Hue #14

2.9K 73 9
                                    

Note: I do not own the lyrics of the songs. All credits belong to Artist vs Poet and The Cab (my fav band haha). You can check them out and listen to their songs while reading this story. Thank you :)  I think typos ahead. Bear with me. Wala akong time magproofread. Mwa~

Hue #14

Layshana's POV

"I thought you wanna impress me, how come you're shaking?" asar ko kay Luchen para kahit paano ay gumaan naman ang paligid lalo na't natigil talaga ang show dahil sa inaatake siya ng anxiety.

Mabuti na lamang at handa sila sa mga ganitong bagay kaya nagpalaro muna habang hinihintay na maging maayos na siya. Nasa loob kami ng dressing room niya. Minamasahe ko ang kaliwang kamay niya habang umiinom siya ng tubig gamit ang kabilang kamay.

"Is this you...flirting with me?"

Talaga namang hindi talaga siya papaawat. Malandi pa rin talaga siya kahit na mamamatay na siya. Imbes kasi na bitiwan ang kamay ko ay mas lalo niya itong hinigpitan. Hindi ko na nga minasahe, binatukan ko na lang para matauhan na hindi biro itong anxiety niya. Paano kung bigla na lang siyang mahimatay lalo na kapag wala siyang kasama?

"Ito naman...naglalambing lang ako. Payakap nga ulit tapos kantahan mo ulit ako..." Parang bata na sabi niya.

Hinayaan ko na siya sa mga gusto niya sa buhay. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng kamay niya kaya hinawakan ko na lang ulit habang inaayos ko rin ang damit niya. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi niya na akala mo ay nanalo sa lotto.

"Sana lagi akong may panic attack para—ouch! Bakit ka ba nambabatok?" Nakalabing-turan niya.

"Luchen, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Ilang minuto na tayo rito. Kailangan mo ng umakyat sa stage," sabi ko.

"Aww. Ang cute mo naman kapag nilalandi ako..." walang connect na sabi niya.

"Yeah, whatever, this is me flirting with you. Okay na?" Ako na susuko kasi nakakahiya naman sa alaga kong damulag na.

"Flirt with me more..." Parang butete na sumayaw siya kaya tumaas ang balahibo ko.

Hays. Tatanda talaga akong dalaga kapag itong alaga ko ay si Luchen. Hindi ko na nga pinansin.

"Does this always happen?" tanong ko.

"Yeah."

"What do you do?"

"Breathe...and drink medicine..." simpleng sagot niya. "Minsan tinitiis ko na lang hanggang sa mawala...hanggang sa maramdaman ko na okay na ako."

That made me stop. Parang bigla akong nawalan ng sasabihin. Hindi ko alam kung ico-comfort ko ba si Luchen o gagaguhin na lang para maging maayos siya. Mas okay na gaguhin ko siya kasi baka kung ano ano na naman ang maisip niya kung bigla akong magiging concern.

But it was too late...I was already concerned about him. Kawawa naman siya. Baka mamatay siya agad. Gosh, multuhin niya pa ako.

"Did you try talking to doctors?"

"Yeah...but it's useless. It still won't go away kaya hindi na. Nakakapagod lang..." Mahinang bulong niya.

Binitiwan ko agad ang kamay niya nang marinig ko ang mga yabag sa labas. Wala talaga siyang pakialam sa mga tao sa paligid dahil yayakapin pa ako—bwisit! Gusto talaga nito na pinagchi-chimisan kami. Ang sarap sakalin.

"They're waiting for you." Lumayo ako sa kanya. Tama na ang pagmamanyak niya sa akin kanina habang yakap ko siya.

"Start your therapy again," utos ko sa kanya.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon