Back in Time

259 10 2
                                    

"Alam mo!? Kuhang kuha talaga nung Luis na yan yung inis ko, akala mo kung sino di naman gwapo!" Sabi ko at tsaka kukuha ulit ng chichirya.

"Teh alam mo, wag mo nga i gaslight yung sarili mo na hindi sya gwapo, napaka gwapo kaya nya, mayaman, mabait, matalino, anak ng CEO! San kapa!?" Tanong ni Shane.

"Ewan ko sayo! Hinding hindi ako magkakagusto sa apo ng magnanakaw!" Sabi ko at tsaka umalis sa bench.

Ako si Alexandra Jenniel Rodriguez , ang pinaka magandang este ang pinaka fresh na music student ng UP diliman, pano ko nakilala yang si Luis Mariano Constantino Marcos Araneta?

Anak sya ng Prof ko, oo Prof ko si Madam Irene Marcos Araneta, ang hirap na nga for me na mag build ng maayos at civil na bond with my prof eh, tas dumagdag pa yung anak nyang bunso na ubod ng kulit.

"Hi Xandra!" Bati nito saakin ni Luis na nag aantay sa table ng mommy nya.

"Jenniel, Jenniel yung name ko, pwede ba ang aga aga kaya wag mo akong guluhin" sabi ko at umupo na sa desk iniintay ang iba kong blockmates.

"Eto naman, sungit agad, bakit ba kasi ayaw mokong sagutin ha?" Tanong nito.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? 22 years old lang ako! Ikaw? 32! Gusto mo ata talagang makulong sa gro*m!ng eh noh!?" Tanong ko.

"Hindi naman gro*m!ng kung willing ka diba" tanong nito.

"Eh ayaw ko nga! Ayaw ko! Malinaw?" Tanong ko.

At tsaka lumabas ng classroom.

"Ms. Rodriguez ok ka lang?" Tanong ng professor ko na si ms. Irene.

"Opo, pero ano po bang ginagawa ng anak nyo sa loob? Kinukulit nanaman ako" sabu ko at inukot ang mga mata ko ng palihim.

"Hinatid nya ang mga gamit ko hija, may problema ba dun?" Tanong nito.

"W-wala po, it's just he's creepy and scares me" sabi ko at tumingin sa baba.

"Oh, wag ka mag alala ms. Rodriguez sasabihan ko sya, pag pasensyahan mo na" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Ouch!" Napahiyaw ako.

May sudden electricity nung hinawakan nga ang kamay ko.

"May problema ba?" Tanong nya at ayun na ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

1954

"Imelda! Gumising kana riyan at mahuhuli kana sa tanghalan" gising saakin ng isang babae na halos parang kasing idad ko lang.

"Huh? Kailan pako natulog? Pati nasa diliman ako kailan pa nagka condo dito?" Tanong ko.

"Imelda! Gumising kana at mag ayos dadating ang mga politiko galing sa iba't ibang panig ng pilipinas" sabi nito.

Minulat ko ang mga mata ko, nasan ako?

"Sino ka? D-diba nasa UP ako kanina?" Tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo? Ako to' si Milagros! Ang kababata mo! Bumangon kana riyan at mag ayos" sabi nito.

"Putcha! Wala akong kilalang Milagros! Hindi kita kilala san moko nahanap?" Tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo? Nasasapian kaba? Gusto ko bang tumawag ako ng pari?" Tanong nito.

"H-hindi ok lang ako, by the way este nga pala ako si Jenneil, hindi Imelda ang pangalan ko" sabi ko at bumangon.

"Nasasapian ka nga talaga ata Imelda, Imelda Remedios Visitación Romuáldez" sabi nito.

"Hindi ako si Imelda!" Sabi ko.

"Napaka kulit mo naman, sige na't mag ayos kana" sabi ni Milagros at lumabas ng silid.

Imaginarse (Oneshot stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon