V - GREEN

8.9K 194 29
                                    

Solace's POV

"Ouch, sinasaktan mo na 'ko?" maarteng tanong niya at pinandilatan ako ng mga mata.

"Ang likot mo naman kasi, mamaya ka na maglaro 'yan," sagot ko rito at inigihan ang ginagawa dahil nangangalay na 'ko.

"Ouch! Solace naman e! Huwag mo ipitin 'yong skin ko." daing niya ng hindi sinasadyang naipit ko ang balat niya sa hawak na hair plucker.

"Huwag ka nga kasi malikot,"

"I'm not malikot, you're doing it on purpose."

"I'm not doing it on purpose, bakit naman kita sasaktan, ha? Mamaya ka na nga kasi maglaro, nadidistract ako e."

Dabog naman nitong pinatay ang cellphone at nilapag sa kaniyang tiyan, masama ako nitong tiningnan pero hindi ko pinansin at mas nilapit ang mukha sa kaniya. Kanina pa ako naiinis, ang liliit ng buhok niya sa kili-kili, ang hirap bunutan! Kanina pa sumasakit ang mata ko kakapaningkit dito huwag lang siyang maipit pero ang likot dahil panay laro na naman ng adorable home niya.

Nakahiga siya sa mahabang sofa habang ako'y nasa gilid niya lamang at nakadapa, kanina pa kami ganito, hindi ko nga alam kong may balak itong pumasok mamaya sa klase niya. Isang linggo na ang nakakaraan simula no'ng birthday ni Papa at pagkabalik sa university ay bumungad sa amin ang limpak-limpak na gawain. Buti nalang talaga at may asawa akong professor, abay, tinulungan ba naman ako sa mga activities, saan pa 'ko? Mag-asawa narin kayo ng professor, kayang-kaya kayong gawan ng essay at thesis.

Pareho kaming pagod ngayon dahil kahapon ay linggo at pumunta kaming art museum saka nag picnic kami sa seaside at nang kinagabihan ay nag long night drive kung saan-saan. It was fun, so much fun. It was our bond together, just the two of us. While walking around in the museum, it gives us a serene, everything that time are so peaceful that we wanted to try it again. Bago pa kami makaalis doon ay bumili si Amor nang isang painting, it showed the love of every character in the piece, a person who's willing to be with the person he loves even it means going against the world. A simple art but have a deep meaning for someone they trully love and for the painter who value the every sacrifices of his characters. It was indeed a masterpiece.

Sa picnic naman namin, dahil gustong-gusto ni Amor ang dagat ay pumunta kami isa sa mga beach dito at doon kumain, we stayed there until the afternoon and watched the sunset. At nang kinagabihan ay kung saan-saan na kami pumunta at naglibot-libot, we strolled around and bought something that caught our attentions. Pumunta narin kami sa may maayos na paradahan ng kotse at doon nagstar gazing habang parehong kumakain ng paborito naming chili mansi pancit cantoon with egg, syempre. Mas masarap daw kasi 'yon kapag hating-gabi na kahit nageexplore kami na parang si Dora ay napaluto pa ako. Walang problema sa akin, pareho kaming nagenjoy roon at bumuo na naman ng bagong memorya na hanggang dulo naming dadalhin. Goshh, I love my wife so muchh.

Mukha nga lang tanga ngayon e, sinusubsob ako sa kili-kili niya kapag naiipit ang balat. Ang likot-likot kasi, panay cellphone.

"Sabi ko sayo ipa-wax or laser mo nalang 'to e, edi isang sakitan lang." bulong ko pero matalim na inirapan lang ako nito.

"Naghihirap na tayo, no budget for that." sagot naman niya at inipit ang hibla ng aking buhok na nahuhulog papunta sa gilid ng tainga ko.

"Ako magbabayad, magkano ba?"

"Dunno, stop talking and hurry up." mataray niyang sambit.

Napaismid naman ako sa isipan, sadyang gusto niya 'kong pagtripan at walang magawa. Kayang-kaya namin pumunta ngayon sa dermatologist, hindi problema ang pera, talagang sinusumpong na naman siya ng kaniyang kakulitan. Kanina pa 'to e, ayaw akong tigilan at bigla nalang lalapit na may dala-dalang tyaani saka sasabihing bunutan ko raw siya. Kung makakilos ang isang 'to rito sa bahay ay parang hindi kilala bilang terror sa university at lagi raw badtrip sabi ng mga estudyante. She's literally different when it just us, araw-araw ko nakikita ang side niyang wala pang nakakakita. Burara 'to kapag kasama ako e, malinis lang kapag may ibang tao, kidding. Malinis 'yan sa mga bagay-bagay, inaasa lang sa akin ang lahat kapag iniinis ko para makaganti siya.

September NightWhere stories live. Discover now