XXI - DIVULGENCE

6.4K 187 82
                                    

Solace's POV

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog, hindi ako mapirmi sa upuan kakahanap sa aking cellphone. Nang makita ito sa lapag ay mabilis ko itong pinulot at tiningnan, marami akong tawag at mensahe ang natanggap pero isa lang ang nakakuha sa aking atensyon—ang mensahe ni papa.

From: Papa

'Nak ang mama mo ay dinala sa hospital. Punta ka sa Sy Green, hinahanap ka pa niya simula kagabi.

From: Papa
Pasensya ka na kung nakadagdag pa kami sa problema mo 'nak, ah? Ayoko na sanang sabihin pa sa'yo ang nangyari pero may karapatan kang malaman ang nangyayari sa amin.

From: Papa

Ingat sa pagmamaneho, 'nak. Hintayin ka namin ni mama mo rito.

Kahit gaano karami ang problema ko, hindi ito dahilan upang hindi ko ibigay ang aking atensyon sa kanila. Sa lahat ng kanilang sinakripisyo para sa akin, hindi ko sila kakalimutan na parang isang bula lamang. If I can risk my life for Amor, I can also do that to my parents. Wala ako rito sa mundong 'to kung hindi dahil sa kanila.

Nang mabasa ang mensahe mula kay papa ay pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa hospital. Matapos kong tumungo sa bahay namin ni Amor, umalis lang din ako at sa kotse nagpalipas gabi. P'wede akong makituloy sa bahay ng mga kaibigan ko at kayla mama pero ayokong madamay sila sa nararamdaman ko. Baka may magawa ako at pagsisisihan sa huli, I tend to do things unaware, minsan nakakasakit ako kapag wala sa sarili kaya pinili kong mapag-isa.

Halos treinta minutos ay nakarating na ako sa harap ng Sy Green, hindi na ako nag-isip pa at tinahak ang daan papasok. Muli na naman akong nakatanggap ng mensahe mula kay papa kaya tinakbo ko na ang daan, pasakay na sana ako ng escalator nang may nahagip ang aking mata. Si Amor ito na kasama si Chynna, nandoon din si Doctor Jowee na mukhang hindi ako inaasahan makita rito.

Nagtagpo ang mata namin ni Amor ngunit mabilis lang iyon, ako lang din ang umiwas nang tingin at sumampa nang tuluyan sa escalator. Ang pamilyar na sakit ay muling dumaloy sa aking dibdib, ngunit imbes na pagtuunan pansin ay umiling lang ako. Mamaya na 'tong nararamdaman ko, si mama at papa naman muna.

Dali-dali kong hinanap ang kuwarto kung nasaan sila, nang makita ay inayos ko ang sarili saka kumatok. Agad namang bumungad sa akin si papa na mukhang walang tulog ngunit nang makita ako ay agad na lumiwanag ang mukha at sinenyasan akong makapasok. Pilit na ngumiti ako sa kaniya bago nilingon si mama na natutulog, lumapit ako rito sabay patak nang halik sa kaniyang noo.

"Mama, nandito na po ako. Pagaling ka ah, mag-usap tayo mamaya.." mahinang saad ko habang may nagbabadyang luha sa mga mata.

Sa sobrang abala ko sa pag-ayos ng relasyon kay Amor at Chynna, nakalimutan ko na may mga tao pa pala akong kailangan pagtuunan pansinin. Masyado kong inisip ang sariling nararamdaman na hindi ko nabigyan pansin ang sarili kong mga magulang.

"Anak, ayos naman ang nanay mo. Ang ate niya ang naka-assign na doctor sa kaniya. Sabi ni Charity ay kailangan lang niya magpahinga dahil sa kakaisip ng mga problema, hindi siya nakakatulog nang maayos." sabi ni papa at tumayo sa aking tabi habang ang isang kamay niya ay naka-akbay sa akin, maingat na hinihimas ang aking balikat upang patahanin.

"Papa.. I'm sorry po.." a sobbed came out of my mouth as guilt is taking over me. "Nakalimutan ko kayo ni mama. Sorry at hindi ko kaya naisip, kung kamusta na kayo. Sorry, 'pa.." I continued and pressed my lips together, preventing more of my silent cries to fill the spacious room.

Ang makita sa ganitong kalagayan si mama ay nakadagdag para magdusa ako. This is the least thing I am expecting to happen with my mother. Ang makita siyang natutulog sa hospital bed. I hate this.

September NightWhere stories live. Discover now