Hue #16

2K 49 13
                                    

Hue #16

Layshana's POV

"Anong laging binibili ni Kuya Luka rito?" tanong ko kay Mina habang nasa Brewed Yesterday Cafe ako at nagtitingin ng cake para sa birthday niya bukas, December 17.

Nakuha ko na rin kasi ang sahod ko mula sa kanya. Nakakahiya kasi kumpleto na agad kahit na pakiramdam ko ay wala naman ako masyadong nagawa sa loob ng dalawang buwan.

Except for Luchen's therapy kahit na minsan ginagago na yata niya ang doktor at ginagamit lang niya para makalabas kaming dalawa.

"Banana cake pero wala kaming available na banana cake ngayon," sagot niya habang gumagawa ng orders.

Saka naman dumating si Ate Asha at kinausap si Mina. "Ako na magtitimpla ng kape ni Nic. Maarte siya."

Kuya Nic? Nagtambol ang tainga ko. Gusto ko lang makakita ng gwapo kasi laging gago nakikita ko. Well, masyado akong harsh kay Luchen, sige medyo gago na lang.

Improving naman siya. Nagpapabango sa akin kasi nanliligaw daw. Syempre, bahala siya sa buhay niya. Wala akong time.

Speaking of, tumatawag na naman siya. Pinatay ko ang tawag tapos tinext ko na lang na busy ako dahil baka tumakas na naman siya sa set. Hindi kami matapos-tapos sa ipapalabas naming pelikula dahil cause of delay siya.

Aminado rin naman ako na kasalanan ko dahil pinagbibigyan ko siya. Minsan lang naman. Hindi na ngayon kasi ako rin pala ang kawawa.

"Ate Lay, gagawa raw si Ate Asha ng banana cake pero hindi ibebenta. Ibibigay niya kasi kay Kuya Luka."

"Hmm...okay..." Nalungkot na sabi ko. Aalis na sana ako nang maisip ko na tulungan siya. "What if dalawa tayo na gumawa, Ate Asha?"

Hindi kami close. Mukha siyang masungit pero sabi naman ni Mina ay talagang ganyan lang si Ate Asha pero sobrang bait niya. Napatunayan ko naman 'yan ng tumango siya.

"Hala, yey! Thank you. Sorry, Ate Asha. Ang banana cake mo kasi talaga ang favorite ni Kuya Luka. Wala rin akong ibang alam na ibigay sa kanya dahil mukhang nasa kanya na rin naman ang lahat," paliwanag ko.

"It's okay. Masaya naman na si Luka sa pagkain," sagot niya. "Tapusin ko lang ang ginagawa ko tapos punta na tayo sa kitchen."

Tumango ako tapos naghintay na lang ako habang nagtitimpla siya ng iced caramel macchiato. Lumapit sa kanya si Kuya Nic.

Hindi ako chismosa pero sige, chismosa na ako kasi nakinig ako sa usapan nila.

"I bought a penthouse and I need an architect," umpisa ni Kuya Nic. "I visited the Netherlands last week and just realized that I like autumn more than spring."

I don't know their past. Hindi ko rin alam kung bakit kinikilig ako. Hindi dapat...may Kuya Skater si Ate Asha. Saka pwede namang kami na lang ni Kuya Nic.

Ugh, of course. Hindi naman mangyayari. Basta kinikilig ako lalo na nang sumagot si Ate Asha.

"Skater is an architect and he can design the house for you." Nakangiti na sabi ni Ate Asha. "I finished reading The Alchemist by Paolo Coelho."

Inabot ni Ate Asha kay Kuya Nic ang kape. Ngumiti lang si Kuya Nic tapos wala ng sinabi habang nakatulala na lang ako. Bakit kasi ganoon ang chemistry nila, hindi naman sila subject?

Hindi ko na nga inisip kahit gusto ko tanungin si Ate Asha. Tinulungan ko na lang siya sa paggawa ng banana cake kahit na wala akong alam. At least, effort para sa aking healthy crush. Ang bait ni Ate Asha tapos sobrang patient niya sa akin habang sinasabi ang gagawin.

Hue in my Dreams (Hue Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon