone. Tumikhim. Weird naman nito. Akala mo naman ay nanakawin. Siya talaga may trust issue pero sabagay privacy na rin.
Binalik na rin niya ito pagkatapos ng ilang minuto kasi may pinalitan pa yata siya. Ewan ko, baka may scandal siya.
"Anong gagawin mo?" Tanong niya tapos tumabi siya sa akin sa lapag para tingnan ang phone niya. Pero nakita ko na tumingin siya sa laptop ko.
"Eto, sagutan mo ito para malaman natin kung gaano ka insensitive na tao." Binalik ko sa kanya ang phone niya nang mag-load na ang page.
Umangat ang tingin niya. "Highly sensitive person test? Ano to? Psychology student ka ba?"
"Hindi. Basta sagutan mo para naman marealize mo na isa kang gago. Bilisan mo na!" Utos ko pa. Wala lang talaga akong magawa.
Medyo boring din kasi bwisit naman itong laptop ko. Hindi pa rin ako makauwi dahil kailangan ko ng internet. Wala kami noon sa bahay kaya madalas ay sa school talaga ako gumagawa ng paperworks. Ngayon, sinamantala ko na ang penthouse ni Luchen.
Sinabi ni Kuya Luka na stay-in talaga ako dapat. Pinagbigyan lang niya ako ngayong week dahil kay Dez. Syempre, personal alalay nga ako. De bale, bumili naman ako ng pepper spray tapos extra lock para sa kwarto. Hindi natin alam baka gumapang siya, mabugbog ko pa.
Next week ko na rin dadalhin ang mga gamit ko. Nakakahiya na kay Kuya Luka kasi lagi niya akong pinagbibigyan.
"Anong mangyayari pagkatapos?"
"Matuto ka na maging tao. Dali na kasi!" Pamimilit ko pa. "
"Say please?"
Pinakita ko ang middle finger ko. "Asa ka..."
BINABASA MO ANG
Hue in my Dreams (Hue Series #2)
RomanceHUE SERIES #2 Layshana Natividad is a graduating film student tasked to create a documentary series of the Exodus band for their upcoming concert tour. The band is an alumnus of her school and is currently the most famous band in the world, topping...