Hue #18
Layshana's POV
"Bakit inuutusan ka ni Cove? Bwisit 'yon. Date natin ngayon tapos kung ano-ano ang pinapagawa sayo. Ako kaya ang boss mo rito."
Parang ibon na putak ng putak si Luchen habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital. Hinahanap ko naman ang opisina ni Doc. Coal, nakatatandang kapatid ni Cove dahil nakisuyo siya na iabot ko ang pasalubong ni Cove sa kanya dahil hindi raw umuuwi sa bahay nila itong si Doc. Coal.
Si Luchen naman ay dapat nasa session na kasama si Doc. Ignacio pero sumunod pa sa akin. Gusto niya raw ay kasama ako sa pagpunta roon. Aba't nag-iinarte na naman. Hinayaan ko na lang dahil kulang sa pansin.
"Tigilan mo ako sa date date na 'yan, nandito tayo para sa session mo. Baka gusto mo na isumbong kita sa Mommy mo. Dito pa naman siya nagtatrabaho."
Luchen crossed his arms as he gave me a proud look. "Gusto mo samahan pa kita? Sakto, papakilala na kita. Kelan mo ba ako sasagutin?"
"Yabang." Bumuga ako ng hangin. "Kung sinapak kaya kita."
"Mapanakit." Dumila siya. "I love you pa rin."
Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya. Baka makahalata pa na nagbabago na ang reaksyon ko sa tuwing sasabihin niya ang mga salita na 'yan. Mas maigi na maramdaman niya na wala akong pakialam sa kanya.
"Oh, wow. Is that Doc. Coal Valle?"
Natuon ang atensyon ko nang may lumabas na matangkad na lalaki mula sa isang kwarto. Napansin ko agad ang pagkakahawig nila ni Cove pero itong si Doc. Coal ay mukhang hindi approachable, tipong matatakot ako na lumapit dahil masungit ang aura niya.
"Nakakita ka na naman ng gwapo." Winagayway ni Luchen ang kamay niya sa harapan ng mukha ko para hindi ko matitigan ng maayos si Doc. Coal.
Sigurado na ako na siya nga ang kapatid ni Cove nang mabasa ko ang pangalan niya sa coat niya. Eksakto naman na tumingin siya sa gawi namin. Hindi naman ako malandi pero ang gwapo talaga ng mga Valle. Ang sarap magpalahi.
"Crush mo na naman?" Hindi pa rin tumitigil na sabi ni Luchen.
"Selos ka na naman," asar ko naman.
"It's okay. Hindi naman niya kayang gawin ito."
Ikinagulat ko ang paghawak niya sa kamay ko. Bago ko pa alisin ito ay hinila na niya ako palapit kay Doc. Coal. Nakasuot ng disguise si Luchen pero mukhang sanay naman na si Doc. Coal dahil nakilala niya ito. Wala ring problema sa mga nurses dahil parang wala na silang oras na maglandi sa dami ng ginagawa nila.
"Kuya Coal." Masayang bati ni Luchen sa kanya.
Tumango naman si Doc. Coal, may kasamang maliit na ngiti kaya lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi at saka ang braces niya.
"Hello po. I am Layshana," magalang na sabi ko sabay abot ng backpack sa kanya.
"Right, Layshana." Tumango siya na para bang kilala niya ako saka niya kinuha ang inabot ko. "Thanks for this. Sorry, naabala ka pa yata ni Cove."
"Yes, Kuya Coal. Pakisapak nga. Date sana namin ito ni Layshana kaso ang hilig mang-utos niyang si Cove." Parang bata na nagsusumbong itong si Luchen. Halata mo na sanay na si Doc. Coal sa kanya kaya hindi na siya apektado.
"Luchen, pumunta ka na sa session mo. Pinapahirapan mo lang si Layshana. Paano ka nyan sasagutin?"
Hala? Chismoso siya? Ganito ba ang mga Valle? Pero knowing Luchen, for sure siya ang nagkalat.
BINABASA MO ANG
Hue in my Dreams (Hue Series #2)
RomanceHUE SERIES #2 Layshana Natividad is a graduating film student tasked to create a documentary series of the Exodus band for their upcoming concert tour. The band is an alumnus of her school and is currently the most famous band in the world, topping...