IX - WELCOME HOME

6K 154 51
                                    

Solace's POV

"Kiss ko," nakangusong saad nito kaya yumuko ako para patakan nang halik ang labi niya. "One more."

Paulit-ulit ko namang hinalikan ang malambot niyang labi hanggang sa maging kuntento ito. Malaya ko lamang pinagmamasdan ang kaniyang mukha habang pinupunasan upang matanggal ang make-up. Nakahiga ito sa kama at ako naman ay nasa tabi niya, maingat kong pinapalandas ang basang pamunas sa kaniyang balat habang siya ay pipikit-pikit ang matang pinipigilan ang antok.

"Sleep, Amor, sleep." malumanay kong sambit.

"Amor nalang? Hindi na love, mahal, honey, wife, or anything?"

Wala naman sa oras na napatawa ako saka pinatakan ng halik ang tungkil ng kaniyang ilong, "Matulog ka na muna, love. Ako na bahala sayo." bawi ko sa kaninang sinabi at ang kaniyang labi naman ang tinanggalan ko ng lipstick.

"But I wanna spend more time with you. I miss you so much."

"Mamaya nalang. You should rest, alam kong pagod ka. Don't force yourself, meron pa namang mamaya." sagot kaya nagmulat mata ito at ngumuso na naman.

Siya lang ang hindi ako magsasawang tingnan kapag lumalabi.

Kahit na inaantok siya at halata ang pagod sa mukha, hindi ko parin maipintas ang kaniyang natural na kagandahan. Lalo lamang siyang gumaganda sa mga mata ko dagdag pa na ilang espasyo lang ang distansya ng aming mukha.

"Don't you miss me? I said I miss you." aniya at inangkla ang kamay sa aking leeg. "I miss you so much, baby."

Nilapag ko naman sa side table ang towel saka tuluyang yumuko upang yakapin ang kaniyang ulo. Awtomatiko naman itong dumiretso sa aking leeg at mahigpit na niyakap ako sa bewang kaya paulit-ulit kong pinatakan ng magaang halik ang kaniyang buhok.

"Of course, I miss you too. But we have the world later to spend our time together. I just want you to rest for now, love." malambing kong sagot kaya lalong humigpit ang yakap nito.

"I was indeed tired..but it vanished the moment I was home. The moment I feel at home which is you." she muttered as she caressed my back. A smile automatically appeared to my lips.

Nagtagal kami nang ilang minuto sa ganoong posisyon hanggang sa kumalas ako sa yakap niya. Aalis na sana ako sa kaniyang ibabaw ng hinawakan ako nito sa damit at umiling, hinawakan ko naman ang kaniyang kamay bago halikan at ngumiti sa kaniya. Sinusubukan niya parin huwag makatulog para lang makasama ako pero hindi maaari 'yon, may pasok pa ako mamaya at kailangan niya ng magpahinga.

"Kukuha lang ako damit mo," paalam ko rito kaya lumuwag ang hawak niya sa akin. "Babalik din agad."

Nang tumango ito ay mabilis akong bumangon at nagtungo sa walk-in closet namin. Dahil umuulan at bukas ang aircon ay kumuwa ako nang pares ng pajama saka naglakad pabalik sa kama. Mulat padin ito at mukhang hinihintay talaga ako kaya hindi na ako nagdalawang isip na hubarin ang kaniyang fitted dress at pinalitan siya. Pinanood lang naman ako nito na hihikab-hikab kaya napasulyap ako sa orasan, alas tres na ng umaga at wala pang isang oras simula nang makauwi siya.

Galing ito nang England para sa press conference na pinuntahan nila ni Ms. Vain. School related iyon at silang dalawa ang napili na maging representative ng university kaya pareho silang nawala ng isang linggo. Ang sabi niya kanina ay mamayang alas-diyes pa sila darating kaya nagulat nalang ako nang magising akong nasa ibabaw ko siya nakayakap. Dapat ay susunduin ko siya pero napaaga ang kanilang byahe dahil ginamit nila ang private jet na pagmamay-ari ng mga Silver, na sila Ms. Vain at Atlas.

Nang mabihisan siya ay tinapik nito ang kaniyang tabi kaya agaran akong nahiga. Awtomatiko naman itong yumakap at nagsumiksik sa akin kaya kinumutan ko muna ang aming katawan sabay haplos sa kaniyang buhok. Nakapikit na ito kaya hinayaan ko siyang tuluyang dalawin ng antok sa aking mga bisig. Alas tres pa lang naman ng umaga, p'wede parin ako matulog at muling gumising mamaya. Hindi magiging kaso sa akin ang pag-aalaga sa kaniya, inaantok din ako pero hindi ako magsasawang pagsilbihan siya kahit na sa alanganing oras.

September NightWhere stories live. Discover now