chapter 21

80 1 1
                                    

Sobrang namaga ang mata ko sa kakaiyak madaling araw na ako naka tulog kagabi dahil inubos ko ang sakit nararamdaman ko kagabe, sabi ko nga ba eh talo lang ako kapag dating kay jane. Tinawagan ko si angel pero hindi sya ma contact baka busy ata, sana nandito si caleb kahit papa ano gagaan ang loob ko ngayon pero wala akong contact sa kanya, hindi ko alam kong nasaan sya ngayon kapag may problema ako palagi nandyan si caleb miss kona yong taong laging nagpapagaan ng loob pero wala na ngayon.

Maghapon akong tulala wala akong ganang kumilos hindi na din ako pumasok alam ko magkasama silang dalawa ni jane alam na nya ang tungkol samin sana hindi sila maghihiwalay isa itong malaking issue, ang ding pumapasok sa isip ko ngayong araw.

Gumala nalang ako sa mall naboboring na ako sa loob ng condo ko maghapon ako nakatulala, alas otso ng gabi hindi parin ako umuuwi sa condo ko kapag uuwi naman ako iiyak lang ako don gusto ko lang magpapahinga mona baka mawala pa ang nasa sinapoponan ko, nandito ako ngayon sa may mall ang daming nag dadate, kanina pa ako naglalakad dito.

tumawag si angel sakin agad ko naman sinagot,

"Hellow clara, punta ka dito sa building magpapakamatay si jane."

Mabilis akong tumakbo at sumakay saa trycycle wala na akong sinayang na oras at hindi ako mapakali, nangmakarating ako sa building pumunta na ako sa itaas. Dali dali akong tumakbo at sumakay sa elevator pagkataring ko sa itaas, nakita ko si angel nakatayo don may pinanonood sya.

"Angel nasaan si jane." Hingal na hingal ako ngayon dahil sakakatakbo ko, Wala namang tao dito nagtataka ako akala koba magpapakamatay si jane.

"Clara, i'm sorry." Nagugulohan ako sa kanya bakit naman sya humingi ng sorry sakin wala naman syang ginawa saakin.

"Para kang tanga bakit ka nag sosorry, at ano bang sinasabi mong magpapakamatay si jane." Na prank ata ako ngayon muntik pa nga ako madapa kanina dahil sa nagmamadali ako wala parin syang kibo at hindi magsasalita, may tinuro sya mabilis akong lumingon sa tinuro ni angel nakita ko si jane at si alexander nagyakapan, hanggang ba naman dito kailan ba matatapos to. Lumapit ako ng kunti para maranig ko ang sinasabi nila pareho silang umiiyak.

"Beb, wag mokong iwan please lang, mahal na mahal kita alam mo yan hindi ko kaya kapag wala ka sa tabi ko. Ouch sakit tangina kakarating kolang dito pero ganito ang eksena.

"Pero mas mahal mo si clara, gusto kolang papalayaan kita alam ko masaya ka sa kanya at marami kayong time sa isat isa." Nakita kopa si alexander umiiling pa ito.

"Ikaw mahal ko jane, ikaw lahat, walang makakapantay sayo ang pagmamal ko sayo. Mas mahal kita kaysa sa kanya hindi ko sya mahal, ikaw ang pinakahalaga sakin jane." Hinalikan pa ito sa labi, alexander tama please ayokona durog na durog na ako, umiiyak ako ng wala boses at tinakpan ko ang bibig ko baka marinig nila ako. Nakita kopang hinahaplos pa ito ang buhok ni jane, at maykinuha sya sa bulsa nya at lumayo sya ng kunti at lumuhod nag propose sya kay jane. Mas lalong umiiyak si jane.

"Beb, will you merry me." Hinintay nya ang sagot ni jane. "Mahal na mahal kita beb gusto kong masaya tayo ngayon at magbuo ng pamilya diba pangarap mo yan maiikasal tayo ito nayon." Alexander tama na please, ayokona talaga akala ko ikaw na ang taong para sakin akala ko ikaw na ang taong magpapasaya sakin hindi pala maling akala ko pala, halos mawalan ako ng lakas dahil sakakaiyak, sana hindi pumayag si jane na maikasal silang dalawa.

"Yes beb, i will merry you." Tuluyan na nga akong napa upo sa sahig gusto kong tumalon ngayon para matapos ang lahat ng sakit. Sunuot nya amg sing sing kay jane at tumayo hinalikan sa labi. Kanina pa akong umiiyak dito naramdaman ko nalang may humawak sa balikat ko para maka tayo ako, si caleb tinulungan nya ako para makalayo sa kanila at binuhat nya ako halos mawalan na akong hininga sa kakaiyak.

Ilang araw ako wala sa sarili at wala akong ganang kumain minsan hindi pa ako nakakatulog ng ayos, mag isa lamg ako sa condo at bumisita ang magkakapatid sina caleb maghapon din  sila kahapon dito sa condo ko,

Hinimas himas ko ang tyan ang sakit isip na hindi lang pala ako masasaktan pati narin ang aking anak malalam din ang katotohan kapag nasa tamang isip na naawa ako sa anak ko dahil may ibang mahal ang ama nya hindi ko man sya nabigyang buo ang pamilya yon paman ang gusto ko na sana hindi mangyayari sa anak ko sa nangyari sakin na walang magulang, pero ito na yon nangyayari na huli na ang lahat.

Dalawang buwan na din ang nakakalipas simula nag propose si alexander kay jane, umuwi ako sa probinsya hindi na ako nag tagal sa manila nandito ako sa probinsya ngayon  minsan dumalaw pa ang magkakapatid  buti nalang nandyan sila para sakin desisyon din nila na dito mona ako sa probinsya para hindi kona iisip ang taong minahal ko.

"Apo kumain kana dito." Tawag sakin ni lola.

"Opo lola."



3 years later

Pinag masdan ko ang mga bata naglalaro sa labas nakakatuwa silang tignan lalo na kapag tumatawa ito, nahahawa din ako sa tawa nila habang naghahabolan ito.

"Mommy gutom napo ako" napatingin ako sa anak ko hawak hawak ang tyan nya. malaki na sya ngayon hindi ko syang pinagsisihan na dumating sya sakin 3years old na ang anak ko sya si 
Clander hindi pa nya alam kong sino ang tunay nyang ama palagi din nya ito tinatanong sakin kong saan ang dady nya pero ang dami kong dahilan sa kanya buti naman maintindihin ang anak ko lagi ko nalang sinasabi sa kanya kapag bumalik ako sa manila ipakilala ko sya excited pa ito kahit hindi pa sigurado kong makikita ang ama nya, naging madamot akong ina kahit ang anak ko hindi ko manlang nabigyan ang gusto nya. hindi din ito lagi nanghingi para bumili ng laroan ang sabi nya lang hindi na nya kailangan ang laroan basta makita lang ang ama nya. Kapag ipakilala ko ito natatakot ako baka kunin sya sakin or baka hindi nya ituturing anak isa ito ang pinakatatakotan ko na ipakilala ang anak ko baka masasaktan lang sya.

pero kamukha nya talaga ang ama nya kaya hindi ito pinagtataka na mag ama talaga sila,  sa ama talaga sya nagmana halos magkakambal na ata sila kapag titigan mo ito, hindi pa ako handa ipakilala sya sa ama nya hindi ko nakakalimutan ang ginawa nya sakin at panigurado kinasal na sila at may anak na siguro sila ngayon 3years na ang nakakalipas.



MR.MASUNGITWhere stories live. Discover now