VI - DON ROMANTIKO

7.8K 178 48
                                    

Solace's POV

"Tama na, ayoko na," nawawalang hiningang saad ko dahil napapagod na ako.

"What do you mean by that? Come on, Solace, akala ko ba para sa kaniya 'to?" pangongonsensya nito sa akin kaya inirapan ko lang siya bago uminom ng tubig.

"5 minutes, inamo ka," sabat ni Swipe at sumalampak sa tabi ko bago nahiga sa sahig.

Sumunod din si Mazikeen at humilatay rin sa aking tabi, kita kong napairap si Vincenzo pero hindi ko nalang pinansin at kumuwa ulit ng lakas. Halos magdadalawang oras na kami rito at napapagod ako, ayaw pa man din kami paalisin ni Vincenzo dahil gusto niyang maging maayos ang kakalabasan ng aming gagawin. Parang tanga, tintanggalan kami ng dignidad.

I value my honor and dignity kahit kakaunti pero tanggal ito ngayon lahat, magkaroon ka lang ng isang Vincenzo na may laging dalang delubyo sa buhay mo, walang-wala na ang pinapangalagaan mong pride.

Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to? No..Bakit ko sila naging kaibigan? Pare-pareho lang naman kasi kaming walang magandang dulot sa isa't isa, so paano namin napulot ang pagkakaibigang nabuo namin ngayon?

"Hindi niyo naman kasi inaayos! Paano tayo matatapos nito?" palatak nito kaya malakas na sinipa siya ni Mazikeen na siyang ikinahiga nito sa sahig.

"Hindi inaayos? Halos maubusan na nga kami ng hininga, ginagago mo ba kami?"

"Ang titigas ng katawan niyo, lalo na si Solace! Kapag kailangan kumembot, sumasabay buong katawan!" insulto nito sa akin kaya napataas bigla kilay ko.

Si Mazikeen kasagutan niya at pangalan ko ang babanggitin? Pambihira, iniinsulto ata nito pagkatao ko e. Kasalanan ko bang hindi ako magaling gumiling?! E sa hindi ako ipinagpala na magkaroon ng malambot na katawan!

"I'm trying," simpleng sagot ko.

Kung hindi lang para kay Amor, hindi ako papayag dito e. Siya lang naman ang rason kung bakit ako nandito.

"Iyang trying mo kailangan ng tatlong buwan," singit naman ni Swipe kaya sa kaniya ako napabalin ng tingin. "So? At least i'm trying, 'yan na nga lang ambag ko, pinagkakaisahan niyo pa ako?"

Nagtawanan naman ang mga ito kaya muli akong napairap. Wala naman akong pakialam kung hindi ko agad makabisado ang mga galaw, ang importante sa akin ay ang oras na ibinibigay ko rito para sa asawa ko. Hindi ko rin naman papansinin ang magiging komento ng ibang tao, hindi ko naman ito gagawin para sa kanila. I'm doing this for my wife, I just wanna show her this para kahit papaano ay maibsan ko ang problema niya. Abala siya masyado sa responsibiladad niya bilang isang propesora rito, dahilan kung bakit sa pagtulog nalang kami nagkakasama ng matagal. Napapadalas ang oras na ibinibigay niya rito sa school at naiintindihan ko ang hirap saka pagod niyang nilalaan dito. Kaya bilang isang asawang mahal na mahal siya, gusto ko namang lumiwanag ang mukha nito kahit saglit lang. I want her to forget her problems and ease her mind from stress for a meantime. Wala namang masamang magpahinga ng kaunting oras bago lumaban ulit.

Saka pambawi narin dahil kahit gaano siya kaabala sa ginagawa ay hindi niya parin kinakalimutang kamustahin o 'di kaya ay iupdate ako sa nangyayari sa kaniya. Sa kaunting minutong binibigay niya sa akin, kuntento na ako at masaya. Sa ganoong paraan, kahit papaano ay nararamdaman ko parin ang pagmamahal niya. It doesn't matter if we don't talk for a whole day, a simple update will do. Hindi naman kailangan magupdate oras-oras, kahit isang message niya lang na ayos siya ay sapat na sapat na para sa akin.

I don't wanna control her. Kagaya nang sinabi ko noon, may sarili parin siyang buhay. Ayokong masakal siya dahil lang sa kasal kami, saka ayoko rin naman ng ganoon, gusto ko patas at nasa tamang timba lang ang ikot ng relasyon namin.

September NightWhere stories live. Discover now