Hue #15
Layshana's POV
"What did the doctor say?"
Tumayo ako nang lumabas na si Luchen pagkatapos ng unang session niya. Kahapon kami nakabalik mula sa Japan. May jetlag pa nga ako pero excited itong si Luchen sa therapy niya.
Siya na nga ang tumawag kay Kuya Luka para magpa-schedule. Sa sobrang pagtataka ni Kuya Luka ay napatawag pa siya sa akin.
Oh, well. Nandito na. Nasabi ko na makikipag-date ako sa kanya. He's not that bad—mukha naman siyang tao. And, he's really handsome lalo na sa suot niyang hoodie jacket—na pareho ng suot ko dahil syempre pinilit niya ako.
"Hmm...wala naman," simpleng tugon niya. Hindi nawala ang ngiti nang makita na naman niya ang hoodie niya na suot ko.
"Anong wala? Nakikinig ka ba sa doktor o kung ano ano na naman nasa utak mo?" Sermon ko habang naglalakad na kami sa hallway.
"Ikaw lang naman nasa utak ko..." Kinikilig na sabi niya.
Napailing ako. Ang hirap ko talagang pakiligin kasi wala...tumataas lang balahibo ko.
"She just told me to stay with you all the time kaya huwag mo akong iiwan, huh?"
Sabay kaming napatigil sa sinabi niya. May masamang espiritu yata ang sumapi sa akin dahil biglang lakas ng tibok ng puso ko. Wala namang slow motion, baka natakot lang ako kay Luchen.
Hala...malala na yata ang tama niya sa akin!
"Alam mo, niloloko mo lang ako." Umismid ako.
"Hala. Hindi nga!" Depensa niya sa sarili niya sabay taas ng kanang kamay. "Ito naman, nagtatanong ka tapos hindi ka naniniwala. Tinanong niya ako kung may tao bang nakakapagpakalma sa akin tapos sabi ko ikaw...tapos..."
"Oo na. Oo na..." Mabilis na sabi ko dahil ayoko ng pakinggan pa ang sasabihin niya. Mamaya kung saan pa patungo...
"Bakit hindi ka naniniwala? Tara, dali. Tanungin pa natin—" Hahatakin na sana niya ako nang pigilan ko siya.
"Oo na. Naniniwala na ako. Happy?" Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.
"Basta hindi mo ako iiwan." Seryosong sabi niya na nagpatigil sa akin.
Bigla akong naguilty. Alam ko kasi sa sarili ko ang posibilidad na mas mahulog pa si Luchen sa ginagawa ko sa kanya pero kasi...ugh! Ayoko isipin.
Hindi naman mangyayari. Masyado akong busy...at isa pa, hindi kami bagay. Ang layo ng agwat namin sa isa't-isa. Kumbaga, true definition ng langit at lupa. Kaya bakit ko sasayangin ang oras ko?
"Ewan ko, tara na nga. Ayusin mo nga yang mukha mo. Baka makita nila tapos pagkaguluhan ka pa." Utos ko tapos naglakad na.
"Hala. Wala ng iaayos mukha ko. Sobrang gwapo ko na kaya..." Humalaklak siya, mabuti na lang walang mga tao na naglalakad sa hallway.
"Ay actually meron pala, kapag kasama kita ay mas nagiging sobrang gwapo ako kaya dito ka lang sa tabi ko. Okay?"
Hindi ko na nga siya pinansin. Ang dami pa niyang sinabi habang naglalakad kami palabas ng ospital. Focus lang ako sa harapan ko tapos sakto naman ay may nakita akong gwapo.
Napatigil ako. Pamilyar ang pabango. Dalawa lang naman ang kilala ko na may gamit ng Imperial Majesty. Si Kuya Luka at Kuya Nic.
"Oh..." Mahinang bulong ko. Hindi nga ako nagkamali pagharap niya.
Busog na naman ang mata ko. Hindi naman kami close. Feeling FC lang ako kaya hindi na ako lumapit tapos may kasama siyang babae—si Ate Asha, ang owner ng kapehan kung saan nagwowork si Mina.

BINABASA MO ANG
Hue in my Dreams (Hue Series #2)
RomanceHUE SERIES #2 Layshana Natividad is a graduating film student tasked to create a documentary series of the Exodus band for their upcoming concert tour. The band is an alumnus of her school and is currently the most famous band in the world, topping...