Hue #24

2.1K 56 12
                                    

Hue #24

Layshana's POV

I had no plans on going back to the Philippines after what happened. Plano ko na manatili na lang habang buhay sa Los Angeles tutal wala naman na akong babalikan pa sa Pinas.

As much as possible, I want to cut any ties in that country that would make me remember Luchen, but of course, it was impossible. Kahit naman saang lupalop ng mundo ay maaari ko na marinig ang pangalan ni Luchen.

I also have to think about Mina and Dez. Surely, they can handle themselves but they are still my family. However, I didn't expect to come back sooner than expected.

"Roz, kayo na lang kaya ni Martini?"

May balak pa akong umatras kahit na nandito na kami sa NAIA at naghihintay ng sundo.

"Hindi niyo naman na ako kailangan pa, 'di ba?"

"I cannot understand what she was saying, but it's surely nonsense, right, Roz?" singit ni Martini na umiinom ng kape habang lumingon-lingon sa paligid.

It's his first time in the Philippines. Excited na mag-beach kaya pina-extend niya ang sana ay tatlong araw lang na pananatili namin dito para sa gaganapin na Film Festival. Kasama kami sa representative ng school tapos may entry rin kami.

"Yes, it is, Martini. Ignore her."

"Wow, thanks." I deeply sighed, looking at the both of them running outside the airport.

Hinatak ko na lang ang luggage ko palabas. Polusyon agad ang naamoy ko kaya sino ba naman ang matutuwa tapos iyon sanang uuwian ko rito ay iniwan naman ako.

I wonder what happened to him. Exodus was on a hiatus after their tour and new album. That's what I heard from Roz. Other than that, wala na akong pakialam pa. Hindi ko na rin nakakausap si Kuya Luka at deactivated na ang lahat ng social media accounts ko.

Saktong paglabas ko ay nilalagay na ni Martini ang bagahe namin sa likod ng itim na Range Rover. Pagtingin ko ay kausap ni Roz si Kuya Nic.

"Bakit ikaw ang sumundo sa amin?" She crossed her arms. She's just so bubbly that it didn't fit her to act like a bitch. "Nasaan si Yulo?"

"It's not like I want to pick you, guys. Ang dami ko pang trabaho," Kuya Nic responded. Ngayon ko naisip na dapat Ate ang tawag ko kay Roz dahil sa agwat ng edad namin.

"Why did you pick us?"

Hala. Mag-aaway na ba sila? Akala ko ba okay sila? Bagay pa naman sila. Lagi ko ngang sinasabi kay Luchen----fuck! Bakit ba iniisip ko pa rin siya?

He's just a ghost in my life.

"Ask Yulo."

With that, pumasok na si Kuya Nic sa driver seat. Ito namang si Roz ay sa backseat kasunod ni Martini. Syempre, wala akong choice kaya sa passenger seat na ako kasi ayoko namang pagmukhain na driver si Kuya Nic.

"Let's listen to the radio," ani Roz. Pumagitna siya sa upuan namin ni Kuya Nic at binuksan ang radyo.

"Tangina." Hindi ko napigilan ang sarili ko lalo na't boses ni Luchen ang narinig ko pagbukas ng radyo, tipong nanadya talaga ang tadhana.

"Luchen and Sabrina didn't get married," Kuya Nic said, starting the car.

Kumurap ako, trying to comprehend what he said. It didn't make me feel better. Mas gusto kong sapakin si Luchen. Kung hindi, bakit niya ako iniwan? Bakit hindi siya bumalik? Alam naman niya kung nasaan ako.

I pretended that I was unbothered. Hindi ko rin nilipat ang kanta kaso bwisit itong si Roz at Martini dahil nang-aasar talaga. Nilakasan nila ang boses nila at sinabayan ang kanta.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon