"Lend me your ears and I'll sing you a song and I'll try not to sing out of key.."
▶▶▶
Nagising si Lennon na sobrang sakit ng ulo at buong katawan. Hindi na nga siya nakagawa ng kahit ano ng makauwi siya mula sa trabaho kagabi. Nang dumating siya, nakatulog na agad siya sa kama. Nakalimutan na niyang buksan ang electric fan kaya naliligo na rin siya pawis ng magising siya. He's not into shape and tempted to skip class and work today. Pero may exam sila at ayaw na niyang kumuha pa ng special exam. Hindi rin siya nakapag-aral pero bahala na, isip niya. Nang bumangon siya ay agad siyang dumiretso sa banyo para maligo. Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng pakiramdam niya. Bumili siya ng isang order ng pancit at isang supot ng tinapay sa kalapit na tindahan matapos makapagbihis. Mabilis siyang kumain at nagsipilyo bago umalis papuntang eskwelahan. Hindi pa naman siya late. Nag-aayos pa lang ng upuan ang mga kaklase niya ng dumating siya. As usual, doon siya nagtungo sa hanay ng upuan sa likuran.
Kakaupo niya pa lang ng dumating si Professor Blanco na may dalang patung-patong na mga papel sa kamay nito. He rummaged through his bag to find a pen pero wala siyang makita. Naalala niya na hiniram pala iyon ng isang customer sa book café na nalimutan na yatang ibalik. Napabuntong hininga siya ng makitang nagsisimula nang ipasa ang mga papel mula unahan papuntang likod. Naisip niya na sa Professor na lang nila manghiram, but that would be awkward plus he's sitting at the last row of chairs and it would take him a lot of effort to do so.
Tinignan niya ang mga katabi niya pero abala na ang mga ito sa pagsusulat. Nang iabot sa kanya ng nasa unahan ang papel doon niya napansin na may tatlong extra ballpens itong nakapatong sa table ng armchair nito.
"Pwedeng makahiram ng ballpen?" He found the courage to ask.
Hindi niya alam kung siya lang ba iyon pero mukhang nagulat ang babaeng kaklase niya ng tanungin niya ito. Sa pagkakaalam niya wala namang kakaiba sa boses niya o sa tanong niya na dapat ikagulat nito.
"Ah, uhm. Okay.." kumuha ito ng isa mula sa extra pens nito at iniabot sa kanya kasabay ng test paper.
"Thanks," he simply said before he started answering.
>>>
"Pwedeng makahiram ng ballpen?"
Lucy didn't realized it was Lennon until it was time to pass the test papers. Mas nagulat siya ng magsalita ito at tanungin kung pwedeng humiram ng panulat. Pakiramdam niya ay nag overreact siya ng magsalita ito. She wished he didn't notice. Mukha naman kasi itong walang pakialam sa mga bagay bagay, so she assumed he didn't noticed her reaction. It took her few minutes to recover before she can even write her name on top of the answer sheet. Parang kumalabog 'yung puso niya. Why was she feeling that way? She looked over April one seat apart from her. Abala ito sa pagsasagot. Saglit niyang ipiniid ang mata para ipaalis ang iniisip.
"Time's up. Finished or not finished, pass your papers forward. One-" Professor Blanco started counting. Agad niyang ipinasa ang papel niya. Alam niya na kailangan niyang lingunin si Lennon para abutin ang papel nito. Nang lumingon siya ay nakatunghay na rin ito at nagsimulang iabot ang papel niya.
"Salamat uli," sinundan pa ito ng boses nito kasabay ng pag-abot nito ng ballpen niya.
"Okay," she simply said. Hindi naman nagtagal ay nagpatiuna na rin itong lumabas ng silid matapos makaalis ng professor nila.
"Kamusta? Perfect na ba?" April nudged at her.
"Ha? Ako? Hindi no. May mga hindi rin ako sigurado."
Maya-maya ay kumawit na ang braso nito sa kanya, "Tara kain? Nagugutom ako. Nasa cafeteria daw sila Ellis."
Gaya ng sabi nito ay nasa cafeteria nga ang mga kaibigan nila. Christine saw them first kaya agad itong kumaway sa kanila. Kasama nito si Ellis at Joel. Lumapit sila sa mga ito at sumama sa table nila. They already ordered food at kumakain na rin ng abutan nila. April sat beside Joel na katabi si Christine. Lucy sat beside Ellis na nakaupo kaharap ng mga ito.