Since We Were Fourteen

175 11 0
                                    

"Arra, andyan nanaman yung nanliligaw sayo" sabi ng org mate ko na si Kate.

"Gaga, di nga yun manliligaw! Si sir Luis lang yun yung anak ni madam Irene, baka may pinadala or ipasasabi lang yung mama nya" lumabas ako ng office para makita syang nag iintay na may dalang napaka daming box ng pizza.

"Oh sir!? Para saan yan? Ang dami naman" sabi ko at kinuha sa isa nyang kamay ang anim na box.

"Ah, pinahatid ni mommy sainyo treat nya daw para sa successful na play na nangyari kagabi" sabi nito.

"Ah talaga!? Nako pasabi kay madam thankyou! Angel talaga sya, sandali nanood kaba kagabi sir?" Tanong ko.

"Hindi eh, may trabaho pa kasi hayaan mo, sa susunod manonood ako, may susunod pa naman diba? At kasama ka padin?" Tanong nya.

"Hindi eh, malapit na kasi ako mag take ng board exam, hindi ko na maasikaso yan, kasi last year ko na dito sa UP, ay nga pala ok ka lang? Wala namang nanakit sayo sa labas?" Tanong ko.

"Im ok" sabi nya at nginitian ako.

"Tara sir! Kain tayo!" Sabi ko.

"Sige" sabi nya at tsaka pumasok sa loob ng office.

Tinawag ko ang iba naming org mates at yung iba naman ay pinadalhan nalang namin dahil nasa theater pa sila nag tatanggal ng mga props na inayos kagabi.

Nakita ko naman si sir Luis na nakatingin lang saakin habang kumakain kami ng nga org mates ko.

"Oh sir? Bakit di ka kumain?" Tanong ko habang ngumunguya.

Natawa naman sya at kumuha ng isang slice ng pizza, it's already seven in the evening, after nito mag uuwian na kami for sure.

Nako, lakas pa naman ng ulan, di bale sasabay nalang ako kay Kate papunta sa apartment.

Nagtawanan at kwentuhan kami, maya maya pa ay natapos na at nagsimula na kami mag linis.

"Sir ako na magpupunas dyan, thankyou po uli, me-message ko mommy nyo para mag thankyou personally" sabi ko at ngumiti.

"Hindi! Ok na, wag ko na i message si mommy" sabi nya.

"Ha? Bakit po?" Tanong ko.

"Basta, it's fine" sabi nya at ngumiti uli.

Bakit ba ngiti to' ng ngiti mapupunit na labi nya kangingiti sakin.

"Sir, thankyou talaga ha, kita mo naman nag enjoy kami sobra" sabi ko.

"Wala yun, pauwi kana? Hatid na kita" sabi nya.

"Hindi sir ok lang, sasabay nalang ako kay Kate" sabi ko.

"No, I insist sige na, hatid na kita malakas ang ulan" sabi nya.

Dahan dahan naman akong tumango, nakakahiya din kasi tumanggi.

Sumakay na kami sa sasakyan nya, na napaka ganda at garbo, never in my dream na makaka sakay ako sa ganitong kaganda na sasakyan.

Nag seat belt na ako, at sumakay nadin sya ng sasakyan.

"Nabanggit mo na, kukuha kana ng board exam? Law student ka diba?" Tanong nya.

"Oo sir" sabi ko at ngumiti at tsaka tumingin tingin sa labas.

"If naka pasa ka, san mo gusto mag work?" Tanong nya.

"Kahit saan sir, basta law firm ok naman ako," sabi ko.

"Kung gusto mo, sa firm ni tita Liza" sabi nya.

"Ha, eh high end naman yun sir yung M&Associates? Tama po ba? Pati im sure mataas standards dun" sabi ko.

Imaginarse (Oneshot stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon