#2: I've Just Seen A Face

423 24 2
                                    

 "I've been alone and I have missed things and kept out of sight .." 


▶▶▶

Black messy hair. Metallica printed T-shirt. Rugged dark pants. Black-high cut sneakers.

Ilang beses ng napansin ni Lucy ang lalaking iyon sa klase nila na mahilig umupo sa likuran. But being in a room with more than forty students, madalas lang mapadaanan ng mata niya ang lalaki. Madalas kung hindi nakasubsob ang mukha nito sa table ng armchair niya, nakatungo naman ito sa notepad niya at tila nagsusulat. Minsan iniisip niya na nagd-drawing ito base sa galaw ng ballpen niya na hawak. Halos nakasabay niya na rin ito minsan ng papasok siya sa lecture room. Pero madalas kasi ay nakatungo ito at may nakakabit na earphones sa tenga.

Pero ng tawagin siya ni Professor Blanco kanina at tanungin as a recitation to prelude the class, doon pa lang napansin ni Lucy ito ng mas matagal. Hindi pa nga siya sigurado noong una kung ito talaga iyong lalaking crew sa bookcafe na mahilig niyang puntahan. Siguro ilang linggo na rin niya itong nakikita tuwing mapapadpad siya sa lugar. Dahil madalas siya sa lugar, sigurado siyang bago pa lang na nagtatrabaho ang lalaki sa cafe.

Kapag sa bookcafe kasi, mas nakikita niya ang kabuuan ng itsura nito. May itim na baseball cap silang suot at brown na apron na nakapatong sa itim na polo shirt at pants. That's his usual get-up at work. Pero kapag dito sa school, it seems like he's someone from the nineties. Iyong mga college boys na napapanuod ni Lucy sa mga lumang TV series at movies na paborito niya.

He looked so timid and bored. Somehow different from the boy she used to see at the bookcafe.

The next day he's wearing a T-shirt printed with the band's name, Switchfoot. Iniisip niya kung lahat ba ng damit niya ay ganun. It's true what they say, what you wear defines you.

Siya? Well, she loves basics. White T-shirt, ripped faded jeans, and ballet flats. She's not into accessories, except her black leather watch and eyeglasses. Hindi siya makakaalis ng bahay ng wala ang mga iyon, unlike other girls who can't go out without putting some make-up. Minsan nga kapag wala siyang suot na relo, mapapatingin siya lagi sa wrist niya, nakasanayan niya na kasi talaga. With regards to eyeglasses, malabo ang mata niya kaya kailangan niya talaga iyon.

"Daan tayo sa Booksale mamaya," sabi sa kanya ng kaibigang si April pagkaupo nila sa usual spot nila sa lecture room. Nilingon niya ang lalaki ilang row ang layo sa kanila. He's slouching from his seat habang nakatungo ang noo sa kamao nito, with his trademark earphones on.

"Okay," matipid niyang sabi sa kaibigan. Since summer class itong pinapasukan nila, hindi magkakapareho ang kurso nilang lahat sa klase. Literature major sila ni April at karamihan sa kasama nila sa klase ay mga Music major. May elective subject kasi sila sa curriculum at itong Songwriting class ang pinili nila ni April.

Maybe he's a Music major, Lucy thought.

Nang matapos ang klase ay hinintay niya itong makalabas. No, she has no plans of talking to him, yet. Maybe she's really just curious about him. Nung recitation kasi noong isang araw kay Professor Blanco, para bang may kung anong lungkot sa boses nito. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nag-iisip nu'n, but the guy looks so sad, or maybe he's just an introvert. May pagka introvert din naman siya kung minsan, siguro dahil bago lang ito sa University kaya ganito ito. Wala pa siyang nakitang kasama nito.

He didn't look weird to her. Pakiramdam niya nga ay mabait ito. Though he's a bit awkward for her. Hindi niya lang masyadong makita ang expression nito, at ang mukha nito masyado. Well, at the bookcafe, pero lagi naman itong may ginagawa. Minsan niya lang makita ito sa cash register. Sometimes, he's busy preparing orders.

"Uy tara?" April nudged at her. Napatingin siya sa kaibigan na kanina pa pala siya hinihintay. Nagsabay sabay kasi ang labas ng mga estudyante kanina. Nang lumingon siya para tignan kung nakalabas na ito, halos paubos na ang estudyante sa loob ng lecture room. Wala na doon si Lennon. Tama, Lennon ang pangalan nito.

"Ahm, wait lang, nakalimutan ko 'yung sketchbook ko sa room, kukunin ko lang."

"Okay, bilisan mo."

Nakalimutan naman talaga niya 'yung sketchbook niya sa armchair. Pumasok siya sa wala ng taong lecture room at tinungo ang upuan niya kanina. Her brown sketchbook was sitting at the table of her chair at mabilis niya iyong kinuha. She was balancing her books and pad on her arms at naglakad palabas ng room. When she tilted her head, his face appeared on the doorway.

It took her few seconds before realizing it was him - si Lennon.

Saka lang siya natauhan ng lagpasan siya nito at pumasok sa loob ng room, leaving her with her thoughts.


GeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon