"Through thick and thin she will always be my friend.."
▶▶▶
Matapos nilang sunduin ng mommy niya sa airport ang daddy niya ay kumain na rin sila sa labas. They even watched Pitch Perfect 2 after lunch. Lucy enjoys these moments with her parents. Dati talaga ay gustong gusto niyang magkaroon ng kapatid, but growing up, her parents made her feel na hindi lang magulang ang mga ito sa kanya kundi parang kapatid na rin.
Madalas pa rin kasi silang lumabas na magkakasama. Lucy's mom was only nineteen when she got pregnant of Lucy. Twenty one naman ang daddy niya during that time. Nang matapos siyang ipanganak ng mommy niya ay saka naman nag proposed ng kasal ang daddy niya. They both had to wait for her mom's graduation in college bago sila magpakasal.
Ginusto ng mga ito na magkaroon muli ng anak. Pangarap din kasi ng daddy niya ang malaking pamilya. But due to some difficulties sa part ng mommy niya ay nahirapan na silang sundan si Lucy. Kaya naman ramdam niya talaga ang pagmamahal sa kanya ng mga magulang.
"Okay, where do we go next?" Umakbay ang daddy niya sa kanya habang ang isa nitong kamay ay nakahawak sa kamay ng mommy niya pagkalabas nila ng sinehan.
"Coffee!" Hirit niya sa ama.
"Ah! Of course," sagot naman ng daddy niya. She heard her mom laughing beside her dad.
"Dad, nasobrahan yata sa atin 'tong anak natin. At her age, hindi na ice cream ang sinisigaw, coffee na," her mom commented this time.
Dahil lagi niyang kasama ang mga magulang, Lucy adopted their interests. Pati nga taste sa music, sa books, or celebrities nakuha na rin niya sa mga ito.
Her dad kissed the top of her head. Matangkad ang daddy niya at halos hanggang dibdib lang siya nito. She's almost the same height as her mother.
"Except don't marry too soon. I'm not yet ready to walk you down the aisle."
Hinampas ng mommy niya ang braso ng asawa, "Daddy!"
Her dad turned to her, "See? Mukhang mas hindi ready ang mommy mo."
Tumawa na lang siya at napailing. Boyfriend nga wala, asawa pa kaya?
"Dad, I don't have a boyfriend to begin with. So, you don't have to worry."
"Darating din yan. Sa ngayon, magkape muna tayo," her mom said na sinang-ayunan naman ng mag ama.
>>>
Lennon spent the whole day inside his small apartment. Isinaksak niya ang phone sa speakers habang nagbabasa siya ng libro. Dahil wala naman siyang ibang mapagkaabalahan ay nag-aral na lang siya. Ito naman ang ayaw niya tuwing weekend at off niya mula sa trabaho. Halos wala rin siyang magawa. Medyo okay na kasi 'yung half day lang siya sa apartment - he can use some of his spare time sleeping.
After an hour or so of reading lumabas siya ng apartment at bumili ng sachet ng kape sa tindahan. Using his electric kettle na pinadala ng Mama niya sa kanya dati, nagpainit siya ng tubig at nagtimpla ng kape. Naisip niyang tawagan ang ina, pero hindi niya na lang ginawa. Kapag mas lalo niyang nakakausap ang ina mas nami-miss niya ito. Pwede naman siyang umuwi, isang sakay lang naman ang bus station papuntang Baguio sa apartment niya. Ayaw niya na lang na isipin nito na malungkot siya, because that will make her sad as well at ayaw niyang nakikitang malungkot ang ina.
Kinuha niya ang gitara malapit sa aparador niya. Kinalabit niya ang mga kwerdas at sinubukang sabayan ang tugtog sa speaker niya. Napatigil siya sa pagtugtog ng marinig ang katok sa pintuan niya.