Hue #13

3K 92 4
                                    

Note: I do not own the lyrics of the songs. All credits belong to Artist vs Poet. You can check them out and listen to their songs while reading this story. Thank you :)


Hue #13

Layshana's POV

"Ate Layshana, hindi ka ba manunuod?" tawag ni Idy sa akin habang nakatayo ako roon sa gilid at sinisiguro na ayos na lahat ng inutos ni Direk sa akin.

"Magsisimula na ang concert. Sabi naman ni Direk ay pwede tayo manood." dagdag niya. Tumigil siya para tingnan ang To-Do-List ko.

Masyado kasi akong perfectionist pagdating sa mga ginagawa ko kaya ayoko na nakakalimutan o hindi ako nagagawa kasi baka hindi ako makatulog—tapos mabaliw pa ako sa kaiisip. Ito rin ang unang project na kung saan nagtiwala sa akin ang stage director kaya ayokong sayangin yon. Baka isipin nila ay ginagamit ko lang ang koneksyon ko kay Kuya Luka tapos wala naman pala akong ambag.

"Sige lang, susunod na ako," sabi ko habang busy pa rin doon sa gilid.

Rinig na rinig ko na ang hiyawan ng lahat kahit na hindi pa naguumpisa ang concert. Ako ang nababahala sa boses nila dahil siguro paos silang lahat pagkatapos ng concert.

"Check ko lang din ang mga pamalit ng Exodus lalo na ni Luchen."

Mali yata na binanggit ko ang pangalan ni Luchen dahil ngumiti siya at nang-asar. "Aba, talaga naman. Girlfriend na girlfriend ang peg."

Tumaas ang balahibo ko. "Idy, huwag mo akong umpisahan, okay? Alam mo naman na nagbibiro lang si Luchen."

Hindi ko na siya hinayaan na magsalita. Tinaboy ko na siya. Pilit ko na ngang inaalis ang scenario sa utak ko tapos ipapaalala pa niya. Nakakahiya talaga! Bwisit! Hindi ko talaga alam kung anong plano ni Luchen sa buhay niya, balak pa niya yata na patayin ako ng mga fans niya.

"Lay, ano ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba manunuod? May space ka sa baba ng stage. Nandoon na rin yata ang team mo," sabi ni Way paglapit sa akin na nagsusuot pa lang ng white sleeveless shirt kaya nakita ko pa ang abs niya.

Ang yummy naman nito. Suggestion ko nga sana na huwag na silang magdamit lahat sa stage dahil sayang naman ang abs nila kung hindi nila ipapakita. Sigurado ako na mas kikiligin ang fans. Game na game nga si Luchen noong sinabi ko. Pero syempre, hindi pa rin nangyari dahil kay Kuya Luka. Sa huli, they decided to hand paint their sleeveless shirts. Gumawa rin sila ng 100 hand painted shirt na ipapamigay sa stage mamaya.

"Yes, I will be there...pero mauna na kayo. May kailangan lang akong i-check sa dressing room," sabi ko sa kanya.

Natulala pa ako ng ilang segundo dahil sa bagong haircolor niya. It's still the same slick back military haircut pero kulay blonde na ito, medyo weird sa unang tingin pero bagay sa malapapel na kutis niya.

"That's a nice haircut," puri ko. "Ayusin mo lang ang shirt mo."

"Pwede ka rin palang stylist," sabi niya habang sinusunod ang mga sinasabi ko.

"Wow! Talaga ba? How about me?" Tumatakbo papalapit sa amin si Hux na ginawang blue ang taper fade cut niya.

Halos pareho lang silang dalawa na naka-jeans tapos white sleeveless shirt. Medyo maayos lang ang handpaint nitong si Hux kasi narinig ko na magaling din siya sa painting.

"Ah, alisin mo na lang necklace mo, parang hindi bagay..." sabi ko naman. "But I like the piercing."

"Yon naman. Ang dami mo naman palang maging role. Akin ka na lang. Huwag ka na kay Luchen." Natatawang umirap ako. Aba't sinubukan pa talaga akong i-recruit nito.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon