XVIII - FRAGILE

5.6K 163 132
                                    

Solace's POV

Nakapikit ang isang mata na pababa ako ng hagdan, may naririnig akong ingay sa kusina kaya nagtungo ako roon. Nasilayan ko si Amor na nagluluto habang nakatalikod, pinagkrus ko ang mga kamay bago sumandal sa frame ng pintuan. Habang nakatitig sa kaniya ay bigla itong lumingon, nang makita ay napakagat ito sa ibabang labi saka dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

"G-good morning, Sol.." mahinang wika nito habang nakayuko.

Napakamot naman ako sa kilay dahil doon, walang kiss?

"Good morning." bati ko pabalik. Nag-angat ito ng tingin bago tumayo sa aking harapan, pinaglaruan nito ang dulo ng aking damit habang ngumunguso.

Binasa ko ang ibabang labi saka nilagay ang isang kamay sa bewang niya, mabilis naman itong dumikit sa akin at yumakap. Tahimik ko namang hinaplos ang kaniyang likuran habang ito'y nakasiksik sa aking leeg at mukhang nahihiyang salubungin ang mata ko.

"Are you okay? May problema ba tayo?" marahan kong tanong at inangat ang kaniyang mukha gamit ang aking daliri.

Umiling ito bago nag-iwas tingin. "Are you okay na? Wala bang masakit sa'yo? D-do you want me to cook something from you?"

"Why aren't you looking at me?" mahinang usal ko. "Look at me, love." dugtong ko at hinarap siya sa akin. "Now, tell me. Anong problema natin?"

Huminga naman muna ito ng malalim at naglikot na naman ang mga mata."L-last night.." tumigil ito at pansin ko ang panginginig ng kaniyang labi. "I'm sorry, love. I'm really sorry for what I did and for what I have said. I-I don't know what I was saying that time—"

"Okay lang, huwag mo nang isipin ang mga 'yon. Ayos lang at naiintindihan ko naman ikaw." putol ko sa kaniya at ngumiti.

She shook her head and looked at me pleadingly. "Do not tolerate me, please? I was wrong, Sol. My action wasn't tolerable, I hurt you so much. Huwag ka namang ganito oh, i'm more realizing how much pain I have cost you through my words and actions."

"Anong gusto mo, ang magalit ako sa'yo?" kalmadong tanong ko at tinitigan siya sa mata. "Sabihin mo nga sa akin, 'yan ba ang gusto mong gawin ko sa'yo?"

Hindi naman ito sumagot at naluluha lang akong tiningnan. Lihim naman akong napamura sa isipan dahil sa nakikita ngayon. Naiinis na naman ako sa sarili dahil nakikita ko siyang umiiyak.

"Nangyari naman na eh, kapag ba sinigawan at sinaktan kita, mababago ba 'yung nangyari kagabi? Hindi na, love. At saka, ayoko rin naman magalit sa'yo, bakit ako gagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko?" malambot kong sambit at pinunasan ang kaniyang mata. "Kung gusto mo akong saktan ka dahil sa ginawa mo kagabi, umasa kang hindi 'yon mangyayari. Hinding-hindi kita sasaktan sa paraang ikakasikip ng dibdib mo. Tahan na, ang panget na makita kang lumuluha na naman, tahan na. Hindi ako magagalit sa'yo, Amor. Hinding-hindi."

Hinila ko ito upang tuluyang yakapin, wala mang lumalabas na hikbi mula sa kaniya ngunit alam kong umiiyak padin ito dahil sa pag-galaw ng kaniyang balikat. Hinayaan ko lang naman muna ito hanggang sa maramdamang kumalma na, inangat nito ang kaniyang mukha saka ako hinalikan sa pisngi at labi.

"Sorry for always being the reason of our conflicts. Thank you for always being the patience one here and for always forgiving me amidst of the actions I unknowingly inflicted you. I'm sorry for everything, Sol. I'm really sorry." she uttered and bit her lower lips to prevent herself from finally sobbing.

Dinala ko naman ang daliri rito at hinaplos ang kaniyang labi. "Stop biting, baka magsugat."

"S-sorry," she whispered again.

Pinunasan ko ang kaniyang luha at binigyan siya ng nakakaintinding tango. Gusto niya akong magalit sa kaniya dahil sa nangyari kagabi? Ano pa ang silbi ng magiging galit ko kung tapos na at naiintindihan ko naman? Hindi ako bayolenteng tao mapa-physical o emotional dahil alam kong mas nahihirapan siya ngayon sa sitwasyon. Kung tutuusin ay wala siyang kasalanan sa mga nangyayari ngayon, ako ang dahilan ng pinagdadaanan nila, ako ang may mali. Nagbubunga na 'yung mga bagay na noon pa man ay inaasahan ko na.

September NightWhere stories live. Discover now